Isa sa patuloy na sumisikat ngayon na binibisita ng families ang Manila Ocean Park. If you are also planning to visit it, here are the 10 things you should know.
Mababasa sa artikulong ito:
6 na bagay na kailangan mong malaman bago pumunta sa Manila Ocean Park 6 na bagay na kailangan mong malaman bago pumunta sa Manila Ocean ParkPaluwag na nang paluwag ang restrictions ngayon sa COVID-19. Kaya nga maraming families ang naisasama na ang kids sa pamamasyal. Nakakabisita na sa mga malls, restaurants, at of course parks. Ngayon, tampok na binibisita maging ng celebrities ang patok na tourist spot, ang Manila Ocean Park.
Marami naman kasi ang nakamamangha at nakatutuwang bagay na makikita dito. Lahat ng tao sa kahit anong edad ay maraming entertainment na maaaring i-try sa loob. Ito kasi ang kauna-unahang marine theme park ng Pilipinas, kung saan magkakaroon ka ng chance makita ang iba’t ibang species na nasa karagatan. Bukod dito, isa rin ito sa premiere na educational facility ng bansa.
If this is one of your target places to visit with your family, narito ang mga bagay na dapat mong malaman bago pumunta sa Manila Ocean Park ngayong free time ninyo:
How to avail tickets?Available ang tickets ng Manila Ocean Park sa kanilang website. Mayroon ding mga pagpipilian sa bibilhing ticket.
Kasama na diyan ang ino-offer nilang Sea 4 Treats Bundle. Mayroon itong presyong Php 1,860.00 at Php 2,250.00 na bundle tickets para sa 4 na guest. Kasama sa tickets na ito na maaaring mabisita ay ang Super Toy Collection, All Star Bird Show, World of Creepy Crawlies, Sea Lion Show, Trails to Antarctica, at Jellies Exhibit.
Habang ang isa naman na maaaring i-avail ay ang Fintastic Online Sale. Napakaganda ng offer na ito dahil sa halagang Php 560.00 at Php 680.00 ay mayroon ka nang ticket. Magkakaroon ka rin ng chance na mabisita ang maraming attractions sa loob ng marine theme park.
Larawan mula sa Facebook account ng Manila Ocean Park
What are their safety guidelines and protocols?Ina-allow ng Manila Ocean Park ang mga guests na may edad na 17 taong gulang pababa na pumunta sa park kahit hindi fully vaccinated. Ito ay basta mayroon kasamang parent and guardian na fully-vaccinated.
Para naman sa mga guests na nasa legal age at 18 taong gulang pataas, required na dapat ay fully-vaccinated na sila laban sa COVID-19. Kasabay nito ay dapat dala nila ang vaccination card na nagpapatunay na sila ay vaccinated na at ng isang valid na ID.
Kinakailangan din na isuot ang face mask sa loob ng park.
Larawan mula sa website ng Manila Ocean Park
What are the attractions?Marami ang maaaring ma-enjoy ng mga families dito. Kaliwa’t kanang fun attractions kasi ang kanilang ino-offer. Kasama na diyan ang All Star Bird Show at Sea Lion Show kung saan makikita ng kids ang mga ibon at sea lion na gumagawa ng tricks kasama ang kanilang mga caretakers. Feel na feel din ang sea experience sa Oceanarium na para bang nasa loob ka ng submarine habang pinapanood ang mga species sa dagat.
Habang sa Jellies Exhibit naman ay makikita mo ang mga amazing jelly fish. Mayroong ball pit para ma-enjoy lalo ng kids ang kanilang free time. Para mo na ring dinala ang families sa Trails to Antartica dahil mai-experience nila ang malamig na temperature kasama ang mga penguins.
Where can I find the marine theme park?Ang Manila Ocean Park ay matatagpuan sa Luneta, Manila. Kaya nga maganda na ipasyal ang kids dito dahil bukod sa park, mapupuntahan mo pa ang ibang tourist destination.
Samantalang ang park hours naman nila ay mula 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon. Ito ay tuwing Tuesday hanggang Sunday at maging public holidays.
Larawan mula sa website ng Manila Ocean Park
How can I contact them? Maaaring sila kontakin sa kanilang e-mail address na inquiry@manilaoceanpark.com at sa kanilang numero na +63285677777. What are the other things we can enjoy? Bukod sa napakaraming marine life sa theme park, marami rin ang iyong maaaring ma-enjoy pa dito. Kung naghahanap ka kung saan pwedeng mag-shopping, maraming shops sa loob. You can buy souvenirs, anime collectibles, toys, and gadgets. Hindi na rin magugutom ang pamilya sa dami ng variety ng food restaurant sa loob ng Manila Ocean Park. May mga shops na nag-offer ng tea, coffee, at iba’t ibang culinary delights na dagdag sa fun food experience ng pamilya. Kung nais naman ng pamilya ng mahaba-mahabang bakasyon, narito ang pinakabagong ino-offer nila ang Hotel H20. Very unique naman talaga ang experience dahil sa life-sized aquarium na mayroon ang bawat rooms. Lahat ng rooms nila ay aqua-themed kaya naman sulit na sulit ang vacation. Kasama na rin ang access sa kanilang television at set at internet connection kung sakaling mapagdedesiyunan na magbook na. Manila Ocean Park, Facebook