Ipinagdiriwang ang women’s month tuwing buwan ng Marso. Isang buwan ng pagbibigay pugay sa mga kababaihan sa iba’t ibang larangan. Kinalap namin ang ilan sa mga activities ngayong women’s month na maaari mong daluhan.
Women’s month 2023 list of activitiesMayroong iba’t ibang activities na inihanda ang Philippine Commission on Women bilang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
“BREAKING THE CODE: Equality for All through Technology and Innovation”Larawan kuha ni pikisuperstar mula sa Freepik
Gaganapin ang International Women’s Day event na ito sa March 8, 2023 sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig City. Bukas ang naturang kaganapan para sa mga ahensya ng pamahalaan. Ang nasabing event ay tungkol sa mga programa at polisiya na nakatuon sa karapatan ng mga kababaihan sa technology, innovation, at ICT.
Inaanyayahan naman ang mga kabataan at ang general public na dumalo sa afternoon program kung saan tatalakayin ang mental health sa panahon ng digital era at kung paano maproprotektahan ang mga kababaihan mula sa online risks at vulnerability.
Wome’s month: Serbisyo para kay Juana Intramuros AdministrationBilang pagkilala sa mga kababaihan ngayong Marso inilunsad din ng Philippine Commission on Women at Intramuros Administration ang Sebisyo Para kay Juana kung saan ay maaaring makapaglibot sa Fort Santiago, Baluarte de San Diego, at Casa Manila ang mga kababaihan nang libre sa March 8, 2023.
Philippine Statistics AuthorityLibreng birth certificate at marriage certificate naman ang handog ng Philippine Statistics Authority bilang pakikiisa sa Serbosyo para kay Juana. Libre lamang ang mga naturang certificate para sa unang 100 kababaihang kliyente ng Civil Registry System Outlets sa Metro Manila, tuwing Lunes sa buwan ng Marso.
GAZES: An Art Exhibit of perspectives on WomenKung museum date naman ang hanap ngayong women’s month perfect ang event ng National Historical Commission of the Philippines – Museum of Philippine Social History in collaboration with unARThodox. Isa itong art exhibit kung saan tampok ang mga likhang sining ng mga kababaihan. Gaganapin ang naturang art exhibit sa Angeles City Pampanga sa March 11, 2023, alas-kwatro ng hapon.
Magkakaroon din ng special screening ng pelikulang Ola ng artist na si Mijan Jumalon sa nasabing event.
Larawan mula sa Pexels kuha ni George Dolgikh
“Managing Menopause and Perimenopause: A Women’s Health Webinar”Isang webinar naman ang isasagawa ng National Historical Commission of the Philippines sa pamamagitan ng Museo ni Manuel Quezon at Museo ni Apolinario Mabini- PUP. Nakatuon ang nasabing webinar sa dalawang natural biological process na nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga kababaihan. Layunin ng webinar na ito na i-educate ang mga kababaihan sa kung paano mag-cope sa mga sintomas ng menopause at perimenopause.
Mapapanood nang live ang webinar sa Facebook page ng Museo ni Manuel Quezon at Museo ni Apolinario Mabini- PUP sa March 14, 2023, Martes sa ganap na ika-10 ng umaga.
“AKO SI GABRIELA: Tumitindig, Umaabante, Lumalaban!”Month-long celebration naman ang inihanda ng Museo ni Ramon Magsaysay katuwang ang mga institusyon at organisasyon ng Castillejos, Zambales. Layunin umano ng mga programa na ituro ang kasaysayan at laban ng kababaihan para sa karapatan at pagkakapantay-pantay na huhubog sa mga kabataan.
Narito ang listahan ng mga activity ng Museo ni Ramon Magsaysay:
Lumalaban: Kababaihan ng Rebolusyon, Film showing (March 6,7,9) Ako si Gabriela, Ako ang Kulay ng Bukas: Art Workshop and Exhibition (March 18) UMAABANTE: Mga laban ni Gabriela mula noon hanggang ngayon – Lecture (March 24) TUMITINDIG: The Last Man Standing Is a Woman! Leadership 101 Workshop (March 25) Metamorphosis: Philippine Philharmonic OrchestraWomen’s month sale naman ang handog ng Cultural Center of the Philippines sa mga kababaihan. Sa halagang P100 ma-eenjoy na ang panonood ng world-class performance ng Philippine Philharmonic Orchestra sa Metropolitan Theater. Gaganapin ang pagtatanghal sa March 17, 2023, alas-otso ng gabi.
Makabibili ng ticket ng nasabing pagtatanghal sa Tanghalang Ignacio Gimenez Box Office sa CCP.
Bukod pa rito, may special offer din para sa mga kababaihan ang CCP sa lahat ng CCP merch at publications. 30% discount sa lahat ng CCP merchandise at publications. Makikita rito ang mga items na on sale.
Larawan mula sa Freepik
Women’s month: Livelihood BazaarBukod sa women’s forum, livelihood bazaar naman ang inihanda ng Binangonan Rizal ngayong women’s month. Mayroon ding wellness program at medical/dental services. Gaganapin ang mga ito sa March 8 at sa lahat ng Martes at Biyernes ng buwan ng Marso tuwing 8:00 AM hanggang 4:00 pm sa Municipality of Binangonan.
Women’s month: Bloodletting (Alay sa mga Nanay)Mahaba-habang programa naman ang handog ng Philippine Muslim Women Council. Isang blood letting activity para sa mga nanay, feeding program para sa mga bata, buntis, at senior citizens, at health education at VAWC. Ang naturang programa ay sinimulan na noong February 24 at magtatapos sa December 2023 sa Basilan Province.
Para sa iba pang activities at programs ngayong women’s month sa iba’t ibang lalawigan, maaaring bisitahin ang pahina ng Philippine Commision on Women.
Pamper yourself ngayong Women’s MonthMaraming expectations sa atin bilang mga babae. Lalo na kung ikaw ay isang ina. Sa kabila ng lahat ng ginagawa natin, kailangan din natin ng panahon upang makapagpahinga at maalagaan ang sarili. Kaya naman ngayong Women’s Month, isang magandang ideya ang pagbibigay ng panahon sa ating sarili upang mas maging malakas, malusog, at maganda.
Narito ang ilang mga ideya upang i-pamper ang sarili ngayong Women’s Month:
Magpahinga at mag-relaxAng pagpapahinga ay isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga sa sarili. Maglaan ng oras upang makatulog nang maayos, magbasa ng magandang libro, makinig ng paboritong musika, o magmeditate. Makakatulong ito upang maibsan ang stress at maiparamdam sa sarili na mahalaga ka rin.
Mag-ehersisyoHindi lamang nakatutulong ang regular na ehersisyo upang mapanatili ang magandang pangangatawan, ngunit nagbibigay din ito ng mga positibong epekto sa mental health. Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo maaaring mabawasan ang stress at magkaroon ng positive energy ang pangangatawan.
Magbahagi ng biyayaSa pamamagitan ng pagtulong sa iba o pagbibigay ng mga donasyon, maipapakita mo ang iyong pagmamalasakit at pakikiisa sa kapwa. Mayroon itong mga positibong epekto sa mental health. Bukod pa rito, makatutulong din ito upang magbigay pag-asa sa iba sa kabila ng mga hindi magandang nangyayari sa mundo.
Pumunta sa spa o magpagandaDahil sanay tayong maglaan ng oras para sa iba, minsan nakakalimutan natin na maglaan ng oras para sa sarili. Ngayong women’s month tiyaking makapaglalaan ng oras para sa iyong sarili. Ngayon ang magandang pagkakataon upang magpa-spa, magpa-manicure o pedicure. Hindi lamang ito makatutulong para mapaganda ang pisikal na itsura bagkus ay makatutulong din ito para ma-relax ang isipan.
Maaari ring bilihan ang iyong sarili ng mga produkto ng Mama’s Choice na tiyak makatutulong sa iyo. Mayroon silang mga produkto na para sa skin care at iba pa na super helpful para sa mga ina.