Bakit nga ba may nararanasan na paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 24 weeks?
Sa ika 24-week ng pagbubuntis, nangangahulugan itong ikaw ay nasa ika-6 na buwan na. Tatlong buwan na lamang ang natitira bago mo masilayan ang iyong baby!
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?Ang iyong anak ay maaari ng kasing laki na ng isang mais. Mayroon na siyang habang 30 cm at timbang na 598.7 g.
Ang development ng iyong anakNarito ang mga development ng 24 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.
Paninigas ng tiyan ng buntis 24 weeks | Larawan mula sa iStock
Posible rin ang panlalabo ng iyong mata, sanhi ito ng iyong pregnancy hormones na nagpapababa ng tear production na nagdudulot ng eye irritation at nagpapataas ng fluid buildup sa iyong mata. Subalit temporarily lamang ito at maawawala rin matapos mong manganak. Dahil sa lumalaking tiyan, may mga oras na mahihirapan magbalanse ang isang ina. Maaari ka ring makakaranas ng migraines na kung saan ay tumatagal ng ilang araw, maaaring ito ay may kasamang pagkahilo at panlalabo ng paningin. Magpa-check up sa doktor upang malaman ang nakakapagpa-trigger sa iyong migraine upang maiwasan ito. Maaari ka ring makaranas ng leg cramps. Upang mawala ito subukan na unti-unting ideretso ang iyong binti pataas at i-flex ang iyong ankle upang huminto ang spasm o ang iyong leg cramps. Sa pagkakataon ding ito, maaari kang makaranas ng pamamaga ng iyong paa at bukung – bukong. Kaya naman maaaring lumaki na ang sukat ng iyong paa at hindi na magkakasiya sa iyo ang mga sapot o tsinelas. Upang maiwasan ito, i-elevate lagi ang iyong binti o legs kapag umuupo. Pangangalaga sa buntis Uminom ng gatas o kumain ng mga keso at soya upang mabawasan ang stretch marks. Kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamin C pati na din mga gulay. Kung makati at namumula ang iyong mga palad, iwasan ang mga bagay na mas lalong nakakapagpainit ng iyong kamay dahil ito’y maaaring lumala at kumalat sa ibang bahagi n katawan. Makakatulong ang prenatal massage sa iyo, maaari itong gawin ng iyong asawa para sa ‘yo. Ang pagkain ng masustansiyang pagkain at regular na pag-eehersisyo ay makatutulong para gumanda ang pakiramdam sa parehong pisikal at emosyonal na aspeto.Larawan mula sa iStock
Checklist o mga dapat na isaisip sa ika – 24 week ng pagbubuntis Habang patuloy ang paglaki ng tiyan ng ina, siya at ang kaniyang asawa ay mapapaisip kung ligtas pa ba ang pagtatalik habang buntis si misis. Kung ang iyong pagbubuntis naman ay umuusad sa normal na paraan, maaaring ito ay ligtas naman. Ngunit kung ang pagbubuntis naman ay may mga komplikasyon, ang iyong doktor o health provider ay magpapayo na huwag na muna itong gawin. Dahil ang bawat sitwasyon sa pagbubuntis ay magkakaiba-iba, ang iyong doktor ang pinakamagandang pagtanungan sa espesipikong sitwasyon. Sumailalim sa glucose screening test na siyang ginagawa sa mga buntis na nasa pagitan ng 24 o 28 weeks. Ang pagsusuring ito ay isinasagawa upang malaman kung ikaw ay may gestational diabetes. Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag hindi sapat ang insulin sa katawan upang ma-regulate ang sugar levels. Sumailalim sa mga test na kinakailangang gawin upang masigurado ang kalusugan ni baby pati na rin ng ina. Ang pag-inom ng maraming tubig ay isa sa pinaka-importanteng bagay ngunit madalas na nakakalimutang gawin. Bilang isang soon-to-be mommy, kinailangan mo na uminom ng maraming tubig ng sag anon ay manatiling malusog at masuportahan si baby. Inirerekomenda ng mga eksperto na uminom ng 10 baso sa isang araw. Mainam na uminom ng tubig ngunit maaari din naman ang okasyonal na pag-inom ng juice o kape. Kung nakakalimutan uminom ng tubig ay mag-set ng paalala sa smartphone. Sa paglaki ng tiyan, maraming pag-aadjust ang kinakailangan na gawijn para sa pangaraw-araw na gawain at isa na dito ay kung papaano nga ba ang tamang paglalagay ng seatbelt. Pakatandaan na hindi dapat na mag-krus ang anumang parte ng seatbelt sa itaas ng iyong tiyan. Ang isang strap ay dapat na sa ilalim ng iyong tiyan at nakalapat sa buto ng iyong beywang samantalang ang isa naman ay nasa may nasa pagitan ng iyong dibdib at hindi sa ilalim ng iyong braso. Magandang ideya na maagang pag-usapan ang paraan ng panganganak na ninanais kasama ang inyong asawa, doktor, at midwife. Kung maaga nilang malaman ang paraan ng panganganak na gusto mo ay mas mabibigyan ka nila ng suporta para rito. Bagaman ilang buwan pa ang hihintayin bago ang panganganak, habang maaga pa ay ihanda na at ayusin ang magiging space ni baby sa bahay. Ito ay sa kadahilanang mas may lakas pa para sa pag-aayos dahil sa oras na lumabas na si baby ay marami na ang mga ibang bagay na kailangang asikasuhin. Mas magandang masiguradong ang lugar ay baby-proof at ligtas na lugar para kay baby.Mga maaaring itanong sa doktor sa ika – 24 weeks ng pagbubuntis
May mga screening o tests bang dapat na gawin sa susunod at natitirang mga buwan ng pagbubuntis? Pwede ring tanungin kung may mga pagkain ba na mas mainamn kainin sa ika-24 week ng pagbubuntis? May mga bakuna ba na dapat na kunin habang buntis? Kailan ang mainam na oras para magpabakuna para masigurado ang pinakamagandang proteksyon sa ina at sa baby? Ano ang magandang gawin sa tuwing nalulungkot habang buntis?Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat mula kay Sophia JocoWhatToExpect, Raising Children, theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.