Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

Maggie Wilson may ginawang maikling video tampok ang anak niyang si Connor: “If you see my son, tell him he is loved, and if you can, show him this video”

$
0
0

Maggie Wilson may madamdaming video tampok ang only son niyang si Connor. May pakiusap rin siya sa mga netizens na maiparating ang mensahe niya para sa anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

Ginawang video ni Maggie Wilson tampok ang only son niyang si Connor at mga oras na kasama siya nito. Pakiusap ni Maggie sa mga netizens na maiparating sa anak ang mensahe niya. Ginawang video ni Maggie Wilson tampok ang only son niyang si Connor

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Naging malungkot ang nagdaang mother’s day celebration ng dating beauty queen na si Maggie Wilson. Ito ay hindi napigilang ibahagi ng aktres matapos siyang gumawa ng isang maikling video kung saan tampok ang mga oras na kasama niya ang anak niyang si Connor.

Ayon kay Maggie, hindi naging madali para sa kaniya na gawin ang naturang video. Lalo pa’t matagal narin niyang hindi nakikita at nakakausap ang kaniyang anak.

“It wasn’t easy as I needed to take one too many minutes to stop, collect myself and find other means to distract myself, to stop myself from crying. I could barely get through making it. Things are sometimes different from what it seems.”

Ito ang bahagi ng caption ni Maggie sa video na kaniyang ginawa sa Instagram.

Sa naturang video ay ikinukuwento rin ni Maggie ang naging mga pag-uusap nila noon ng anak na si Connor. Ayon sa aktres, maraming tanong ang anak niyang si Connor tungkol sa nangyayari. Pero naging mahirap sa kaniya na sagutin ito.

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Pakiusap ni Maggie sa mga netizens na maiparating sa anak ang mensahe niya

Sa caption ng video ay may pakiusap rin si Maggie sa mga taong pumipigil na makita at makasama niya ang anak.

“To everyone involved think about an eleven-year-old boy in the middle of all this and do what is right.”

Larawan mula sa Facebook account ni Maggie Wilson

Dagdag niya pang pakiusap sa kung sino mang makakita sa kaniyang anak, ay ang maipakita sana ang video niyang ginawa. Pati na ang maiparating sa anak na may nagmamahal sa kaniya, nangunguna na nga dyan si Maggie na kaniyang ina.

“I ask that if you see my son, tell him he is loved, and if you can, show him this video. I will be forever grateful if you could find in your hearts to do so.”

Ito ang sabi pa Maggie Wilson.

View this post on Instagram

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>