Mabisang gamot sa sakit ng ngipin ba ang hanap mo? Narito ang mga natural remedies na maaring makita sa loob ng inyong bahay.
Mababasa sa artikulong ito:
Mga rason kung bakit sumasakit ang ngipin mo 10 pwedeng gawin upang mawala ang sakit ng ipin Paano maiwasan ang pag sakit ng ngipin Bakit nga ba sumasakit ang ating mga ngipin?Mahirap talaga kapag ang ngipin at kapag nangingilo pa ito. Ang sakit ng ngipin o sakit sa gilagid ng ngipin ay nangyayari kapag ang mga ugat sa isang ngipin o ang area sa gilid ng isang ngipin ay na-irritate.
Ang impeksyon sa ngipin , pagkabulok, pagsira, o pagkawala ng ngipin ang pinaka karaniwang sanhi ng sakit sa ngipin. Maaari ring mangyari pagkatapos ng isang pagbunot ng ngipin.
Minsan naman makakaramdam ng pananakit ng ngipin sa ibang lugar ng bibig. Katulad na lamang sa panga, ito ang pinakaraniwang bahagi ng bibig kung saan nakakaramdam tayo ng pananakit.
Kasama rin sa pananakit na maaari nating maranasan ay ang pananakit ng tenga, sinus, at ilong. Nakakadagdag din sa pananakit ng ngipin kung may bacteria sa loob ng iyong bibig. Lalo na kung may bulok na ngipin. Nagiging dahilan din ito ng pananakit.
Maaari mong maiwasan ang karamihan ng mga problema sa ngipin sa pamamagitan ng flossing, brushing ng fluoride toothpaste, at propesyonal na paglinis sa iyong mga ngipin.
Nirerekomenda na gawin ito dalawang beses sa isang taon. Ang dentista ay maaaring maglapat ng mga sealant at fluoride, na lalong mahalaga para sa ngipin ng mga bata.
Mga sanhi ng sakit ng ngipinAng sakit ng ngipin ay nangyayari mula sa pamamaga ng gitnang bahagi ng ngipin na tinatawag na pulp. Naglalaman ng mga nerve endings na napakasensitibo sa sakit.
Ang pamamaga sa sapal o pulpitis ay maaaring sanhi ng mga lukab ng ngipin, trauma, at impeksyon. Maaaring mula sa panga ang nangyayaring pananakit.
Para lubos na malaman kung ano ang sanhi ng pananakit ng ngipin ay mas mabuti pa ring magpakonsulta sa isang dentista.
10 gamot sa sakit ng ngipin home remedy 1. Salt water rinseMabisang gamot sa sakit ng ngipin ang salt water. Magmumog lang ng maligamgam na tubig na may asin hanggang sa mawala ang sakit.
Ito ay natural disinfectant na nililinis ang ngipin. Tinutulungan din nitong alisin ang mga food particles o tinga na naiwan sa pagitan ng ngipin. Makakatulong rin ito para maibsan ang pamamaga at pagalingin ang mga oral wounds.
Para gumawa ng salt water rinse ay maghalo lang ng kalahating kutsarita ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at imumog sa iyong bibig.
Image from Freepik
2. Hydrogen peroxide rinseAng isa pang gamot sa sakit ng ipin ay ang hydrogen peroxide. Kailangan lang ihalo ang 3% nito sa pantay na dami ng tubig at imumog sa iyong bibig. Huwag itong lulunukin.
Makakatulong ito para maibsan ang sakit at pamamaga ng ngipin. Pinapatay rin nito ang mga bacteria, binabawasan ang plaque sa ngipin at tinutulungang pagalingin ang mga nagdurugong gilagid.
3. Cold compressPara maibsan ang sakit ng ngipin ay maaring ding gumamit ng cold compress.
Sa tulong ng towel na ibinalot sa yelo, ilagay ito sa area na kung saan sumasakit ang ngipin sa loob ng 20 minuto. Unti-unti nitong maiibsan ang sakit at pamamaga ng ngipin.
Maari mong ulitin ang approach na ito sa oras na sumumpong ulit ang sakit ng ngipin.
4. Peppermint tea bagsIsa pang pampabawas ng sakit na dulot ng namamagang ngipin at sensitive gums ay ang peppermint tea bags. Gamit ang used tea bags na bahagyang lumamig na ay ilagay ito sa sumasakit na ngipin. Pwede mo ring ilagay ito sa freezer at hayaang lumamig ng ilang minuto bago ilagay sa iyong nanakit na ngipin.
5. BawangKilalang gamot sa sakit ng ngipin ang bawang. Hindi lamang nito pinapatay ang mga bacteria na nagdudulot ng dental plaque, nagsisilbi rin itong pain reliever.
Para gamitin ito ay mag-dikdik ng isang butil ng bawang at ilagay ito sa nananakit na ngipin. Puwede mo rin itong lagyan ng konting asin o kaya naman ay pwede mo ring dahan-dahang nguyain ang isang butil nito.
Image from Freepik
BASAHIN:Natanggalan ng ngipin sa iyong panaginip? Ito umano ang maaaring kahulugan, ayon sa mga eksperto!
Ngipin ng bata: Pagsunod-sunod at timeline ng baby teeth at permanent teeth
11 signs na nagngingipin na si baby
6. Vanilla extractGamot din sa sakit ng ngipin ang vanilla extract. Dahil sa ito ay may taglay na alcohol na maaring makapagpamanhid ng sakit. Mayroon rin itong antioxidant properties na mabisa ring pampagaling ng mga sugat.
Para gamitin ay maglagay ng small amount nito sa iyong daliri o sa cotton ball at i-apply sa affected area.
Maari itong ulitin ng ilang beses sa loob ng isang araw.
7. CloveMabisang gamot din para sa sakit ng ngipin ang clove oil. Pinapamanhid nito ang sakit at iniibsan ang pamamaga ng ngipin. May taglay din itong eugenol na isang natural antiseptic.
Para gamiting gamot sa sakit ng ngipin ay maglagay ng small amount ng clove oil sa isang cotton ball at i-apply sa affected area.
Maari ka ring maglagay ng isang patak ng clove oil sa isang basong tubig at gawin itong pangmumog.
8. Guava leavesDahil sa anti-inflammatory properties nito ay nakakatulong ang dahon ng bayabas sa pagpapagaling ng mga sugat. Mayroon din itong antimicrobial properties na makakatulong sa ating oral care.
Nguyain lang ang malinis na dahon nito o kaya naman ihalo ang dinikdik na dahon ng bayabas sa kumukulong tubig at gawing mouthwash kapag lumamig.
9. WheatgrassAng wheatgrass juice ay maari ring gamiting pangmumog para maibsan ang sakit ng ngipin.
May taglay itong healing properties na tumutulong sa katawan na maghilom mula sa mga sugat. Iniibsan din nito ang inflammation sa bibig at nilalabanan ang mga infection. Ang mataas na chlorophyll content ng wheatgrass ay mabisang panlaban din sa mga bacteria.
Image from Freepik
10. ThymeAng thyme oil ay mabisang gamot din sa sakit ng ngipin. Mahusay na gamot sa sakit ng ngipin ang antibacterial at antioxidant properties nito. Para gamitin ay maglagay ng isa o dalawang patak ng thyme essential oil at tubig sa isang cotton ball. Ilagay at i-apply ito sa affected area.
Maari ring gawin itong mouthwash sa pamamagitan ng paglalagay ng isang patak nito sa isang bagong tubig.
Paano mawala ang sakit ng ipin?Ang mga gamot sa sakit ng ipin na ito ay maituturing na first aid lamang. Kung sakaling patuloy pa rin ang pananakit ng ngipin matapos gamitin ang mga natural na gamot ay maaring uminom ng over-the-counter drug na ibufropen.
Ngunit mas mabuting magpunta na agad sa dentista sa oras na matindi at pabalik-balik na ang sakit ng ngipin. Kahit kasi mabisang gamot sa sakit ng ngipin ang mga nabanggit, maari ka pa ring makaranas ng mga sumusunod:
Lagnat Hirap sa paghinga o paglunok Pananakit na tumatagal ng dalawang araw o higit pa Pamamaga ng ngipin Sakit kapag kumakagat Hindi normal na pamumula ng gilagid Foul-tasting discharge o nana sa ngipinSa oras na makaramdam ng mga ito, kailangan na talagang matignan ng dentista para malaman kung paano mawala ang sakit ng ipin. At para mabunot ang sumasakit na ipin kung kinakailangan.
Paano nga ba maiwasan ang pagsasakit ng ngipin?Dahil ang karamihan sa sakit ng ngipin ay resulta ng pagkabulok ng ngipin, ang magagandang kasanayan sa kalinisan sa bibig ay maiiwasan ang pananakit ng ngipin:
Regular na magsipilyo gamit ang isang fluoride toothpaste.
Floss kahit isang beses sa isang araw.
Tingnan ang iyong dentista dalawang beses sa isang taon para sa propesyonal na paglilinis.
Gayundin, kumain ng mga pagkaing mababa sa asukal at tanungin ang iyong dentista tungkol sa mga application ng sealant at fluoride.
Healthline, WebMD, Cleveland clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.