Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Sugat sa ulo ng bata, ano nga ba ang dahilan at paano malulunasan?

$
0
0

Ano ang mabisang gamot sa sugat sa ulo ng bata at ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sugat sa ulo ang iyong anak? Alamin dito ang sagot.

Sugat sa ulo ng bata, ano ang dahilan?

Parte ng pagiging bata ang pagtatamo ng sugat. Maaring ito ay dahil sa pagkakadapa dahil sa labis ng pagtakbo o kaya naman ay dahil sa mga aksidenteng kanilang nararanasan habang naglalaro.

Pero maliban sa sugat na nakukuha sa binti, kamay o mukha, ang sugat sa ulo ang isa rin sa madalas na nararanasan ng mga bata. Ano nga ba ang dahilan ng sugat sa ulo ng bata at ano ang mabisang gamot o home remedy sa sugat sa ulo na mayroon ang iyong anak?

Maraming puwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng sugat sa ulo ng bata. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Psoriasis

Ang psoriasis ay isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng dry, discolored at scaly na patches sa balat o anit ang isang bata. Ang patches na ito ay maihahalintulad sa dandruff o balakubak na minsan ay namumula at makati rin. May tendency na sobrang maging dry ang anit ng may psoriasis. Kaya naman ito ay maaaring mag-crack at mag-sugat.

2. Seborrheic Dermatitis o cradle cap

Larawan mula sa Shutterstock

Ang seborrheic dermatitis ay kilala rin sa tawag na cradle cap o scalp eczema. Ito ay ang scaly, itchy o red patches na madalas na makikita sa ulo ng sanggol o isang maliit na bata.

Madalas itong nakikita sa anit ng bata pero maari rin magkaroon nito sa mukha, gilid ng ilong, kilay, tenga o pilik mata. Puwede ring magkaroon nito sa mga singit-singit ng katawan tulad sa likod ng tuhod, leeg at braso.

Ang cradle cap ay kusa namang nawawala. Madalas sa ika-8 o 12 na buwan ng buhay ng sanggol. Pero kung ito ay pipiliting aalisin ay may tendency itong ma-infect at mag-sugat.

Sa paglaki ng sanggol, ang cradle cap ay maaring ma-identify na bilang scalp eczema. Ito ay mas dumadami o nangangati sa tuwing nai-expose ang isang bata sa bagay o pagkain na allergic siya.

3. Contact dermatitis

Maari ring ang sugat sa ulo ng bata ay dulot ng kondisyon na tinatawag na contact dermatitis. Ito ay makating rashes na dulot ng direct contact sa isang substance na allergic ang isang tao. Ito ay maaaring dahil sa cosmetics tulad ng shampoo o sabon, pabango, alahas o halaman na nadikit sa balat o anit ng isang bata.

4. Tinea capitis

Isa pang dahilan ng sugat sa ulo ng bata ay ang ringworm na tinatawag na tinea capitis. Ito ay isang fungal infection sa anit na madalas na nararanasan ng mga batang edad 12 years old pababa.

Ang isang bata ay maaring mahawa nito mula sa isang adult o kalaro niyang nagtataglay ng kondisyon. O kaya naman ay sa infected na hayop o lupa na kaniyang nilalaro. Puwede niya ring makuha ito sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay o laruan na nagtataglay ng fungus.

Maliban sa anit o ulo ng bata, ang tinea capitis ay maari ring maapektuhan ang kaniyang kilay at pilik mata. Ito ay maari ring magdulot ng masakit at may nanang sugat na puwedeng mag-resulta sa peklat o permanent hair loss.

Anong mabisang gamot sa sugat sa ulo?

Larawan mula sa Shutterstock

Malamang ang sunod mong tanong ay kung ano ang ointment para sa sugat sa ulo o home remedy sa sugat sa ulo ng anak mo. Depende sa dahilan ng sugat niya sa ulo, narito ang mga gamot sa sugat sa ulo na mayroon ang iyong anak.

Paano malulunasan ang psoriasis?

Kung ang sugat sa ulo ng iyong anak ay dulot ng psoriasis ay mabuting patingnan na agad siya sa doktor. Ito ay upang ma-resatahan siya ng gamot sugat sa ulo dahil sa balakubak na dulot ng kondisyon.

Ang treatment na maaring i-rekumenda ng doktor sa sugat sa ulo ng iyong anak na dulot ng psoriasis ay ang sumusunod:

Corticosteroids

Ito ay topical ointment na inireresta ng doktor sa scalp psoriasis. Kasabay nito ay maari ring mag-prescribed ng iba pang gamot ang doktor para maibsan ang side effects ng gamot na ito tulad nalang ng increased appetite at rapid mood swings.

Medicated shampoos

May mga shampoo rin na maaring i-reseta ang doktor para maibsan ang sintomas ng psoriasis. Ito ay inirerekumendang gamitin araw-araw, madalas sa loob ng apat na linggo.

Scale-softening agents

Para naman maiwasang magsugat ay may mga scale-softening agents ang inirereseta sa mga may psoriasis. Ito ay ang mga ointments, creams at lotions na nagtataglay ng salicylic acid.

Calcipotriene

Ang gamot na ito ay isang uri ng synthetic na vitamin D3 na ina-apply bago matulog. Isinasabay ito madalas sa pag-inom ng steroid para mas maging epektibo.

Tazarotene (Tazorac)

Ang gamot na ito ay ina-apply rin sa ulo ng may psoriasis bago matulog. Saka ito binabanlawan sa umaga pagising ng taong naglagay nito.

Paano malulunasan ang seborrheic dermatitis o cradle cap

Ang cradle cap ay maaaring mawala sa pamamagitan ng paliligo araw-araw. Kung ito naman ay hindi nawawala at nagdudulot na ng pagsusugat sa ulo ay dapat agad ng komunsulta sa doktor. Ito ay upang maresetahan ang bata ng anti-dandruff shampoo na makakapag-loosen ng scaly patches o flakes na dulot ng kondisyon.

Kung may cradle cap o seborrheic dermatitis ang isang bata ay pinapayuhang ang nilalagay ng oil sa ulo niya ay dapat ilagay bago siya ay maligo.

Ito ay dahil ang pag-iiwan ng oil ng matagal sa ulo ng batang nagtataglay ng kondisyon ay mas magpaparami pa ng scaly patches o flakes sa kaniyang ulo.

Kung ang cradle cap naman o seborrheic dermatitis ng bata ay nagsugat na ay reresetahan siya ng antibiotic. Kasabay ng mild-steroid-based cream at anti-fungal na sabon o shampoo.

Image by Freepik

Paano malulunasan ang contact dermatitis

Ang treatment sa contact dermatitis ay naka-depende sa sintomas na ipinapakita ng isang bata. Kung nagkaroon ng contact ang isang bata sa taong may contact dermatitis ay mabuting hugasan agad ang bahagi ng katawan ng shampoo o sabon.

Kung labis naman ang pangangati na dulot ng kondisyon ay reresetahan ng corticosteroid cream o ointment ang iyong anak. Pati narin ng antihistamine pills o liquid para maibsan ang pangangati.

Sa oras naman na nag-infect na ito at nagsugat, tulad ng sa seborrheic dermatitis ay rerestahan siya ng antibiotic para maibsan ang pamamaga at pagsusugat.

Paano malulunasan ang tinea capitis

Ang tinea capitis naman ay nalulunasan sa pamamagita ng antifungal medication. Maaari ring resatahan ang bata ng selenium sulfide shampoo. Ito ay kailangang i-shampoo sa bata ng dalawang beses sa isang linggo.

Pero ang shampoo na ito ay tumutulong para maiwasang kumalat pa ang kondisyon at hindi para pagalingin ang sugat na dulot nito. Malulunasan lang ang pagsusugat kung iinom na ng antibiotics ang bata.

Ang isang bata ay maiiwas sa kondisyon na ito sa pamamagitan ng pagiging malinis sa katawan at hindi pagpapagamit sa kaniya ng mga gamit ng taong infected ng kondisyon.

Home remedy sa sugat sa ulo?

Tayong mga Pilipino ay mahilig sa home remedy, pero kung ang hanap mo ay halamang gamot sa sugat sa ulo ay mas mabuting isantabi na ito at magpakonsulta na lang sa iyong doktor.

Ito ay upang ikaw ay makasigurado sa kondisyon ng iyong anak at para mabigyan siya ng kaukulang medikal na atensyon na kaniyang kailangan.

Ang sugat kasi sa ulo ng isang bata bagamat hindi sa lahat ng oras ay seryoso ay dapat bigyan ng karagdagang pansin. Sapagkat, maari itong makasama sa kaniyang kalusugan o kaya naman ay makasira sa kaniyang pisikal na kaanyuan pagdating ng araw.

Kid’s Health, Standford Childrens, Medical News Today, Cleveland Clinic, Cincinnati Childen

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>