Alamin kung ano ang mga sintomas ng 16 weeks na buntis at iba pang mahalagang impormasyon patungkol sa development ng iyong baby habang nasa loob siya ng iyong sinapupunan. May mga ilang tips na makakatulong sa iyo mommy upang masiguro na healthy kayong dalawa ni baby.
https://www.youtube.com/watch?v=27IgStLKSyw
16 weeks na pagbubuntis: Gaano na kalaki ang iyong anak?Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang avocado. Siya ay may habang 11.6cm at timbang na 100g.
Sa 16 weeks na pagbubuntis, ang iyong fetus ay humigit-kumulang 5.3 pulgada mula sa korona hanggang puwitan. Ito ay halos kasing laki ng lemon o avocado. Ang mga ito ay tumitimbang ng humigit-kumulang 2.5 ounces (oz.).
Ang fetus ay nasa simula ng isang growth spurt na makikita itong doble sa laki sa susunod na buwan.
Maaari rin itong magsimulang gumalaw at mahawakan pa ang umbilical cord sa yugtong ito. Ang nervous system ay umuunlad pa rin, at ang fetus ay nagsisimula nang iflex ang kaniyang muscles sa mga paa.
Ang iyong anak ay magsisimula ring bumuo ng mga ekspresyon ng mukha sa yugtong ito, bagama’t hindi pa nito makokontrol ang mga ito. Kung nakikita mo ang fetus, maaaring mukhang nakasimangot o duling ito sa mga ibang pagkakataon.
Ang mga mata at tainga ng fetus ay ganap na ngayong gumagalaw at kalaunan ay mabubuo na hanggang sa final appearance nito.
Ang development ng iyong anak sa 16 weeks na pagbubuntisNarito ang mga development pagsapit ng 16 weeks na pagbubuntis.
Ang iyong baby ay maaaring may timbang na 3 to 4 ounces at may haba na 4 to 5 inches. Nagsisimula nang tumigas ang mga kalamnan ng iyong anak lalo na sa kaniyang likod at mukha. Kaya na ng iyong anak na sumimangot. Nakaramdam na din ng liwanag ang talukap ng kaniyang mga mata. Mayroon na din siyang kilay at pilikmata. Nagsisimula na din ma-develop ang kaniyang pandinig. Kaya naman naririnig ka na ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. Sa pagkakataong ito lumalakas na ang puso ng iyong anak. Kaya na ng kaniyang puso na mag-pumo ng 25 quarts ng dugo sa isang araw. Nagsisimula na ring mag-sucking reflex ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan. Mga sintomas ng 16 weeks na buntisLarawan mula sa iStock
Ano ba dapat ang iyong mga nararamdaman kapag ikaw ay nasa 16 weeks na pagbubuntis na?
Mararamdaman mo na ang mabilis na paglaki ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. Madadagdagan ang iyong timbang dahil lumalaki na rin ang iyong baby. Nararamdaman mo na ang paggalaw ng iyong anak. May mga pagkakataon na kinakapos ka sa hininga. May mga pagkakataon din na ikaw ay constipated dahil sa ang iyong uterus ay nakadagan sa iyong mga bituka. Mabilis tumubo ang iyong buhok at mga kuko. Mas maganda rin ang bagsak ng iyong buhok at nagsisimula nang mapansin ang iyong “pregnancy glow”. Patuloy pa rin ang paglaki ng iyong mga dibdib o breast. Hinahanda na kasi ng iyong katawan ang pag-breastfeed sa iyong baby. Maaaring mag-increase ang iyong vaginal discharge. Kapag hindi na normal ang discharge at kulay dugo na ito agad na magpatingin sa iyong doktor. Makakaranas ka rin ng pananakit ng ulo. Dito rin nagsisimula ang pagkakaroon ng varicose veins. Upang maiwasan ito magkaroon ng healthy weight gain. Sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor. Sa pagkakataon din na ito mommy, maaari kang makaranas ng pananakit ng likod. Upang maiwasan ito subukan ang prenatal massage o kaya naman maligo ng warm water. Mapapansin mo rin na may dugo kapag ika’y nagsisipilyo. Sanhi ito ng iyong pregnancy hormones na nagdudulot ng gum inflammation. Kaya naman mas susceptible ito sa bacteria, irritation at bleeding. Normal lamang ito. Importante magsipilyo lagi. Pumunta rin sa dentista kahit isang beses lamang habang ika’y buntis upang maiwasan ang mga gum disease na maaari magdulot ng pregnancy complications. Pangangalaga sa panahon ng 16 weeks na pagbubuntisLarawan mula sa iStock
General HealthSa pangalawa at pangatlong trimester, ang isang buntis ay hindi na dapat humiga ng flat sa likod sa loob ng mahabang panahon.
Ang paghiga sa gilid ay nagtataguyod ng mas mahusay na daloy ng dugo sa fetus at maaari ring mapabuti ang likod at balakang.
Mayroong mga unan na para sa pagbubuntis upang makatulong na mapadali ang proseso ng paghiga sa iyong tagiliran sa mahabang panahon.
Iwasan ang alak, paninigarilyo, at lahat ng iba pang nakakalason o ipinagbabawal na sangkap sa oras na ito.
Siguraduhin na alam ng iyong doktor ang tungkol sa anumang mga gamot na maaari mong iniinom. Kung ito ay malamang na makagambala sa pagbubuntis, maaari nilang isaalang-alang na bawasan ang dosis o baguhin ang uri ng gamot na iyong iniinom.
PagkainLarawan mula sa Shutterstock
Sundin ang isang balanseng, masustansyang diyeta sa anumang yugto ng pagbubuntis, pati na rin ang pagtutok sa pananatiling aktibo.
Ang fetus ay nagsisimula nang mabilis na lumaki at nangangailangan ng mas maraming enerhiya sa puntong ito ng pagbubuntis. Inirerekomenda na kumain ka ng dagdag na 300 calories araw-araw pagsapit gn 16 weeks na pagbubuntis.
Iwasang dagdagan ang laki ng bawat pagkain at sa halip ay kumain ng meryenda bilang karagdagan sa iyong karaniwang pagkain. Ang mga halimbawa ng angkop na meryenda ay kinabibilangan ng tig-iisang:
Mansanas na may isang kutsara (tbsp.) ng peanut butter Tasa ng sabaw Hard-boiled na itlog isang dakot ng almond at isang cheese stickBagama’t ang iyong doktoray maaaring nagreseta ng mga suplemento upang palakasin ang mga antas ng ilang partikular na bitamina at mineral, hindi nito ibibigay ang lahat ng sustansyang kailangan para sa iyo at sa fetus.
Siguraduhing kumain ng maraming madahong gulay para sa digestion, gayundin ng mga pagkaing naglalaman ng mataas na nutritional value, tulad ng prutas at mani.
Ayon sa Medical News Today, iwasan ang mga sumusunod na pagkain sa panahon ng pagbubuntis:
Hilaw na karne Cold cuts Smoked seafood Isda na naglalaman ng mercury, tulad ng pating at swordfish Malalambot na keso Hilaw na shellfish Hilaw na itlog Unpasteurized milkSiguraduhing hugasan nang mabuti ang anumang mga gulay sa isang pagkain.
Mga dapat tandaan sa iyong 16 weeks na pagbubuntis Magsimulang mag-ehersisyo para tumibay ang iyong likod at pelvic muscles. Patuloy na kumain ng masusustansiyang pagkain. Gumamit ng moisturizer kung ang iyong balat ay nagsisimula na maging dry. Kumain ng mga pagkaing mataas ang fiber at mayroong good calories. Iwasan ang pagkakaroon ng varicose veins habang nagbubuntis. Hindi naman itong harmful o nakakasama sa iyong baby, at madalas hindi rin ito masakit. Upang maiwasan ito, huwag tumayo sa iisang posisyon lamang. I-elavate din ang iyong paa kung ika’y uupo. Huwag makalimot sa iyong appointment sa iyong doktor. Checklist Kausapin ninyong mag-asawa ang iyong anak. Sumali sa mga prenatal classes. May mga pagkakataon na ikaw ay nagiging makakalimutin. Gumawa ng listahan upang walang makalimutan. Kailan dapat tumawag ng doktorKung pakiramdam mo ay regular na gumagalaw ang iyong sanggol, ngunit pagkatapos ay napansin mong hindi ka nakakaramdam ng anumang paggalaw nang hindi bababa sa 12 oras, tawagan ang iyong doktor.
Kung hindi mo naramdaman na gumagalaw ang iyong sanggol sa linggong ito, maging matiyaga. Maraming kababaihan ang hindi napapansin ang pag-flutter hanggang 20 linggo o higit pa.
Habang ang panganib ng pagkalaglag ay mas mababa sa ikalawang trimester kaysa sa una, hindi mo dapat balewalain ang pagpuna, pagdurugo, o matinding pananakit ng tiyan.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 17 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 15 linggo
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores