Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5231

Angelica Panganiban ipinagdiwang ang huling birthday niya bilang isang “Ms” bago tuluyang maging Mrs. ng fiancé niyang si Gregg Homan

$
0
0

Angelica Panganiban masayang ipinagdiwang ang huli niyang kaarawan bilang Ms. Panganiban. Mga malalapit na celebrity friends ng aktres present at enjoy rin sa kaniyang 37th birthday celebration.

Mababasa dito ang sumusunod:

Angelica Panganiban 37th Pagpapakasal ni Angelica sa fiancé na si Gregg Homan. Angelica Panganiban 37th birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Kita-kita ang saya sa mukha ni Angelica Panganiban sa nagdaan niyang 37th birthday celebration nitong November 4. Ang mga tagpo sa naging birthday ni Angelica ay ibinahagi niya sa Instagram. Makikita na present sa birthday celebration niya ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbizness. Gaya nalang nila Kian Cipriano, Smokey Manaloto, Glyza de Castro, Ketchup Eusebio at Kim Chiu. Ang mga ito pinasalamatan niya hindi lang sa pagsama sa kaniyang birthday celebration. Kung hindi pati sa pagcecelebrate ng mga natitirang araw niya bilang isang “Ms”.

“Salamat sa pagsama sakin sa huling kaarawan bilang Ms. Panganiban.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Angelica.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Pagpapakasal ni Angelica sa fiancé na si Gregg Homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Hindi pa man nagbibigay ng detalye si Angelica sa magiging kasal nila ni Gregg ay mukhang nalalapit na itong mangyari. Sa naging kaarawan nga ni Gregg nitong Setyembre ay sinabi ni Angelica sa birthday greeting niya para sa fiancé na excited na siyang maging official Mrs. Homan.

“Happy birthday to my forever, the best teammate ever. I love doing life with you and I can’t wait to make it official 😛 wuv you dada. 💙”

Ito ang birthday greeting noon ni Angelica kay Gregg.

Una ng sinabi ni Angelica sa isang panayam na dapat ay last year pa sila ikinasal ni Gregg. Pero saglit nila itong isinantabi sa kagustuhang makasama ang anak na si Amila sa special na araw na ito sa kanilang pagsasama. Hindi man nagbigay ng specific na date ay target daw nila ni Angelica at Gregg na maikasal sila early next year.

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5231

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>