Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Angelica Panganiban sa anak na si Bean isang taon matapos itong maipanganak: “Seeing you grow into the happy little girl you are has made everything so worth it!”

$
0
0

Angelica Panganiban binalikan ang kaniyang motherhood journey isang taon matapos maipanganak si Baby Bean o Amila Sabine.

Mababasa dito ang sumusunod:

Angelica Panganiban on her motherhood journey. Mensahe ni Angelica sa anak na si Bean ngayong ito ay isang taon na. Angelica Panganiban on her motherhood journey

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Talagang na-enjoy ng aktres na si Angelica Panganiban ang kaniyang motherhood journey. Sa kaniyang social media accounts ay hindi nga maitatago ang maraming happy moments nila ng anak niyang si Amila o Baby Bean. Sa kaniyang latest Instagram post ay  binalikan niya ang kaniyang naging motherhood journey sa nakalipas na taon. Ito ay mula noong newborn palang si Bean hanggang sa ngayon na ito ay nakakapaglakad na.

Ayon kay Angelica, hindi siya makapaniwala na ang bilis ng panahon at isang taon na ang nakalipas mula ng maipanganak niya si Bean. Lalo pa’t pag-amin niya hindi laging easy ang tungkulin ng pagiging isang ina. Pero nakayanan niya ito kahit na siya ay isang first time mom dahil sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kaniya at nagpapakita ng suporta.

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

“Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na 1 year old na si Baby Bean. 🤍” “So grateful for all of you who have been here from the beginning. Hindi palaging madali ang motherhood. Lalo na sa unang taon. But having all the support from my family, close friends, at syempre sa pinaka supportive kong asawa, this journey has been so fulfilling!”

Ito ang pahayag ni Angelica.

Mensahe ni Angelica sa anak na si Bean ngayong ito ay isang taon na

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Si Angelica, nagpaka-senti rin at nagbigay ng mensahe sa anak niyang si Bean na ngayon ay isang taon na at kaya ng maglakad ng mag-isa.

“To my little Baby Bean, seeing you grow into the happy little girl you are has made everything so worth it! Mama loves you! I can’t wait to create more LONG LASTING MEMORIES with you. 🤍”

Ito ang sabi pa ni Angelica.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>