Sam Milby and Catriona Gray wedding nalalapit ng maganap.
Mababasa dito ang sumusunod:
Sam Milby and Catriona Gray wedding. Catriona at Sam handa na bang magkaanak. Sam Milby and Catriona Gray weddingLarawan mula sa Facebook account ni Sam Milby
Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktor na si Sam Milby na nalalapit na nga ang kasal nila ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray. Hindi man niya ibinahagi ang exact date ng kasal nila ay sinabi ni Sam na nakapag-imbita na sila at tanging ang mga pupunta sa kanilang kasal ang nakakaalam kung kalian ito magaganap. Pero si Sam, hindi maitago ang excitement niya. Pagbabahagi niya pa ay naging very relaxing para sa kanila ni Catriona ang preparations sa kasal nila.
“I am very excited. We have a great team helping us prepare.”Ito ang sabi ni Sam.
Dagdag pa ng aktor, isang intimate wedding ang pinalano nila ni Catriona. Pagdating nga daw sa pagiging abala ay mas hands-on ang beauty queen sa wedding preparations kaysa sa kaniya.
Catriona at Sam handa na bang magkaanak?Larawan mula sa Facebook account ni Sam Milby
Dahil syempre sa nalalapit na pag-iisang dibdib, ang tanong ng marami ay ready na ba si Sam at Cat na magkaanak. Si Sam sinabing ready na ready na siya. Lalo pa’t sa susunod na taon ay 40-years-old na siya at hindi na nga bumabata pa. Pero ang pagkakaroon ng baby hindi nila binabalak na magkaroon soon. Dahil ito daw ay wala pa sa plano ni Catriona. Ito ang paliwanag ni Sam.
“It is not that she is not ready, we are both so excited to start a family. But it’s enjoying the marriage first.”Ito ang sabi pa ni Sam.
Taong 2020 ng i-anunsyo nina Sam at Catriona ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post. Nitong taon Pebrero 16 naman nila inanunsyo ang kanilang engagement sa isa’t-isa.
“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé.”Ito ang sabi ni Sam Milby sa kaniyang Instagram post noon tungkol sa engagement nila ni Catriona Gray.
Larawan mula sa Instagram account ni Sam Milby