Ano nga ba ang gamot sa lagnat ng bata? Paano masasabi sa papamagitan ng temparature na may lagnat ang bata? Alamin dito.
Mahirap para sa ina ang ang makita ang kanyang anak na may sakit at nahihirapan. Hangga’t maaari ay gusto natin na mayroon silang masiglang katawan at aktibo sa mga pisikal na gawain. Masakit sa damdamin ang pag-aalaga ng batang may sakit lalo na kung gising pa sila ng madaling araw dahil sa lagnat.
Isang bagay na labis na nagdudulot ng kaba at pag-aalala sa ating mga magulang ay ang mataas na lagnat ng bata. Hindi tayo mapakali kapag nararamdaman natin na mainit ang kanilang pakiramdam at matamlay ang kanilang pangangatawan. Lalo tayong nababalisa kapag “inaapoy ng lagnat” ang bata.
Natural lang sa atin ang mag-alala, subalit sa halip na mabalisa, dapat ay maging handa tayo sa mga ganitong sitwasyon at alamin kung paano natin pabababain ang mataas na lagnat ng bata.
Ano ang sanhi ng lagnat ng bata?Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image source: iStock
Ayon kay Dr. Nicole Perreras, isang pedia sa Makati Medical Center, may iba’t ibang sanhi ng lagnat ng bata. Ito ay naka-depende sa edad.
“Kailangan ‘pag three months and below na biglang nilagnat especially kapag nasa first 30 days or 29 days, kailangan talaga ma-assess ‘yon.
But kung mas matanda na ang baby, for example three months hanggang three years old, usually ang pinaka common na sanhi ng fever o lagnat ay viral infection. ‘Yan ang mga sinasabing tigdas hangin, pagtatae, ubo at sipon.
For older children, depende na rin yon sa iba’t ibang signs and symptoms. ‘yong iba tatanungin mo, ‘kakabakuna lang ba sa baby?’.
Baka naman kasi in the past 48 hours nakatanggap pala si baby ng bakuna. So there are many things that could cause fever so depende talaga yon.
In general, yan yung mga causes for age group na kailangang tutukan ng mga magulang.”
Bilang magulang, marami tayong isinasaalang-alang bago painumin ang anak ng gamot sa lagnat ng bata para bumaba ang temperature ng kanyang katawan lalo na kung hindi nirekomenda ng doktor. Isa ka ba sa mga magulang na hindi gustong gumamit ng gamot lalo na sa kanilang toddlers?
Pabalik balik na lagnat ng bataPag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Ang pabalik balik na lagnat ng bata ay isang lagnat na nangyayari nang maraming beses sa isang panahon. Minsang inilarawan bilang episodic, ibig sabihin ay dumarating at umalis ang lagnat na ito.
Ang ganitong uri ng lagnat ay karaniwang nakikita sa maliliit na bata, karaniwan ay wala pang 5 taong gulang (lalo na sa mga sanggol at maliliit na bata). Ang tumaas na temperatura ay tumatagal ng ilang araw at pagkatapos ay mawawala sa loob ng ilang oras.
Isa sa mga pangunahing sintomas ang pabalik balik na lagnat ng bata sa mga kondisyon na tinatawag na periodic fever syndromes.
Ang lagnat ay maaaring mangyari sa maraming iba’t ibang dahilan. Maaaring kabilang sa mga sanhi na ito ang:
Virus Bacterial infection PagbabakunaGayunpaman, ang paulit-ulit na lagnat ay hindi sanhi ng virus o bacterial infection.
Ang pabalik balik na lagnat ng bata ay isa sa pangunahing sintomas ng periodic fever syndrome. Mayroong ilang mga uri ng periodic fever syndromes, kabilang ang: Familial Mediterranean fever (FMF) Muckle-Wells syndrome and familial cold auto inflammatory syndrome Periodic fever, Aphthous-stomatitis, Pharyngitis, Adenitis (PFAPA) syndrome Tumor necrosis factor receptor associated periodic syndrome (TRAPS) Hyperimmunoglobulin D syndrome (HIDA) Neonatal onset multisystem inflammatory disease (NOMID) Lagnat ng bata sa gabi: Dapat bang gisingin?Kung ang iyong anak ay nakatulog, huwag gisingin ang iyong anak para lamang kunin ang kanyang temperatura o bigyan siya ng gamot sa lagnat.
Ang pagtulog ng mahimbing sa gabi ay mas mahalaga sa proseso ng pagpapagaling kaysa sa pagsubaybay sa kanilang temperatura.
Ngunit kung ang iyong anak ay natutulog nang hindi mapakali, o humihinga nang mas mabilis kaysa sa karaniwan o hindi regular, maaari mong suriin ang kanilang temperatura upang magpasya kung kailangan nang dalhin ito sa doktor o bigyan ng gamot.
Gamot sa lagnat ng bataHindi bumababa ang lagnat ng bata? Lagnat na mainit ang paa at kamay ng bata? 37.7 may lagnat ba sa bata?
Buti na lamang ay may ilang maaaring gagawin para bumaba ang lagnat ng bata. Narito ang ilang gamot sa lagnat ng bata home remedy:
Subalit bago ang lahat, naniniwala kami na kapag may lagnat ang bata, dapat ay makipag-ugnayan muna at humingi ng payo sa kaniyang pediatrician para malaman kung anong dapat gawin at ang tamang gamot sa lagnat ng bata.
Paano mawala ang lagnat ng bata?
1. Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng bata? Siguruhing presko ang kaniyang suotKung hindi naman siya nilalamig, hindi tama na kumutan ang bata na nilalagnat. Kapag ginagawa ito, mas lalong tumataas ang temperatura at mas lalong iinit ang katawan. Kailangang malamigan ang kanyang katawan kaya bawasan ang layer ng kanyang suot para bumaba ang temperatura.
2. Mabisang gamot sa lagnat ng bata: Hikayatin siyang uminom ng inuminSiguraduhing nakaka-inom ng walong basong tubig ang batang may lagnat. Makakatulong ito para mailabas ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
3. Paano pababain ang lagnat ng bata? Pakainin siya ng maramiMas mabilis gumaling ang bata kung siya ay kumakain ng sapat. Mas mapalalakas nito ang kanyang katawan para mas mabilis siyang gumaling. Kaya naman mas mainam kung mainit na sabaw ang pakakainin.
4. Gamot sa lagnat ng bata home remedy: Maligamgam na panligo.Iwasang paliguan ng malamig na tubig ang iyong toddler. Paliguan ang bata ng ilang minuto gamit ang maligamgam na panligo.
5. Sponge bathKung ayaw syang paliguan, subukan ang maligamgam na sponge bath para mapababa ang kanyang lagnat. Pagkatapos ay bihisan agad ang bata para hindi na siya lamigin.
6. Cold Compresses: nilalagay sa noo ng bata pag may lagnatAng paglalagay ng malamig na washcloth sa kanyang noo, pulso, at mga bahagi ng katawan kung saan malapit ang mga ugat sa balat. Ang nilalagay sa noo ng bata pag may lagnat ay makakatulong para maging presko ang kaniyang pakiramdam.
7. Paano pababain ang lagnat ng bata: Alukin siya ng ice cubesKung ayaw niya uminom, bigyan siya ng ice cubes o ice chips na maaaring sipsipin. Makakatulong ito na ma-hydrate siya at mapalamig din.
Dapat tandaan sa pagpapa-inom ng pampababa ng lagnat ng bata na gamotKung paiinumin ng mabisang gamot sa lagnat ng bata, siguraduhing sundin ang payo ng doktor. Isa sa mga bagay na dapat alamin ay ang klase ng gamot na mayroon kayo, o kung ano ang dapat bilhin. Ani Dr. Perreras,
“Before you give the medication, dapat you have to check the preparation. minsan sinasabi ng parents, ‘syrup po ‘yong meron ako’ but actually if you look at the box ay drops ‘yon. So ‘pag drop hanggang 2 years old very concentrated ‘yong forrmulation ng gamot. So 1 ml of a drop will have 100 mg versus versus mga mas dilute ang syrup. ‘Yong iba 120 per 5 ml. ‘yong iba 250mg per 5 ml. So number 1, be very careful. Be very careful of what you actually have or what you actually bought.”Dagdag pa ng doktora, dapat ding tignan ang tamang dosage para sa anak. Kadalasan umano itong nakabase sa bigat ng bata. Payo niya,
“But best if you really ask your pediatrician what’s the safe range because if you overdose on paracetamol, depending on the those, pwedeng magkaroon ng liver failure young bata. That’s one cause din for bringing a child to go to the emergency room if masyadong madami yung nainom ng bata kasi that could have long-term effects. One thing I can really recommend to parents is to before you give any medication, you should check the preparation and check the dose. Because it is not a drug that has no side effects if you overdose it. If you’re giving the proper dose, the proper time but still the temperature is not going down, baka kailangan talaga mas ma-assess yung bata. Baka may iba palang infection kaya hindi nawawala and lagnat.” Pampababa ng lagnat ng bata: Dapat bang pagsabay-sabayin ang gamot?May mga pagkakataon na ang lagnat ng bata ay may kasamang ubo at sipon. Kung minsan ay marami tayong pinaiinom sa ating mga anak bukod sa gamot sa lagnat. Narito ang payo ni Dr. Perreras upang hindi ma-overdose ang bata sa gamot:
“Best is to consult your pediatrician kasi kung minsan ita-take into consideration nya kung yong colds medicines ay may halo ng paracetamol. Don’t give any medications that you haven’t heard from your pediatrician. Kasi minsan, parang na-max out mo na pala ‘yong dose ng paracetamol.” Pagkain para sa may lagnat na bataNarito ang ilang mga pagkain para sa may lagnat na bata:
BreastmilkKung ang iyong anak ay kasalukuyan pa ring nagbbreastfeed, makakabuti ito sa lagnat ng iyong anak. Ang iyong breastmilk ay makakapagbigay ng sapat na nutrisyon para sa iyong anak at sa paglaban nito sa lagnat.
Sa katunayan, malalaman ng iyong mga suso kung ang iyong anak ay lumalaban sa isang infection. Magiiba ang composition ng iyong breastmilk para magkaroon ng mas maraming antibodies laban sa lagnat ng iyong anak.
Chicken SoupMayroon itong balanseng bitamina, mineral at protein na kailangan laban sa lagnat. Ang chicken ay laman ding amino acid na tinatawag na cysteine. Ito ay may anti-viral at anti-oxidant properties.
HoneyAng pure organic honey ay may anitmicrobial compounds. Pinapalakas din nito ang immune system. Mabisa rin ito sa paggamot ng ubo sa mga bata at matatanda.
Tignan ang ilan pang pagkain para sa may lagnat dito.
Kailan dapat ikonsulta kapag may lagnat ang iyong anak?Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Kadalasan, kung ang lagnat sa bata temperature ng iyong anak ay mas mababa kaysa sa 38°C, maaari mong gamitin ang anim na gabay na nasa itaas upang maibsan ang masamang pakiramdam ng iyong anak.
Kaya naman, importanteng magkaroon ng body thermometer lagi sa bahay para sa mga panahong ganito para ma monitor mo ang lagnat sa bata temperature.
Lagnat na mainit ang paa at kamay ng bata? 37.3 may lagnat ba sa bata? Depende sa edad ng bata, maaari mong malaman kung kailan ka dapat maalarma pagdating sa kanyang temperatura. Kapag dumating sa puntong ito, mas mabuti kung kumausap na ng pediatrician upang mabigyan na siya ng tamang prescription. Mula pagkapanganak hanggang edad na tatlong buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 38°C (100.4°F) or mas mataas pa dito. Edad mula tatlong buwan hanggang anim na buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 39°C (102°F). Pansinin rin kung siya ay iritable or palaging inaantok. Mula anim na buwan hanggang dalawang taong gulang – kapag ang temperatura niya na 39°C ay hindi naiibsan sa loob ng isang araw, kailangan mo na siyang madala sa doktor. Obserbahan rin kung mayroon siyang pinapakitang ibang sintomas kagaya na lamang ng rash, ubo, o diarrhea. Kapag mayroon siya sa kahit alin sa mga nabanggit na sintomas, siguraduhing makausap agad ang kanyang pedia o dalhin sa pinaka malapit na ospital.Para sa mga batang edad dalawang taon pataas, obserbahan ang kanyang temperatura. Kapag ito ay pabalik balik sa 40°C, tumawag agad sa kanyang pediatrician o pumunta sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mapa-examine.
Kung ang lagnat ng iyong anak ay tumagal ng tatlong araw o higit pa, o kaya naman ay hindi bumababa sa tulong ng home remedies at gamot sa lagnat na nireseta ng doktor, pumunta na sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mabigyan ng tamang diagnosis at prescription.
Dalhin rin ang bata sa ospital agad-agad kapag ang kaniyang lagnat ay sinasamahan ng mga sumusunod na sintomas: pamumutla o kulay blue na labi, dila o mga kuko pagiging balisa at patuloy na pag-iyak ayaw uminom ng tubig kinokombulsyon (seizures) may senyales ng dehydration (kaunting ihi, walang luha kapag umiiyak) pananakit ng tiyan nahihirapang lumakad stiff neck nahihirapang huminga o hinihingal rashes na kulay purple na parang pasaKung mayroon kang katanungan tungkol sa pagkakaroon ng lagnat ng iyong anak huwag mahiyang kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak.
Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at isinalin ng may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore .
Dagdag ulat mula kay Kyla Zarate at Margaux Dolores
WebMD, NHS, Arnold Palmer Hospital, Cleveland Clinic, Very Well Family
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.