Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

Kyla sa mister na si Rich Alvarez: “My love, thank you for everything. We’re so lucky to have you in our lives.”

$
0
0

Singer na si Kyla may sweet na mensahe sa husband niyang si Rich Alvarez. Rich nagdiwang ng kaniyang 43rd birthday nitong October 30.

Mababasa dito ang sumusunod:

Kyla to husband Rich Alvarez on his birthday. Pagsasama ni Kyla at Rich. Kyla to husband Rich Alvarez on his birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla

Nitong October 30 ay nagdiwang ng kaniyang 43rd birthday ang mister ni Kyla na si Rich Alvarez. Ang singer hindi pinalampas ang pagkakataon na batiin ang mister at magbigay ng mensahe para sa basketball coach.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Kyla kung gaano siya nagpapasalamat na si Rich ang mister niya. Sabi pa niya hindi lang siya ang swerte na magkaroon ng isang Rich Alvarez sa buhay niya. Ganoon rin ang nag-iisa nilang anak na si Toby na sampung taong gulang na ngayon.

“My love, thank you for everything. We’re so lucky to have you in our lives.”

Ito ang sabi ni Kyla.

Dagdag pa nga ng singer sa sobrang pagpapasalamat niya sa mister ay minsan gusto niyang puntahan ang mga magulang nito at pasalamatan. Paliwanag niya, kung hindi dahil sa kanila ay walang isang Rich Alvarez ngayon na inalagaan siya at hindi iniwanan sa gitna ng mga mabibigat na pagsubok na kaniyang naranasan.

“I always imagine myself running to your parents each and everytime i’m reminded of how lucky we are to have you. In my head, i really just wanted to thank them for creating you. Hahaha! I love you! Happy birthday sweetheart @rich_alvarez.”

Ito ang sabi pa ni Kyla.

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla

Pagsasama ni Kyla at Rich

Itong Nobyembre ay magdiwang rin ng kanilang wedding anniversary sina Kyla at Rich. Sa kaniya paring Instagram account ay ibinahagi ng singer ang nararamdaman niya sa mas tumatagal at tumitibay pang pagsasama nilang mag-asawa.

“Throwback from a few years ago. Dahil malapit na ulit ang anniversary natin. Grabe 18 years na din pala tayo. Ganito ka pa din ka-sweet sa akin. Ang swerte ko naman. Bait ni Lord sa atin. ♡”

Ito ang caption ng post ni Kyla kung saan tampok ang larawan nila ng mister.

Larawan mula sa Instagram account ni Kyla


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>