Madalas na pangangasim at pananakit ng tiyan? Baka ulcer na ‘yan! Alamin ang sanhi ng ulcer at kung paano ito maiiwasan.
Ano ang ulcer?Photo by Andrea Piacquadio
Ang stomach ulcer o tinatawag ring peptic ulcer ay ang mga sugat sa lining ng tiyan o small intestine. Isa itong uri ng peptic ulcer disease na kadalasang may masamang epekto sa tiyan at small intestines.
Nagdudulot ito ng sore sa tiyan na dahilan ng sakit na nararamdaman ng isang tao. Magsisimula itong maramdamang kung humina na o wala na ang mucus layer ng tiyan na pumoprotekta dito.
Kaya naman ang mga strong acids na tumutulong para ma-digest ang pagkain sa tiyan ay nai-irritate na nagdudulot ng sugat o ulcer.
Ayon sa data ng World Health Organization na Peptic Ulcer Disease Deaths in Philippines (2018), mayroong tinatayang 6,283 o 1.03% ang namatay dahil sa ulcer. Ang Pilipinas ay pang-18 sa buong mundo na may kasong namamatay dahil sa sakit na ito.
Hindi dapat isawalang bahala ang sakit sa tiyan. . Isang bagay na dapat tandaan na maraming organ sa parte ng ating tiyan. Dapat munang matukoy ang sanhi ng sakit bago uminom ng gamot.
Ang pagkakaroon ng sakit na ulcer ay mas madalas na tumatama sa mga matatanda ng 50-anyos patass. Mababa naman ang tiyansa sa mga bata na magkaroon nito liban sa mga batang may magulang na naninigarilyo o expose dito.
Sanhi ng ulcerMaliban sa strong acids sa tiyan, ang ilang sanhi at nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng ulcer ay ang mga sumusunod:
Pag-inom ng NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory drugs painkillersKung minsan ay hindi maiiwasan ang pag-inom ng anti-inflammatory drugs tulad ng paracetamol, aspirin at ibuprofen. Sa ibang tao ay wala itong side effects. Samantala, dapat na mag-ingat ang isang tao sa pag-inom nito kung:
May edad na 65 years old pataas Buntis Nagpapasuso Mayroon asthma May problema sa puso, atay at bato Mayroong mataas na blood pressure Pylori bacteria o mga bacteria na naninirahan sa digestive tractAng mga bacteriang ito ay maaaring atakihin ang stomach lining ng isang tao. 60% ng adult population sa mundo ay nai-infect nito. Maaaring hindi maramdaman ang sakit na dulot ng pylori bacteria ngunit ito ang pinaka sanhi na nagdudulot ng ulcer.
Mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng pylori bacteria ang isang tao kung:
Bahay na walang access sa mainit na tubig na nakakatulong para pumatay ng bacteria. Maduming paligid Mga taong may improper hygiene Zollinger-Ellison syndrome, isang rare disease na nagdudulot ng excess production ng acid sa tiyanIto ay nagsisimula kung ang gastrinomas o tumor ay nabubuo sa iyong pancreas o sa ibang parte sa tyan. Ang pancreas ay nagpo-produce ng enzymes na makakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Ito rin ay nagpo-produce ng insulin na makakatulong naman sa magkontrol ng blood glucose.
Ang mga taong may mataas na risk sa sakit na ito ay ang mga lalaking may edad 25-50 years old.
PaninigarilyoSampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa mga sakit dulot ng sigarilyo na karaniwan ay sakit sa baga at ulcer. Pinabababa ng paninigarilyo ang lakas ng proteksyon laban sa mga bacteria na nagiging dahilan ng stomach ulcers.
Pinahihina rin ang kakayahan ng tiyan na mapabuti at maisaayos ang acid pagkatapos ng bawat pagkain at iniiwan ang acid upang kainin ang stomach lining. Ang sakit na ulcer ng mga taong naninigarilyo ay mahirap gamutin at pabalik-balik
Hypercalcemia o sobrang pagpro-produce ng calcium ng katawanAng calcium ay mahalaga sa pagpa-function ng ating organs, cells, muscles at nerves. Nakakatulong din ito para sa mas matibay na buto at blood clothing. Subalit ang sobrang calcium sa katawan ay may masamang dulot sa kalusugan.
Ang labis na pagkakaroon ng calcium ay dulot ng:
Hyperparathyroidism Lung disease Dehydration Madalas na pag-inom ng alakAng labis na pag-inom ng alak ay nakapipinsala sa atay na may malaking papel sa metabolism o pagtunaw sa pagkain. Pati na ang paglaban sa impeksiyon, pagkontrol sa daloy ng dugo, at pag-aalis ng nakalalasong mga substansiya.
Bukod sa ulcer, may mga sakit na naidudulot ang labis na pag-inom. Kabilang dito, ang sakit sa atay, pancreatitis, cancer, at iba pang gastro-intestinal problems, brain damage at osteoporosis. Sinisira rin ng alak ang concentration, judgement, mood at memorya ng isang manginginom.
Ang pagkakaroon ng sakit na ulcer ay mas madalas na tumatama sa mga matatanda na 50-anyos pataas. Mababa naman ang tiyansa sa mga bata na magkaroon nito liban na lamang sa mga batang may naninigarilyong magulang.
Sintomas ng ulcer sa sikmuraSamantala ang pangunahing ulcer sintomas ay ang pananakit ng tiyan at ang indigestion na kung tawagin ay dyspepsia. Minsan ang pananakit na dulot ng ulcer ay inaakalang heartburn lalo pa’t maaaring sabay na maranasan ang mga sintomas na ito.
Maliban sa pananakit ng tiyan makakaramdam rin ng hungry sensation ang sinumang may ulcer at iba pang sumusunod na sintomas:
Pananakit ng tiyan Pagbaba ng timbang Walang ganang kumain dahil sa sakit ng tiyan Pagkakaroon ng heart burn Pagsusuka Pagiging bloated Pagkakaroon ng acid reflux Pagkakaroon ng anemia, na may kasamang sintomas na pagkapagod, hirap sa paghinga o shortness of breath, at pamumutla May maitim na dumi Paano malalaman kung may ulcer ka?Ang paraan para malaman o ma-diagnose ka sa pagkakaroon ng ulcer ay nakadepende sa ulcer sintomas na iyong nararanasan at kung gaano ito kalala.
Para ma-diagnose o masuri kung may ulcer ang isang tao, susuriin ng iyong doktor ang iyong medical history kasabay nito ang mga sintomas na nararanasan mo. Pati na ang mga gamot na iyong iniinom.
Sa pamamagitan ng isang breath test, sasabihan ka ng iyong doktor na uminom ng clear na liquid at huminga sa isang bag, ang bag na ito ay isi-seal matapos mo itong mahingahan.
Kung may present na H.Pylori na bacteira, ang iyong hininga ay may mataas na content ng carbon dioxide kaysa sa normal.
Ito pa ang ilan sa mga pamamaraan para malaman kung ikaw ay may ulcer:
Endoscopy Barium Swallow Endoscopic biopsy Anong gamot sa ulcer: mga mabisang gamot sa ulcerPara malunasan naman ang ulcer, ang unang inirerekumenda ng mga doktor ay tanggalin ang dahilan ng pagkakaroon nito.
Ang unang paraan at gamot sa ulcer at acidic ay ang pagpapalit ng uri ng painkiller na ginagamit na maaring NSAIDs na nagpapalala pa ng sintomas ng ulcer sa sikmura nito.
At kung ito naman ay dulot ng H.pylori bacteria ay dapat itong puksain para tuluyang maalis sa tiyan sa pamamagitan ng antibiotics. Saka puprotektahan ang tiyan mula sa acid habang patuloy na gumagaling ang ulcers dito.
Ilan sa mabisang gamot sa ulcer na inirereseta ng doktor para mapagaling ito ay ang sumusunod:
Proton pump inhibitors (PPI) na pumipigil sa acid-producing cells H2-receptor antagonists na pumipigil sa tiyan sa pag-produce ng excess acid Antacids o alginate Mga mabisang gamot sa ulcer na pinoprotektahan ang stomach lining tulad ng Pepto-BismolMatapos uminom ng mga nasabing epektibong gamot para sa ulcer ay unti-unti ng mawawala ang mga sintomas nito. Ngunit kailangan ay patuloy ang treatment lalo na kung ang ulcer ay dulot ng H.pylori bacteria.
Mahalaga ring iwasan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagkain na mataas ang acid na maaring mag-trigger ng sintomas ng ulcer sa sikmura.
Anong gamot sa ulcer: Surgical treatment bilang gamot sa ulcerMaliban sa pag-inom ng epektibong gamot para sa ulcer, isa pang paraan para malunasan ang sintomas ng ulcer ay sa pamamagitan ng surgery. Lalo na kung ito ay hindi gumagaling, pabalik-balik o nagdudulot na ng pagdurugo sa tiyan
Ang surgical procedure na maaaring gawin ay ang sumusunod: Pagtanggal sa ulcer Pagtali sa dumurugong blood vessels Pagtatahi ng tissue sa ulcer na mula sa ibang parte ng tiyan Pagputol sa ugat na nagkokontrol sa stomach acid production Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng ulcerPhoto by Sora ShimazakiRele
Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer sa tiyan ay makakatulong ang pagbabago sa diet o sa mga pagkain kinakain o inuming iniinom.
Ang sumusunod na mga pagkain at nutrients ay makakatulong para makaiwas na makaranas ng sintomas ng ulcer.
Pagkain ng prutas at gulayAng prutas at gulay ay mayaman sa antioxidants, pumipigil sa acid secretion at may taglay na cytoprotective at anti-inflammatory properties. Ang mga nabanggit ang mga mahalagang factors para maiwasan at magamot ang ulcers sa tiyan. Ito rin ang sikreto para maglaroon ng healthy na digestive tract lining.
FiberAng pagkakaroon ng high-fiber diet ay makakatulong rin para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng ulcer sa tiyan.
ProbioticsAng mga pagkaing may taglay na active bacterial content tulad ng probiotic yogurt ay nakakatulong para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng Helicobacter pylori (H. pylori) infection. Iniibsan din ng mga probiotics ang sintomas ng indigestion at side effects na dulot ng antibiotics.
Vitamin CAng vitamin C ay nakakatulong rin para mapatay ang H. pylori bacteria. Ang mga gulay at prutas gaya ng oranges at tomators ay may taglay na mataas na level ng vitamin C.
ZincAng zinc ay nakakatulong naman sa pagpapagaling ng mga sugat. Ang oysters, spinach at karne ng baka ay ilan lamang sa mga pagkain na may mataas na level ng zinc.
SeleniumAng selenium ay nakakatulong rin para mabawasan ang tiyansa ng kumplikasyon dahil sa impeksyon. Tumutulong din ito sa healing o pagpapagaling ng mga sugat. Ang brazil nuts, yellowfin tuna, at halibut fish ay halimbawa ng mga pagkaing mataas ang selenium content.
Pag-iwas sa alcohol at caffeineAng hindi pag-inom ng alak at kape ay isa ring mabisang paraan para makaiwas sa ulcer. Dahil ang mga ito ay nagpoproduce ng gastric acid na maaring magdulot ng ulcer sa tiyan.
Mahalagang gawin o kainin ang mga dietary options na ito habang umiinom ng gamot sa ulcer para tuluyan ng gumaling mula sa sakit.
Mga halamang gamot sa ulcerPhoto by Andrea Piacquadio
Narito ang ilang herbal na gamot sa ulcer at mga home remedies na mabisang gamot sa ulcer at acidic.
Cabbage juiceAng cabbage ay isang sikat na halamang gamot sa ulcer. Iniulat na ginamit ito ng mga doktor ilang dekada bago magkaroon ng antibiotics upang makatulong sa pagpapagaling ng mga ulcer sintomas.
Ito ay mayaman sa Vitamin C, isang antioxidant na ipinapakita upang makatulong na maiwasan at gamutin ang mga impeksyon sa H. pylori.
Sa katunayan, ipinapakita ng ilang pag-aaral sa hayop na ang katas ng repolyo ay epektibo sa paggamot at pagpigil sa mga digestive ulcer.
HoneyAng honey ay isang pagkaing mayaman sa antioxidant na nauugnay sa iba’t ibang benepisyo sa kalusugan.
Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga katangian ng antibacterial ng honey ay makakatulong na labanan ang H. pylori, isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng mga ulcer sa tiyan.
BawangAng bawang ay isa pang pagkain na may antimicrobial at antibacterial properties.
Ayon sa mga pag-aaral sa hayop, ang mga extract ng bawang ay maaaring mapabilis ang mabisang gamot sa ulcer. Higit pa rito, ang lahat ng pag-aaral sa laboratoryo, hayop at tao ay nag-uulat na ang mga katas ng bawang ay maaaring makatulong na maiwasan ang paglaki ng H. pylori
TurmericAng Turmeric ay isang pampalasa sa Timog Asya na ginagamit sa maraming pagkaing Indian. Madali itong makilala sa pamamagitan ng mayaman nitong dilaw na kulay.
Ang curcumin, ang aktibong sangkap ng Turmeric, ay naiugnay sa mga nakapagpapagaling na katangian.
Lumilitaw na may napakalawak na therapeutic potential ang turmeric, lalo na sa pagpigil sa pinsalang dulot ng mga impeksyong H. pylori na sanhi ng sintomas ng ulcer sa sikmura.
Kumonsulta sa doktorTandaan na bago sumubok ng mga mabisang gamot sa ulcer o herbal na gamot sa ulcer, magpakonsulta muna sa iyong doktor para sa angkop na diagnosis at treatment.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Medical News Today, Healthline, WebMD, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.