Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5229

Vickie Rushton sa nalalapit na panganganak sa baby nila ni Jason Abalos: “We’re almost there and we can’t wait to see you our little love!”

$
0
0

Vickie Rushton malapit ng maipanganak ang first baby nila ni Jason Abalos.

Mababasa dito ang sumusunod:

Vickie Rushton sa nalalapit na panganganak sa kanilang first baby ni Jason Abalos. Jason Abalos excited ng maging daddy at makita ang kaniyang first baby. Vickie Rushton sa nalalapit na panganganak sa kanilang first baby ni Jason Abalos

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Nalalapit na ang panganganak ng beauty queen na si Vickie Rushton sa first baby nila ng actor-turned-politician na si Jason Abalos. Ang kaniyang excitement ibinahagi ni Vickie sa kaniyang Instagram account kasabay ang pagbibida niya sa kaniyang 36 weeks na tiyan.

Larawan mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

“And just like that, I’m 36 weeks pregnant todaaay! 9 months of having two beating hearts & sharing one home.” “We’re almost there and we can’t wait to see you our little love!”

Ito ang pahayag ni Vickie sa kaniyang Instagram account.

View this post on Instagram

A post shared by Vickie Marie Rushton 🦋 (@vimrushton)

Jason Abalos excited ng maging daddy at makita ang kaniyang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Si Jason Abalos naman excited rin para sa misis na si Vickie. Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang video ng asawa na nakaupo sa buhangin sa gilid ng isang beach. Pinasalamatan niya rin ito sa pagdadala ng kanilang anak.

“Malapit ka na maging nanay, thank you 😘😘😘.”

Ito ang sabi ni Jason.

Sa nauna niya na ring post noong nakaraang buwan ay ibinahagi rin ni Jason na excited na siyang makita ang anak. At ang malaman kung sino ang magiging kamukha nito sa kanila ni Vickie.

“Daddy o si Mommy? :)” “Cant wait to see you my child :)”

Ito ang sabi pa ni Jason.

View this post on Instagram

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Ang mga celebrity friends ng mag-asawa hindi naman napigilang humanga sa blooming na buntis. Binati at ibinahagi rin ng mga ito ang excitement sa nalalapit na panganganak ni Vickie.

Larawan mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Mayo nitong taon ng ibahagi nila Vickie Rushton at Jason Abalos na sila ay buntis sa kanilang first baby. Ang kanilang baby ay isa daw blessing na pinagdasal nila sa Panginoon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5229

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>