Naghahanap ng magandang pangalan para sa baby girl mo? Narito ang 101 pinakakakaiba at magandang pangalan ng babae mula sa iba’t ibang bansa.
Ang pagbibigay ng pangalan sa ating anak ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng pagiging magulang. Kung ano mang pangalan ang pipiliin natin para sa kanila, dadalhin na nila ito habang-buhay.
Kaya gusto naman natin na ang pangalan na mapipili natin ay maganda sa pandinig at may magandang kahulugan na naglalarawan kung kahalaga sa atin ang ating mga anak.
“Ang ilang magulang ay nais magbigay pugay ang kanilang lahi — makikita ito sa mga pamilya na may iba’t ibang lahi, lalo na kung ang baby ay may apelyido mula sa isang lahi at gusto nilang irespeto ang kabilang lahi gamit ang first name,” ayon kay Laura Wattenberg ng Baby Name Wizard. “O gusto lang nila magpakita ng pride sa kanilang kultura.”Ngunit sinabi rin ni Wattenberg na may mga gumagamit ng pangalan na walang kinalaman sa isang kultura kung saan nakuha ang pangalan.
“Ito ang pagkahalo-halo ng kultura sa pangalan,” paliwanag niya. Halimbawa, “hindi tayo nakakakilala ng Sean na agad iniisip ay mula siya sa Ireland. Ang mga pangalan na sikat sa ibang bansa ay nagbibigay ng bagong ideya na may pinagmulan parin.”
Ano ang ipinapangalan ng mga magulang sa ibang bansa sa kanilang mga baby? Buti nalang, sinusundan ni Wattenberg at kanyang grupo ang stats sa iba’t ibang bansa.
Nangalap kami ng 101 pangalang pambabae para sa aming listahan — sinubukan naming isama ang mga pangalan mula sa iba’t ibang mga bansa.
Ipinaliwanag ni Wattenberg na hindi lahat ng bansa ay ginagawang public ang kanilang opisyal na baby name, kaya hindi lahat ng bansa ay kasama rito.
Sana makatulong ang listahan na ito sa mga magulang na magkakaroon ng baby girl.
101 kakaiba at magandang pangalan ng babaeLarawan mula sa iStock
Unahin muna natin ang 50 sa pinakamagagandang pangalan ng mga babae mula sa website na CafeMom.
CamilleIsang bersyon ng Camilla. “Puro” o “karakter na walang bahid.” Karaniwan sa Quebec at mga bansa na nagsasalita ng French tulad ng Belgium, Switzerland, at (siyempre) France.
Farah“Ligaya” sa Arabic. Perpektong pangalan para sa masayang baby. Kasalukuyang #12 na baby girl na pangalan sa Jordan.
AuroraLatin para sa “madaling araw.” Ang pangalang Aurora ay nakakapagpa-imagine ng ganda ng aurora borealis. Ang celestial na pangalan ay sikat sa Norway at iba pang bansa sa Europa.
MeiAng Mei ay maikli at sobrang sweet. Isa ito sa top 10 na baby names sa Japan, kung saan nangangahulugan ito na “bud” o “sprout.” Sa Chinese, nangangahulugan ito na “maganda.”
TessAng Tess ay dating kinilala na nickname para sa Theresa — na nangangahulugang “taga-ani.” Subalit dahil sa pagsikat nito, ginagamit narin ito bilang first name. Sikat ang pangalan na ito sa Netherlands.
Lesedi#8 na pangalan ng baby girl sa South Africa. Nangangahulugan ito ng “liwanag” sa Tswana.
AmaiaHindi kadalasang alternatibo ng Maya. Nangangahulugan na “ang katapusan” sa Basque, at kilala ito sa Puerto Rico.
FreyaSi Freya ang diyos ng fertility sa Norse mythology. Ito ay kasalukuyang #14 sa Wales at karaniwan sa buong UK.
CatalinaAng Catalina ay Spanish na bersyon ng Catherine, na nangangahulugang “puro” o “malinis.” Sikat ito sa Argentina at Chile.
AoifeAng mga Irish na pangalan ay mahirap bigkasin. Sa pangalan na ito — binibigkas bilang EE-fa — sabihin lamang para itong Eva ngunit gamit ay F. Nangangahulugan ito ng “ganda” sa Gaelic at dating moniker ng legendary warrior princess. Magandang choice para sa amin!
NinaKasalukuyang #2 na pinakasikat na pangalan sa Slovakia. Ang Nina ang Russian na nickname ng Anne at Antonia. Ginagamit din ito sa iba’t ibang mga lengwahe.
AishaNangangahuluguan ng “buhay” sa Arabic. Isa a pinaka-sikat na pangalan ng baby girl sa Kazakhstan.
TamarKasalukuyang #1 na baby girl na pangalan sa Israel. “Palm tree” sa Hebrew.
IsidoraPara sa mga gusto ang pangalan na Isabel ngunit naghahanap ng hindi karaniwang bersyon. Sikat ito sa Chile. Pinaghalo itong pangalan ng Egyptian goddess ng fertility (Isis) at ng Greek na salita para sa “regalo.”
RamonaPamababaeng bersyon ng Ramone, na nangangahulugang “wise protection.” Sikat na pangalan ng babae sa Paraguay.
SiennaAng Sienna ay brownish orange-red na kulay at uri ngclay na may ganitong kulay din. Sikat na pangalan ng baby girl sa iba’t ibang rehiyon ng Australia.
TuiBinibigkas bilang Twee. Magandang pangalan ng baby girl na sikat sa New Zealand. Mula sa salitang Maori para sa uri ng ibon.
ZahraNangangahulugang “matalino,” kasalukuyang #1 na pangalan ng baby girl sa Azerbaijan.
Seo-YeonTila swerte para sa mga magulang na pinangalan ito sa kanilang anak. Ang Seo ay nangangahulugan ng “swerte” habang ang Yeon naman ay “maganda.” Sa Korea, pangalawa lamang ito mula sa halos katulad na Seo-Yun — Yun na ngangangahulugan ng “malambot” at “makinis.”
AstridLarawan mula sa iStock
Karaniwang pangalan para sa mga babae sa Sweden at Denmark. Ang Astrid ay nangangahulugan na “diyos” at “maganda” o “patas.”
VenlaHindi pangkaraniwang pangalan ngunit tunog pamilyar at madaling ibigkas. Pambabaeng bersyon ng Wendel na nangangahulugang Vandal, pangalan ng 5th century na Germanic tribe. Karaniwan sa mga baby girl ng Finland.
YunaMagandang pangalan na madaling ibigkas. #3 sa mga pangalan ng babae sa Japan, at minsang ginagamit sa ibang lengwahe tulad ng Chinese, Brazilian Portugese, at Korean.
ValentinaRomantikong pangalan! Sinong hindi makakapag-isip ng Valentine’s Day kapag naririnig ang Valentina? #2 sa mga baby girl sa Mexico at sikat sa iba pang Spanish speaking na bansa.
InesFrench na bersyon ng Inés o Agnes. Kasalukuyang isa sa top 10 na pangalan ng baby girl sa France. Maganda para sa mga magulang na gusto ang tunog ng mga French na pangalan ngunit gusto ng hindi karaniwang naririnig (tulad ng Chloe, Eva, Sofia, etc.).
DefneSikat sa Turkey at nangangahulugang “bay leaf” o “laurel.”
Luciana#2 na pangalan ng babae sa Colombia. Ginagamit din sa mga Italian, Portugese, at iba pang Spanish-speaking na bansa.
JulietaSikat na pangalan ng babaw sa Uruguay. Isa pang uri ng Julie o Juliet. Mapapa-isip ang makakarinig sa romantikong play ni Shakespeare.
NoemiSpanish na bersyon ng Naomi, Hebrew para sa “saya ko.” Kasalukuyan itong sikat sa Italy at iba pang European at South American na bansa.
TiaMinsan ay pina-ikling bersyon ng Letitia na nangangahulugang “kasiyahan.” Ngunit, ginagamit sa iba’t ibang lengwahe at may iba’t ibang kahulugan. Madalas ginagamit sa New Zealand kung saan si Tia ay dating Maori explorer at chief.
MarianaMinsang ginagamit bilang kombinasyon ng Maria at Ana. Subalit, nagsimula ito bilang pambabaeng bersyon ng Marianus. Nangangahulugan ng “Mars” — ang Roman na diyos ng digmaan. Sikat na pangalan ng babae sa Portugal.
DanielaNagmula sa Daniel, nangangahulugang “Ang Diyos ang huhusga sa akin.” Nangungunang sa mga pangalan ng babae sa Spain.
MatildaSikat na pangalan ng babae sa iba’t ibang rehiyon ng Australia at Tasmania. Ginagamit sa maraming mga bansa sa buong mundo. Nangangahulugan na “malakas sa digmaan.”
MarijaTahimik ang J sa Slovene na bersyon ng Maria/Mary. #1 na pangalan ng babae sa Bulgaria at kadalasang ginagamit sa Croatia.
LuisaMula sa pangalan na Louis nanangangahulugang “sikat sa gyera.” Kadalasang matatagpuan sa Germany at iba pang bansa sa Europa.
AnaSimpleng pangalan na nangangahulugang “mapagbiyaya” o “maawain.” Nangunguna sa mga pangalan ng babaw sa Austria. Karaniwan ding ginagamit sa Spain, Portugal, Switzerland, Serbia, at iba pang mga bansa.
NoraMaikling bersyon ng Honora (“karangalan”) o Eleanor (“Liwanag”). Ginagamit sa maraming lengwahe kabilang ang Dutch, English, German, Irish, Italian, Norwegian, at Swedish. Kasalukuyang isa sa pinakasikat sa Hungary at mga bansa sa Europa.
SóleyCute na pangalan mula Iceland. Salita nila para sa buttercup o dilaw na wildflower.
IslaMula sa pangalan ng isang Scottish na isla. #4 sa mga baby girl na pangalan sa Scotland at England.
YasmineMula sa Arabic na pangalan para sa mabangong jasmine na halaman. Ginagamit ang Yasmine sa Belgium, France, at Quebec.
AdeleMula sa Adelaide na nangangahulugang, “maharlika.” Nasa top 10 na pangalan sa France.
LilianaAyon sa Baby Name Wizard ay nangangahulugan ng “Lily.” Sikat na pangalan sa Poland, at ginagamit din sa Hungary at Portugal.
MilaIsa sa mga sikat na pangalan sa Switzerland, nangangahulugang “mabait.” Karaniwang pangalan sa maraming mga bansa.
TerezaIkalawang pinakasikat na pangalan ng babae sa Czech Republic. Isa ring bersyon ng Theresa na nangangahulugang “taga-ani.”
AliseNangangahulugang Alice sa Latvia kung saan #3 ito sa mga sikat na pangalan ng babae.
Bianca MariaAng Bianca ay “puti,” at ang Maria ay “Mary.” Pag pinagsama ay magandang pangalan na karaniwang ginagamit sa mga baby girl sa Romania.
PolinaPambabaeng bersyon ng Paul na nangangahulugang “maliit.” #3 na pangalan sa Belarus.
Larawan mula sa iStock
KatarinaPinakasikat na pangalan para sa mga babae sa Serbia, at kilala rin sa US. Isang bersyon ng Katherine, nangangahulugang “malinis” o “walang bahid.”
LinneaIsa sa mga top 10 na pangalan sa Sweden. Pangalan ng isang bulaklak na pinangalan ng Swedish botanist na si Karl von Linné sa kanyang sarili.
AylinBinibigkas tulad ng Eileen na nangangahulugang “ng buwan.” Sikat sa Turkey at Azerbaijan.
AnastasiaNangangahulugang “ng resureksyon.” Sikat sa mga Eastern Orthodox na mga Kristiyano. Kasalukuyang nangunguna sa mga pangalan ng baby sa Russua, Ukraine, at Georgia.
Magandang pangalan ng babae na Pinoy na PinoyMarami ngang magagandang pangalan na nagmula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Pero mayroon rin tayong mga pangalan na maganda sa pandinig at may kahulugan na talagang malapit sa atin.
Narito ang ilang mga pangalang pambabae na hango mismo sa ating wika:
Amihan Bituin Chesa Diwa Ligaya Malaya Marikit Mayumi Mutya Tadhana Tala BASAHIN:Ano magandang pangalan ng lalaki para sa iyong baby?
7 na dapat i-consider bago pumili ng pangalan para kay baby
Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
Magandang pangalan ng babae na kakaibaDahil naiiba at unique ang iyong baby girl, dapat lang na kakaiba rin ang pangalan niya. Narito ang ilan sa kakaiba at magagandang pangalan ng babae mula sa iba’t ibang bansa, at ang kanilang kahulugan.
Larawan mula sa iStock
CorinaGreek; dalaga
CharoSpanish; maiksing bersyon ng Rosario
CieloSpanish; langit
AllegraItalian; masaya
LoretaItalian; sagisag ng tagumpay
MaishaArabic; buhay at malusog
ElishaGerman; marangal
SuriHebrew; prinsesa
NiccolaGreek; mga taong matagumpay
VedaSanskrit; karunungan
Larawan mula sa Shutterstock
AeraKorean; pag-ibig
HeaKorean; babaeng marikit
SenaKorean; ganda ng mundo
AdaGerman; karangalan
MayaGreek; anyong tubig
LeenaSlavic; maliwanag at maganda
CarinaItalian; minamahal na bata
RayaHebrew; kaibigan
AminaArabic; mapagkakatiwalaan
PerlaSpanish; perlas
AlishaSanskrit; pinoprotektahan ng Diyos
AliahArabic; langit
LayanArabic; maamo
AmiaAmerican; kakaibang bersyon ng Amy, minamahal
SorayaPersian; hiyas
Larawan mula sa Shutterstock
ElissaGerman; marangal
MoriahHebrew; “Ang Diyos ang aking guro”
MeeraSanskrit; maunlad
AkiraJapanese; matalino
AyanaArabic/African; oras/magandang bulaklak
MireyaSpanish; iniirog
RiyaSanskrit; mang-aawit
AdelaGerman; marangal
ElinSwedish; maningning na liwanag
MazieScottish; perlas
ArayaArmenian; hari
CalistaGreek; pinakamaganda
KaleaHawaiian; kaligayahan
MaiteBasque; pinakamamahal
AuraGreek; banayad na hangin
Good luck sa pagpili ng pangalan sa iyong anak, Mommy!
Anong ibig-sabihin ng pangalan ng baby girl mo? Ikuwento sa’min sa comments!
Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at ini-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio