Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5198

Bulutong tubig: Sanhi, sintomas, gamot, at mga paraan para maka-iwas sa sakit na ito

$
0
0

Ang bulutong tubig o chicken pox ay isang nakakahawang viral infection na nagiging sanhi ng makakating rashes na mukhang blister. Kadalasan ito ay tumatagal ng lima hanggang sampung araw.

Mababasa sa artikulong ito:

Ano ang bulutong tubig? Mga sintomas ng bulutong tubig Sanhi ng bulutong tubig Kailan dapat pumunta sa doktor? Ano ang bulutong tubig?

Ang bulutong tubig o chicken pox sa English ay isang impeksyon mula sa virus na varicella-zoster. Nagdudulot ito ng makakating rash sa balat na may maliliit na fluid-filled blisters.

Ito ay lubos na nakakahawa lalo na sa mga taong hindi pa nababakunahan laban dito at mga taong hindi pa nagkakaroon nito.

Mga sintomas ng bulutong tubig

Ang pangangati at pagkakaroon ng blisters sanhi ng bulutong tubig ay maaaring makita matapos 10-21 na araw mula ng ma-expose sa virus. Tumatagal rin ito ng 5 hanggang 10 araw. Bukod sa mga rash ito pa ang ilang sintomas nito.

Narito ang mga sintomas na kadalasan ay tumatagal ng ilang araw:

Lagnat na 38.3° hanggang 38.8°C Sakit ng ulo Sore throat Sakit ng tiyan Walang gana sa pagkain Malaise (masamang pakiramdam)

Kasunod nito ang mga rashes na mapula at makati sa iba’t ibang parte ng katawan: mukha, likod at tiyan. Ito ang pinakakilalang sintomas. Kakalat din ito sa iba pang parte ng katawan tulad ng bibig at anit.

May tatlong stages ang mga bulutong tubig rashes:

Ang rashes ay mukhang tagihawat o kagat ng insekto, medyo maumbok (papules) na kulay pink o pula Pagkatapos ng dalawa hanggang apat na araw, nagiging pangkat ang paglabas nito at nagmumukhang blisters (vesicles) na may fluid Kapag pumutok na ang balat ng blisters, nagkakaroon ito ng crust hanggang sa matuyo at maging scabs.

Sa lahat ng sintomas, ang rashes ang pinakamahirap dahil makati ito. May pagkakataon din na ang tatlong stages na nabanggit ay sabay-sabay na lumabas sa katawan ng may sakit.

Iwasan ang pag-kamot para hindi magkaroon ng peklat.

Sanhi ng bulutong tubig

Ang bulutong tubig ay sanhi ng varicella-zoster virus (VZV) at ito ay lubhang nakakahawa.

Pagkahawa sa bulutong tubig

Ang bulutong tubig ay nakakahawa at kumakalat sa pamamagitan ng hangin na dala ang virus mula sa pagbahing o pag-ubo ng taong maysakit. Maaari rin na mahawa sa pamamagitan ng direct contact sa laway, mucus at fluid sa loob ng blisters.

Ang panahon kung saan ang isang bata na maysakit ay nakakahawa ay nakasalalay kung kailan lumabas ang mga sintomas ng bulutong tubig: dalawang araw bago lumabas ang mga rashes hanggang sa ang mga blisters ay maging crusts.

Kaya naman nirerekomenda na huwag munang lumabas, at mag-isolate muna para hindi makahawa. Lalo na sa mga bata at para na rin sa mga taong hindi pa nababakunahan nito.

Kung ang may kapitbahay o kamag-anak kayo na may bulutong tubig, inaabisuhan din ng eksperto na huwag munang makisalamuha sa kanila, lalo na kung mayroon kayong mga anak. Sapagkat maaari silang mahawaan ng bulutong tubig ng mabilis.

Kailan puwedeng bumalik sa paaralan ang batang nagkaroon ng bulutong tubig?

Upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng iba pang mga mag-aaral, makakabuti na sa bahay muna ang isang bata na may bulutong tubig at pumasok ulit sa paaralan kapag ang lahat ng mga blisters ay tuyo na.

Risk factors Ang mga hindi pa nagkakaroon ng bulutong tubig Mga hindi nabakunahan laban sa bulutong tubig May mababang immune system kasama na din ang mga buntis Mga naggagamot na nakakababa ng immune system tulad ng chemotherapy Gumagamit ng steroids para sa iba’t ibang kondisyon o sakit Mga komplikasyon Eczema. Ang bata na may ganitong kondisyon o mahinang immune system ay maaaring makaranas ng sobrang rashes. Bagaman bihira, may mga bata din na nagkakaroon ng bacterial infection sa buto, balat, joints pati na din sa utak. Ang mga buntis na nagkaroon ng bulutong tubig ay maaaring maapektuhan ang kaniyang anak tulad ng birth defects o komplikasyon sa kalusugan ng bata. Kung ang isang nanay naman ay nagkaroon ng bulutong tubig pagkatapos manganak, nandoon pa din ang risk ng komplikasyon sa kalusugan ng bagong panganak na bata tulad ng mga infection. Shingles. Ang batang nagkaroon ng chicken pox ay maaaring magkaroon ng shingles, isang kondisyon sa balat na karaniwan sa mga mas nakakatanda. Ang virus ay puwedeng maging dormant sa nervous system ng taong nagkabulutong tubig kahit pa gumaling na ito. Pneumonia Encephalitis o pamamaga ng utak dahil sa viral o bacterial infection Toxic shock syndrome Reye’s syndrome

BASAHIN:

Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

REAL STORIES: “Every time I see swimming pool, I remember Sophia’s rashes”

ALAMIN: Common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Larawan mula sa iStock

Kapag ang bata ay mga sintomas ng bulutong tubig:

Lagnat na mataas sa 38.8°C at mahigit na sa apat na araw Hirap sa paghinga Malalang pag-ubo Mga rashes na mapula, namamaga o mainit Mga rashes na may nana Hirap sa paglalakad Matinding sakit ng ulo Madaling malito Sensitive sa maliwanag na ilaw Drowsy o kaya ay mahirap magising Stiff neck Nagsusuka

Kung ikaw ay magpapa-schedule sa doktor, sabihan siya na ang iyong anak ay may mga sintomas ng bulutong tubig upang maiwasan na makahawa sa iba.

Paano malalaman na mayroon kang bulutong?

Makukumpirma ng doktor kung ito nga ay bulutong tubig mula sa mga rashes. Maaari ding magkaroon ng mga laboratory tests kapag kinakailangan.

Importante ang paghuhugas ng kamay para hindi madaling mahawa sa bulutong.

Mga gamot sa bulutong tubig

Ang antibiotics ay hindi sapat upang mapuksa ang virus na ito. Ngunit maaaring magbigay ng gamot ang doktor kapag ang mga sores ay naging sanhi na ng bacterial infection. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga bata na kinakamot o pinuputok ang mga blisters.

Ang mga antiviral na gamot naman ay ibinibigay sa mga may posibilidad na magkaroon ng komplikasyon sa kalusugan.

Mga home remedies para bulutong tubig

Narito ang ilan sa mga paraan upang mapagaan ang pakiramdam ng iyong anak na mayroong sakit na ito:

Bigyan siya ng sponge bath gamit ang maligamgam na tubig kada tatlo o apat na oras sa mga unang araw ng bulutong. Nakakatulong ito upang mabawasan ang pangangati. Maaari mo din haluan ng hindi lutong oatmeal o baking soda. Dampi lamang ang pagpapatuyo sa katawan, gamit ang malinis na tuwalya. Lagyan ng calamine cream ang mga rashes upang mabawasan ang pangangati. Iwasan na ilagay ito sa mukha at malapit sa mata. Kapag may mouth sores, bigyan siya ng mga malamig na pagkain tulad ng yogurt, ice cream at fresh fruit shake. Maaari mo din siyang bigyan ng malalambot na pagkain tulad ng saging, lugaw at mga noodles. Iwasan din ang pagbibigay ng maaalat at maaasim na pagkain. Bigyan ng acetaminophen upang mabawasan ang sakit na dulot ng mouth sores. Huwag bibigyan ng aspirin dahil ito ay maaaring maging dahilan ng Reye’s syndrome.

Magtanong din sa doktor tungkol sa mga cream na puwedeng gamitin para sa mga rashes sa maseselang parte ng katawan.

Hikayatin ang anak na iwasan ang pagkakamot sa mga blister dahil ito ay maaaring magdulot ng bacterial infection. Sa gabi, gumamit ng mittens o medyas sa kamay upang hindi siya makapagkamot.

Gupitin din ang mga kuko upang maiwasan ang bacterial infections kung sakali man makamot ang mga blisters.

Paano maiiwasan ang bulutong tubig?

Ang pinakamainam na upang makaiwas dito ay pagbabakuna. Siguraduhin na may bakuna ang iyong anak. Ito ay ligtas. Kung magkaroon man, hindi ito magiging ganoon kalala at mas mabilis ang paggaling kung ikukumpara sa mga bata na walang bakuna.

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bahay:

Panatalihing malinis ang katawan. Maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo. Ihiwalay ang batang may bulutong tubig. Hikayatin ang mga nag-aalaga na gumamit ng face mask at maghugas ng kamay palagi.

Bagama’t ang bulutong tubig ay isang pangkaraniwan na sakit sa mga bata, may mga paraan upang maiwasan ito. Huwag kalimutan na kumonsulta sa doctor kung kinakailangan.

Para naman sa mga matatanda kung hindi ka sigurado na ikaw ay may bakuna laban dito, maaaring magpa-blood test upang matignan ang iyong immunity laban sa sakit na ito. Tandaang mahalaga ang prevention kaysa sa cure.

Isinalin sa wikang Filipino ni Fei Ocampo mula sa artikulo ng theAsianparent Singapore

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Healthline, WebMD, MayoClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5198

Trending Articles