Isa sa mga aksidente na nagyayari sa loob ng ating bahay ay ang pagkapaso ng ating mga anak. Bilang isang ina, ikaw ay napapaisip kung ano ba ang pwede mong gawin at ano ba ang pwedeng gamot sa paso.
Ang paso sa balat ay pagkasira ng tissue ng balat dulot ng init ng apoy, kemikal, kuryente, radiation, o init ng araw.
Ano ang karaniwang mga sanhi ng pagkapaso?Ang unang hakbang sa pagtulong upang maprotektahan ang mga bata mula sa pagkapaso ay iyong maunawaan kung paano nangyayari ang mga karaniwang pagkasunog:
Thermal Burns : Ang mga paso na ito ay nagpapataas ng temperatura ng balat at tisyu sa ilalim. Ang mga thermal burn ay nagaganap mula sa steam, mainit na tubig, mainit na tasa ng kape, mainit na pagkain, likido sa pagluluto, at iba pa.
Radiation Burns : Nangyayari ang mga ito mula sa pagkakalantad sa mga ultraviolet ray ng araw. Sa madaling sabi sunburn, dahil ang balat ay hindi protektado ng maayos sa araw o mula sa radiation tulad ng X-ray.
Larawan mula sa Freepik
Chemical Burns: Nangyayari ang mga ito mula sa paglunok ng malalakas na mga asido (tulad ng paglilinis ng kanal o mga baterya) o pagbubuhos ng mga kemikal (tulad ng bleach) sa balat o mga mata.
Mga pagkasunog sa kuryente: Ito ay mula sa mga electric current at maaaring mangyari mula sa mga bagay tulad ng kagat sa mga elektrikal na lubid o mga dumikit na daliri o bagay sa mga de-kuryenteng outlet, at iba pa.
Ano ang mga uri ng paso?Ang pag-alam sa uri ng paso na mayroon ang isang bata ay maaaring makatulong sa mga hakbang sa first-aid. Ang lahat ng uri ng pagkapaso ay dapat tratuhin nang mabilis.
Upang maibaba ang temperatura ng napaso na bahagi ng katawan. Sa gayon, mabawasan ang pinsala sa balat at tisyu sa ilalim (kung malala ang pagkasunog).
Mula sa FreePik
First-Degree BurnsAng first-degree burns ay isang uri ng pagkapaso na hindi naman masyadong malalim ang naapektuhan na balat. Ang mga ito ay nangyayari lang sa tuktok na layer ng balat:
Mga palatandaan at sintomas: Ang mga paso na ito ay pamumula, pagkasakit ng parte na nasunog, kaunting pamamaga at ang balat ay tuyo at walang paltos.
Oras ng paggaling: Ang oras ng pagpapagaling ay umaabot ng 3-6 na araw; ang mababaw na layer ng balat na napaso ay maaaring magbalat sa loob ng 1 o 2 araw.
Second-Degree BurnsAng mga pagkasunog na ito ay mas seryoso kumpara sa pang-una. Sapagkat ang pagkasunog ng balat o paso sa balat ay may kasamang tuktok na layer ng balat at bahagi ng layer sa ibaba nito.
Mga palatandaan at sintomas: Ang nasunog na parte ng katawan ay namumula, namamaga at masakit. Minsan puputok o masisira ang mga paltos at ito ay basa at may kulay rosas o kaya isang cherry red color
Oras ng paggaling: Ang oras ng pagpapagaling ay nag-iiba depende sa tindi ng pagkasunog. Maaari itong tumagal ng hanggang 3 linggo o mas mahaba.
Thick BurnsAng mga paso na ito (tinatawag ding third-degree burn o ika-apat na degree burn) ang pinakaseryosong uri ng pagkasunog. Ito ang uri ng pagkasunog na natatamaan ang lahat ng mga layer ng balat at mga nerve endings at maaaring mapunta sa pinakailalim na tisyu.
Mga palatandaan at sintomas: Ang ibabaw ay lilitaw na tuyo at maaaring magmukhang waxy na kulay puti, mabalat, o parang sinunog ang balat. Maaaring may kaunti o walang sakit o ang lugar ay maaaring magkaroon ng pamamanhid sa una dahil sa pinsala sa nerve.
Oras ng paggaling: Ang oras ng paggaling ay nakasalalay sa kalubhaan ng pagkasunog. Karamihan ay kailangang tratuhin ng paglalagay ng skin graft. Kung saan ang malusog na balat ay kinukuha mula sa ibang bahagi ng katawan at inilalagay sa parte kung saan may nasunog para ito ay gumaling.
Gamot sa paso sa balat at mga kailangan mong gawingamot sa paso. | Larawan mula sa iStock
Ayon kay Dr. Angelica Tomas isang pediatrician mula sa Makati Medical Center,
“‘Pag minor burns tapos namumula ‘yong area, pwede magkaroon ng unting blisters. Ilagay ang cool running water or apply cool wet compress until the pain eases. And then, pag nagkaroon ng blister, ‘wag kurutin. It actually protects the skin. ‘Pag pumutok na ‘yong blisters clean it water and soap.” Ngunit humingi kaagad ng tulong medikal kapag: Sa palagay mo ang iyong anak ay may paso pa maliban sa kung ano ang mayroon siya sa kanyang balat. Ang nasunog na parte ng katawan ay malaki (2-3 ang lapad) Para sa anumang paso na nasasakop ang malaking bahagi ng katawan, tumawag na kaagad ng tulong medikal. Huwag gumamit ng wet compress o yelo sapagkat maaari itong maging sanhi ng pagbaba ng temperatura ng katawan ng bata. Sa halip, takpan ang lugar ng malinis, malambot na tela o tuwalya. Ang paso ay nagmula sa isang apoy, isang de-kuryenteng wire, isang socket, o mga kemikal. Ito ay nasa mukha, anit, kamay, ari, o sa balat sa isang kasukasuan. Ang paso ay mukhang may impeksyon (na may pamamaga, nana,pamumula, o may pulang guhit malapit sa sugat). Gamot sa superficial burns o para sa mababaw na pasoLarawan mula sa iStock
Alisin ang bata mula sa pinagmulan ng init at alisin ang damit na may apoy. Ilagay sa cool water ang nasunog na balat. Huwag gumamit ng yelo, kung saan maaaring maging sanhi ng higit na pinsala sa nasugatan na balat. Huwag maglagay ng mantikilya, grasa, pulbos, o anumang iba pang mga “katutubong” remedyo (folk remedies) sa pagkasunog dahil maaari pa itong maging dahilan ng impeksyon sa nasunog na parte ng iyong katawan. Mag-apply ng aloe gel o cream sa apektadong lugar. Maaari itong gawin ng ilang beses sa araw. Bigyan ang iyong anak ng acetaminophen o ibuprofen para sa sakit. Sundin ang mga direksyon sa label kung gaano karami ang ibibigay at kung gaano kadalas. Panatilihing malinis ang apektadong lugar. Maaari mo itong protektahan gamit ang isang sterile gauze pad o bandage sa susunod na 24 na oras. Gamot para sa makapal na paso ng balat (Thick or Full burns):Larawan mula sa iStock
Tumawag para sa pangangalagang medikal na pang-emergency. Pagkatapos, sundin ang mga hakbang na ito hanggang sa dumating ang tulong:
Panatilihing nakahiga ang bata at itaas ang may sunog na parte ng katawan Sundin ang mga dapat gawin para sa pagkasunog ng unang degree. Alisin ang lahat ng alahas at damit mula sa lugar na may paso Huwag putukin o kurutin ang anumang paltos. Gamot sa electric at chemical burns Siguraduhin na ang bata ay malayo sa pinagmulan ng elektrisidad bago mo siya hawakan. Sapagkat maaari ka ring makuryente. Para sa chemical burns, i-flush ng tubig ang lugar kung saan meron nito ng 5 minuto o higit pa. Kung ang nasunog na lugar ay malaki, gumamit ng isang batya, shower, timba ng tubig, o isang hose sa hardin. Huwag alisin ang alinman sa damit ng bata bago mo masimulan ang pag-flush ng tubig sa paso ng bata. Habang nagpapatuloy ka sa pag-flush ng burn, maaari mong alisin ang damit mula sa nasunog na lugar. Kung ang napaso na lugar mula sa isang kemikal ay maliit, mag-flush pa rin ng tubig sa loob ng 10-20 minuto, maglagay ng isang sterile gauze pad o bendahe, at tawagan ang iyong doktor. Ang mga pagkasunog ng kemikal sa bibig o mga mata ay kailangang suriin kaagad ng doktor pagkatapos na lubusan na mapula ng tubig. Ito ay maaaring hindi makita, ngunit pwede ito maging seryoso dahil sa posibleng pinsala sa iyong organs. Ang mga sintomas ay maaaring magkakaiba, depende sa uri at kalubhaan ng pagkasunog at kung ano ang sanhi nito. Oinment na gamot sa pasoAng paggamot sa paso sa balat ay nakadepende sa severity ng paso. Kung minor lang ang paso sa balat tulad ng pagkapaso sa mainit na tubig maaaring gawin ang mga sumusunod na paggamot:
Linisin ang bahaging napaso gamit ang tubig at sabon Kung mayroong blister o umumbok na balat, huwag putukin ito dahil mas madaling maimpeksyon ang bukas na blisters. Maaaring pahiran ng manipis na layer ng ointment ang napasong bahagi ng balat. Ilan sa mga ointment na maaaring gamitin bilang gamot sa paso ay petroleum jelly at aloe vera. Tandaan din na hindi kailangang may antibiotic ang ointment na gagamiting gamot sa paso. May mga antibiotic ointemnt na nagdudulot ng allergic reactions, mag-ingat sa paggamit nito. Bukod pa rito, huwag ding gumamit ng lotion, oil, cortisone butter, o egg white bilang gamot sa paso. Kung kinakailangan ay balutan ng sterile non-stick gauze ang paso para maiwasang masanggi ito. Subalit, tiyaking hindi masyadong mahigpit ang pagkakabalot at huwag gumamit ng dressing na maaaring mag-shed ng fibers. Kapag pumasok ang fibers ng tela sa paso ay maaaring lumala ang sugat nito. Palitan din ang balot kada araw. Kung nakararamdam ng sakit sa bahaging napaso at hindi ito kayang tiisin, maaaring mag-take ng medication para sa sakit. Ilan sa mga gamot sa paso sa balat na maaari mong inumin ay: Tylenol Ibuprofen Aspirin NaproxenSubalit tandaan na hindi maaaring painumin ng aspirin ang mga batang nasa edad dalawang taon pababa. Gayundin ang mga batang wala pang 18 taon na mayroong chicken pox o sintomas ng flu o trangkaso. Magpakonsulta sa inyong doktor para malaman kung ano ang pain reliever na ligtas na inumin ng bata.
Halamang gamot sa pasoMayroon ding mga halaman o herbs na maaaring gamitin bilang gamot sa minor burns o paso. Ngunit tandaan na tulad ng ibang mga therapy, mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang kondisyon bago magsimula ng treatment.
Narito ang ilang halamang gamot na maaaring i-apply topically sa minor na paso:
Aloe VeraPara maibsan ang hapdi ng paso, maaaring pahiran ng aloe vera cream o gel ang burned area. Pwede itong gawin nang tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.
Larawan mula sa Freepik kuha ni Jcomp
Gotu kola o Centella asiaticaMay mga cream na nabibili na mayroong content ng gotu kola herb. Makatutulong ito para gumaling ang tissue ng balat.
Calendula OfficinalisKilala rin sa tawag na pot marigold. Maaari itong gamiting panggamot sa paso sa dalawang paraan. Una, pwedeng pumitas ng one cup ng bulaklak ng pot marigold at pakuluan sa tubig ng 15 minuto.
I-drain ito, palamigin, at ipahid sa napasong bahagi ng balat. Subukan muna ito sa maliit na bahagi ng balat bago ipahid sa paso para matiyak na hindi magdudulot ng allergic reactions.
Ang ikalawang paraan ng paggamit ng pot marigold bilang gamot sa paso ay sa paggawa ng tsaa mula rito. Maglagay ng kalahating tasa ng halamang gamot at i-dilute ito sa ¼ cup ng tubig. Kapag malamig na ay ipahid sa paso.
PropolisIto ay resin na ginagawa ng mga bubuyog sa kanilang hives. Kilala itong nakapagpapagaling ng sugat sa balat. Ayon sa Sr. Lukes Hospital article, mayroong pag-aaral kung saan ay napagaling umano ng propolis ang minor burn katulad ng paggamot gamit ang silver sulfadiazine, isang prescription ointment.
Subalit mahalaga pa ring mag skin test para matiyak na walang adverse reaction. Huwag na huwag ding gagamit nito bilang gamot sa paso kung may allergy sa bee products o salicylates.
KomplikasyonAng minor na pagkapaso ng balat o first degree burn ay maaaring gumaling din nang kusa sa loob ng 10 hanggang 20 araw. Subalit maaari itong maging 2nd degree burn kung may ma-develop na impeksyon.
Ang malalim na 2nd degree burn ay maaari ding humantong sa 3rd degree burn. Kinakailangan ang skin graft at seryosong medical treatment kapag third-degree na ang pagkapaso ng balat.
Impeksyon ang pinaka karaniwang komplikasyon sa paso sa balat. Maaari ding humantong sa pagkamatay ang impeksyon sa paso sa balat. Dahil ito sa nakokompromisong immune system dulot ng impeksyon. Kapag lumala ang infections ng severe burn, kinakailangan ang reconstructive surgery.
Narito ang ilan pang komplikasyon na maaaring danasin dahil sa paso sa balat: Pagtaas ng risk ng pagkakaroon ng skin cancer sa napasong balat Carbon dioxide poisoning sa kaso ng pagkapaso dulot ng sunog Matinding heart attack na maaaring humantong sa pagtigil ng pagtibok ng puso Adrenal insufficiencyHuwag kakamutin o kakaskasin ang bahagi ng balat na napaso. Maaaring mas lumalim ang sugat kung ito ay gagawin. Kapag mas malalim ang sugat ay mas mataas din ang risk ng impeksyon at pagkakaroon ng peklat.
Kung sa palagay mo ay nade-develop ang pilat sa burned area o may suspetsa ng impeksyon sa napasong balat, agad na kumonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Kids For Health, Healthline , Mayo Clinic, St. Lukes Hospital, Cleveland Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.