For 100 peso may Pinoy ulam recipe ka na. Hindi ‘yan imposible! Basahin rito ang ilang budget-friendly na putahe na magugustuhan ng buong pamilya.
Ulam recipe for 100 pesos. | Image from Freepik
Isa sa mga bagay na dumadagdag sa mga iniisip nating mga may-bahay ang ang pag-iisip ng uulamin natin sa araw-araw. Sa panahon ngayon, kailangan nating maging wais pagdating sa pamimili ng mga pagkain at pagbudget ng mga sangkap na ating bibilhin. Kaya naman narito ang mga ulam recipe for 100 pesos.
Subalit hindi porket nagtitipid ay ibig sabihing dapat tayong magtiis sa mga pagkaing hindi natin gustong kainin. Dahil bukod sa pasok sa ating budget, dapat ay masustansya at pasado sa panlasa ng ating mga anak ang ulam na ihahain natin sa kanila.
Dahil malakas kayo sa’min, narito ang ilang putahe na puwede niyong subukang lutuin para sa inyong mga anak. Kung titingnan ang mga Pinoy na pinoy na ulam na ito, siksik na siksik sa lasa at sangkap (hindi halatang tinipid!) at higit sa lahat, hindi sosobra ng 100 pesos ang bawat isa sa mga ito!
11 ulam recipe for 100 pesos Ginataang kalabasa at sitaw P115.00Bukod sa masarap dahil sa gata, masustansya pa dahil ang kalabasa ay mayaman sa Vitamin A, vitamin B6, vitamin C at iba pa!
View this post on Instagram Mga sangkap:P40 na kalabasa, hiniwa ng pa-kwadrado
P20 na sitaw, pinutol-putol na 2 pulgada ang haba
Php10 mantika
P25 kinayod na niyog, piniga
P10 piraso ng sibuyas
P10 butil ng bawang
Paraan ng pagluluto:Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Kapag luto na ang bawang at sibuyas, sunod na igisa ang kalabasa. Matapos ang ilang minuto sunod na ilagay ang sitaw. Idagdag na ang gata. Saka timplahan ng asin at paminta.
Ginisang monggo na may chicharon P110.00Bagamat may kahalo itong chicharon na pampasarap at pampalasa, ayos lang dahil ang munggo naman ay siksik sa fiber kaya madali itong i-digest ng katawan, bukod dito, mayroon din itong magnesium at potassium na nakakapagpababa ng blood pressure.
View this post on Instagram Mga sangkap:P30 na monggo, pinakuluan para lumambot
P30 chicharon
P10 sibuyas
Php10 bawang
P10 kamatis
P20 talbos ng malunggay o ampalaya
Paraan ng pagluluto:Igisa ang kamatis, sibuyas at bawang sa mainit na mantika. Kapag luto na, sunod na ilagay ang pinakuluang monggo. Sunod na ilagay ang chicharon, timplahan at pakuluin. Saka idagdag ang talbos ng ampalaya o malunggay.
Sardinas at miswa P75.00 View this post on InstagramKaunting kanin na lang ang kailangan sa ulam na ito dahil ang miswa ay puno ng carbohydrates. Dagdagan mo pa ng protein mula sa sardinas, talagang siksik sa sustansya ang pagkaing ito.
Mga sangkap:P25, isang lata ng sardinas
P10 bawang
P20 miswa
P10 dahon ng sibuyas
P10 piraso ng sibuyas
Paraan ng pagluluto:Igisa ang sardinas sa bawang at sibuyas. Lagyan ng 2 tasang tubig para magkasabaw. Timplahan ng asin at paminta. Saka ilagay ang miswa para maluto. Idagdag ang hiniwang dahon ng sibuyas kapag ihahain na.
Binagoongang talong na may karne ng baboy P130.00Ulam recipe for 100 pesos. | Image from Kawaling Pinoy
Sa sarap ng ulam na ito, maniniwala ka bang wala pang 100 pesos ang halaga ng lahat ng mga sangkap nito? Ang magandang balita, kaunting karneng baboy lang ang kailangan sa putaheng ito.
Bukod sa panalong lasa, ang pangunahing sangkap nito na talong ay mayaman sa antioxidants na nakakatulong para makaiwas sa mga sakit gaya ng heart disease at cancer.
Mga sangkap:P30 talong, hiniwa
P10 bawang
Php10 sibuyas
P10 bagoong alamang
P70 na karne ng baboy
Paraan ng pagluluto:Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang karne ng baboy upang maluto. Mas mabuting hayaan itong mamula-mula bago ilagay ang bagoong alamang. Lagyan ng kaunting suka para mabalanse ang lasa ng bagoong.
Saka ito lagyan ng dalawang tasa ng tubig para maluto at mapalambot pa ang karne ng baboy. Kapag luto na ang baboy, sunod na ilagay ang hiniwang talong. Timplahan gamit ang kaunting asukal at paminta. Maari ring lagyan ng sili para may konting anghang.
Sweet and spicy tofu P130.00Para kang kumain sa paborito mong Pinoy restaurant kapag sinundan mo ang recipe na ito. Ginagawa nitong malasa ang tofu o tokwa na isang nutrient-densed food. Subukan itong ipakain sa mga bagets kung gusto mo silang lumakas at tumangkad.
Image from It Doesn’t Taste Like Chicken
Mga sangkap:P70 na tofu o tokwa, dalawang piraso
P10 bawang
Php10 sibuyas
P10 mantika
P20 celery
P10 oyster sauce sachet
Paraan ng pagluluto:Hiwain ang tokwa sa kwadrado piraso at i-prito sa mantika. Kapag luto na ay itabi na muna ito. Saka igisa ang bawang at sibuyas.
Ilagay ang oyster sauce at isang tasang tubig, Timplahan gamit ang asin, asukal at paminta. Maaring lagyan ng sili kung gustong mo itong gawing maanghang. Sunod na ilagay ang prinitong tofu at hiniwang celery.
BASAHIN:1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya
Lampayatot si bunso? 31 na pagkain na makakatulong para tumaba at gumanda ang katawan ng bata
Benepisyo ng Kalabasa: Pampalinaw ng mata at marami pang iba
Chicken sopas P200.00 View this post on InstagramIsa ito sa paboritong ihain sa mga bata lalo na kapag malamig ang panahon. Sa mga gulay at karne ng manok, siguradong punung-puno ng sustansya ang pagkaing ito. Bukod dito, ang paghigop ng mainit na sabaw ay nakakatulong rin para gumanda ang pakiramdam ng isang tao kapag mayroon siyang sakit.
Mga sangkap:P50 elbow macaroni
P80, karne ng manok, pakuluan at himayin
P10 ginayat na gulay pang-sopas o pansit
P10 knorr cubes, chicken
P30 gatas na evap
P10 sibuyas
P10 bawang
Paraan ng pagluluto:Igisa ang sibuyas at bawang. Sunod na ilagay ang hinimay na karne ng manok. Igisa ng kaunti saka lagyan ng tubig na nakadepende sa dami ng sabaw na gusto mo. Ilagay ang knorr cubes. Kapag kumulo na ay saka ilagay ang macaroni noodles. Palambutin saka ilagay ang gatas at gulay. Timplahan ng paminta at asin.
Ginisang sayote na may giniling na karne ng baboy P140.00 View this post on InstagramIsa ang sayote sa mga gulay na masarap at masustansya. Mayaman ito sa vitamin C at folate na napaka-importante sa mga buntis.
Mga sangkap:P80 giniling na baboy
P30 sayote
P10 kamatis
P20 bawang at sibuyas
Paraan ng pagluluto:Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang giniling at gisahin. Kapag luto na ang giniling, ilagay ang hiniwang maliliit na piraso ng sayote. Lagyan ng isang tasa ng tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sayote. Timplahan ng paminta at asin.
Tortang talong P104.00Gusto mo ba ng ulam na masarap, mura at madaling lutuin? Subukan ang recipe na ito ng tortang talong. Napakasarap nitong ipares sa mainit na mainit na kanin, ketchup at malamig na tubig. Pwede ito pang-almusal, tanghalian at hapunan.
Image from Maggi PH
Mga sangkap:P40 talong
P24 tatlong pirasong itlog
P20 mantika
P10 butil ng bawang
P10 piraso ng sibuyas
Paraan ng pagluluto:Ihawin ang talong saka balatan. Paghalu-haluin sa isang bowl ang bawang, sibuyas at binating itlog. Timplahan ito ng asin at paminta. Magpainit ng mantika sa kawali. Ilublob ang binalatan at luto ng talong sa itlog mixture na ginawa. Saka ito ilagay sa mainit mantika upang prituhin.
Sarciadong isda P156.00Kahit nagtitipid, importante pa ring bigyan ng mga masusustansiyang pagkain ang buong pamilya. Ang galunggong ay mayaman sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong sa brain development ng mga bata.
View this post on Instagram Mga sangkap:P100 galunggong
P10 mantika
Php16 dalawang pirasong itlog
Php10 dahon ng sibuyas
P10 kamatis
Php10 bawang at sibuyas
Paraan ng pagluluto:Iprito muna ang galunggong. Saka igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Siguradong maluluto ng maayos ang kamatis at mahiwalay na ang balat sa laman nito.
Saka ilagay ang piniritong isda. Lagyan ng kaunting tubig. Timplahan ng asin at paminta. Sunod na ilagay ang binating itlog. Kapag luto na ang itlog ay saka idagdag ang hiniwang maliliit na piraso ng dahon ng sibuyas.
Tuna nuggets P110.00Image from Filipino Style Recipe
Sa halip na bumili ng mga mahal at pre-packaged chicken nuggets sa supermarket, subukan na lang ang recipe na ito ng tuna nuggets. Gaya ng galunggong, ang tuna ay mayaman rin sa Omega-3 fatty acids na nakakabuti rin sa ating puso.
Mga sangkap:P50 tuna flakes in oil
P10 harina
P8 isang piraso ng itlog
P12 sky flakes
Php10 mantika
P20 mayonnaise
Paraan ng pagluluto:Durugin ang skyflakes. Saka ito ihalo sa harina, tuna, at itlog. Timpahan ito ng asin at paminta para magkalasa. I-prito sa mantika. Maaring gamiting sawsawan ang mayonnaise o kaya naman ay tuyo at suka.
Vegetable okoy P101.00Larawan mula sa Kawaling Pinoy Recipe
Gusto mo bang turuang kumain ng gulay ang iyong mga anak? Subukang ihain ang putaheng ito sa kanila. Siksik sa bitamina dahil sa carrots, kamote at malunggay kaya siguradong maganda ito para sa mga bata. Maari itong isawsaw sa ketchup o mayonnaise para mas malasa at magustuhan ng mga bata.
Mga sangkap:P20 carrot, hiniwa nang maninipis
P15 dalawang pirasong kamote, hiniwa nang maninipis
Php10 malunggay
P10 sibuyas, tinadtad
Php10 mantika
P16 2 pirasong itlog, binate
P20 harina
Tubig
Asin
Paminta
Paraan ng pagluluto:Paghaluin ang tubig, itlog, harina, asin at paminta. Sunod na ilagay ang mga hiniwang gulay at haluing maigi. Siguruhin na nababalot ng mixture ang mga gulay. Prituhin at alisin ang sobrang mantika.