Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

$
0
0

Maraming taga-hanga at nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na ang kaniyang kalusugan ay bumubuti na.

Mababasa sa artikulong ito:

Update sa kalusugan ni Kris Aquino Reaksyong mga fans sa kalagayan ni Kris Aquino Update sa kalusugan ni Kris Aquino

Sa latest episode ng Showbiz Now Na na talk show ni Cristy Fermin, Romel Chicka, at Wendell Alvarez, ibinahagi nila na ang kalagayan ng Queen of all media na si Kris Aquino.

Ayon sa kanilang pagbabahagi ay masayang-masaya umano si Kris Aquino na sa wakas ay natumbok ng pinuntahan niyang espesyalista kung ano ang sanhi o pinagmumulan ng kaniyang mga alleergy.

Pagbahahagi pa ni Cristy Fermin, matagal umanong hinintay ni Kris Aquino ang pagkakataong makapagpatingin sa Indian doctor na ito, na ang pangalan ay Dr. Sudhir Gupta.

Kris Aquino at Dr. Gupta | Screencapture mula sa Showbiz Now Na YouTube Channel

Kwento pa ni Cristy Fermin, noong unang beses umanong pumunta si Kris Aquino sa Amerika ay natuklasan ng mga doktor doon na 32,000 ang allergy level ni Kris Aquino.

Subalit nang makapatingin na siya kay Dr. Gupta at mabigyan ng mga medikasyon ay bumababa na ito. Mula sa 32,000 allergy level ay 8,000 na lamang ang allergy level ni Kris Aquino.

Subalit ang level na ito ay mataas pa rin kaysa sa normal na bilang na 500 allergy level ng isang tao. Kaya naman patuloy pa rin ang gamutan ni Kris Aquino sa Amerika.

Screencapture mula sa Showbiz Now Na YouTube Channel

Pagbabahagi ni Cristy Fermin,

“Pero ngayong siya’y nagpa-under na kay Dr. Gupta, ang indian doctor po niya (Kris Aquino) ay bumaba na po ng napakalaking puntos (ang allergy level ni Kris) 8,000 na lang.”

Lalo pa umanong bumubuti ang kalagayan ni Kris dahil tinutukan talaga umano ng kaniyang mag-amang indian doctor ang kalagayan ni Kris Aquino.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin nila Cristy na vulnerable na rin ang lungs o baga ni Kris Aquino.

“Ang vulnerability niya ay ang kaniyang lungs, ‘di ba? Talagang totoo ‘yan. At sa lahat naman talaga ng tao ay ganun. Pero mas matindi kay Kris dahil meron nga siyang asthma, ang tindi pala ng asthma niya.”

Dagdag pa ni Cristy Fermin,

“At dahil nagkaroon po siya ng COVID, sabi nga niya (Kris Aquino), sarili niyang salita. Para po itong death sentence na naghihintay sa kaniya (kay Kris Aquino).”

Ayon naman kay Romel Chika, mayroon umanong EGPA at Crest Syndrome subalit dormant naman ito. Pagsinabing dormant ay hindi naman ito gumagalaw o aktibo. Kaya naman matindi ang pang-iingat na ginagawa ni Kris Aquino para sa kaniyang kalusugan.

Nagpasalamat din ang mga host kay Dolor Gueverra na nagbahagi umano ng gamutan ni Kris Aquino sa kasalukuyan.

Reaksyong mga fans sa kalagayan ni Kris Aquino

Dahil sa balitang ito ng Showbiz Now Na! Maraming mga umiidolo kay Kris Aquino ay lubos na natuwa sa balitang ito patungkol sa kalusugan niya. Ilan sa mga komento nila ay ang mga sumusunod:

“Thank you Lord sa Dasal namin na gumaling si idol Kris sana tuloy-tuloy na paggaling niya at makabalik na dito sa Pilipinas at mapanuod sa tv.” – Regina Isais

“I want her back. Please get well, Kris. Showbiz will never be the same without Kris Aquino.” – Maria “Sana lubusan nang gumaling si kris sa kanyang nararamdaman sa awa at tulong nang Poong Maykapal!” – Arsenia Dula

Ilan lamang ito sa mga masasayang reaksyon ng fans ni Kris Aquino patungkol sa update ng kaniyang kalusugan.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Ano ang autoimmune disease?

Sa unang ulat ni Irish Manlapaz, ito umano ang mga bagay na kalaingan mong malaman patungkol sa autoimmune disease.

Ang autoimmune disease ay uri ng karamdaman kung saan ang natural defense system ng katawan ay hindi malaman ang pagkakaiba ng mga normal cell sa katawan at mga foreign cells na dulot ng sakit. Kaya naman, pati ang mga normal cell sa katawan ay inaatake ng defense system.

Ilan sa mga pangkaraniwang autoimmune diseases ay ang: Lupus Type 1 diabetes Psoriatic arthritis Psoriasis Rheumatoid arthritis

Depende sa genetics, kapaligiran, o personal na kalagayan ng kalusugan kung gaano kalala ang epekto ng sakit na ito sa katawan. Mayroong mga nakararanas nito nang matindi, mayroon din naman na mild lang ang sintomas na nararanasan.

Kahit iba’t iba ang kondisyon ng mga nabanggit na autoimmune disease, pare-parehong maaaring makaranas ng: pamamaga ng glands pananakit ng tiyan problema sa balat labis na pagod pabalik-balik na lagnat pananakit ng kasukasuhan

Kung makaramdam ng mga ganitong sintomas, mahalagang kumonsulta agad sa iyong doktor para malaman ang sanhi ng nararamdaman.

YouTube


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>