Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

7 best resorts sa Antipolo para sa quick weekend getaway

$
0
0

Plano mo ba na mag quick weekend getaway o kaya naman ay ipagdiwang ang Holiday sa pamamagitan ng pagta-travel? Bakit hindi mo i-try ang resorts sa Antipolo?

Ang kabundukan ng Antipolo ay maituturing na isang magandang destinasyon para sa isang quick getaway.

Sa isang quick hour drive galing Maynila, makaka-experience ka na ng malamig at preskong hangin sa Antipolo habang ine-enjoy rin ang distant view ng Maynila.

Wala mang beach sa Antipolo, tiyak na magugustuhan mo naman ang mga swimming pool resorts na puno ng greeneries ang paligid.

Narito ang ilan sa mga resort sa Antipolo na maaari mong puntahan para sa susunod na linggo na maisipan mong mag-weekend getaway.

Resorts sa Antipolo na maaaring puntahan ng pamilya Luljetta’s Place Garden Suites

Luljetta’s Place Garden Suites ay ang resort na matatagpuan sa loob ng Loreland Farm Resort na may haba na walong ektarya.

Base nga sa pangalan mismo ng resort, ang lugar nga mismo ang napaliligiran ng garden at pawang maraming berde sa paligid, kung kaya’t ideal na lugar siya upang mag-unwind kasama ang pamilya.

Maliban nga sa lap pool na mayroon ito, mayroon ka ring access sa anim na pools ng Loreland Farm Resort.

Maaari mo ring ma-experience ang Luljetta’s Hanging Gardens Spa, kung saan sikat ang kanilang hydro-massage pool na mayroong napakagandang view ka ng mga bundok.

Nagaalok din sila ng mga treatments, sauna, at jacuzzi upang talagang ma-relaks ang iyong katawan sa quick getaway na ito.

Para mag-inquire, puntahan ang www.luljettas.com

View this post on Instagram

A post shared by www.luljettas.com (@luljettasgardensuites) on Feb 15, 2019 at 7:15pm PST

LeBlanc Hotel and Resort

Kung ikaw nga ay naghahanap ng quick staycation, subukan ang eleganteng hotel na ito na matatagpuan sa city skirt ng Antipolo.

Mayroon siyang 32 na kuwarto, swimming pool, sky tent at garden na popular na venue ng mga kasal at kahit anong events.

Ang puti at neutral na interior nito ang dahilan kung bakit ito ay isang instagrammable na lugar at ito nga ay ang nagse-set ng mood ng relaxation ng mga dumarayo.

Bisitahin ang www.leblanc.com.ph para sa karagdagang impormasyon.

Louisse Private Resort

Ang Louisse Private Resort ay matatagpuan sa border ng Antipolo at Taytay. Isa siyang boutique hotel na mayroong breathtaking views at tranquil na vibes.

Ang two-story na bahay nga na matatagpuan dito ay mayroong dalawang air-conditioned na kuwarto—ang master bedroom ay mayroong dalawang queen-sized na kama at maaaring mag-accommodate nang dalawa pang extra na double sized na mga mattress para sa sleeping capacity na sampung tao.

Mayroon din itong guest room kung saan naglalaman ito ng tatlong double deck na kama. May conference room din sila na puwedeng i-convert na tulugan.

Ang buong lugar ay kumpleto ang kitchen kasama na nga ang ref at stove para pangluto. Maaari kang magdala ng sariling kitchen utensils o di kaya naman mag-rent sa resort mismo para sa karagdagang bayad.

Maaari mo ring magamit ang kanilang living area, videoke, half basketball court, at billiard table.

At syempre hindi mawawala ang kanilang napakagandang infinity pool na kukumpleto ng inyong outing.

Alamin ang ilan pang impormasyon sa www.louisseresort.com

Resorts sa Antipolo: Villa Elisha

Matatagpuan ang Villa Elisha sa loob ng isang 30 na ektaryong private forest na sanctuario sa foothills ng Sierra Mountain range.

Mayroon itong tatlong kuwarto at isang loft area para sa tulugan. At ang basic na mga gamit pangkain at pangluto ay maaari nilang ibigay.

Maaaring ma-access ng mga bisita ang Phillip’s Sanctuary, isang mountain resort na may mga bike trails, rope courses, hanging bridge, fishing lagoon, at kayak.

Puwede ring makita ng mga ilang bisita ang kanilang pag-aani ng kanilang mga prutas tulad na nga lamang ng durian, marang, dragon fruit, lychee, at marami pang iba lalo na kung panahon ng pag-aani ang pagbisita.

Kontakin sila sa kanilang Facebook page upang mag-inquire https://www.facebook.com/villaelisha/

Resorts sa Antipolo: Timberland Heights

Kung gusto mong maging isa sa kalikasan ang Timberland Heights ang “the place to be” di-umano.

Ito ay mayroong breathtaking mountainscape at nagaalok ng mga kuwarto o di kaya naman ng isang buong mga bahay for rent.

Isa ngang weekend getaway na maituturing na breathtaking sapagkat malalanghap mo lamang ay ang sariwang hangin sa bundok na napaliligiran pa ng maraming mga puno o kalikasan nga kung tawagin.

Maaaring mag-inquire sa website na ito www.timberlandheights.com

Altaroca Mountain Resort

Para sa isang weekend getaway na ayaw mong pa-istorbo, i-try mo ang Altaroca Mountain Resort.

Malapit ang Altaroca Mountain Resort and Convention Center sa mga kilalang Rizal tourist spots. Tulad ng Casa Santa Museum at Pinto Art Museum. Kaya tamang-tamang destinasyon ito kung nais mong ma-enjoy ng kids ang inyong quick weekend getaway o Holiday vacation.
Pwedeng dumaan muna saglit sa mga nabanggit na museum bago dumiretso sa resort.

Bukod pa rito, napakaganda ng Mediterranean architecture and design ng resort na ito. Pakiramdam mo ay para kang nasa Greece. Dagdag pa riyan, ang bawat kwarto ay may aircon at free wifi. Mayroon ding mga kwarto na may balcony at TV na may cable. At ang maganda pa rito, may dorm-type bedrooms na kayang-kayang i-accommodate ang malalaking pamilya o barkada.

At syempre, tiyak na maeenjoy ng bawat miyembro ng pamilya ang three outdoor swimming pools (lounge pool, kiddie pool, at lap pool).

Mag-inquire sa kanilang website para sa karagdagang impormasyon www.altaroca.com.ph

Bosay Resort

Kung kakaibang resort naman ang hanap ng pamilya, swak na swak ang Bosay Resort para sa inyo. Alam mo ba na ito ang kauna-unahang resort sa Pilipinas na mayroong seawater storm wave pool. Dahil sa strong waves mula sa wave ball, puwedeng-puwede kang mag-surfing. Ultimate swimming destination talaga ito sa Antipolo.

Mayroong 10 swimming pools sa Bosay Resort kabilang na ang storm wave pool, infinity pool, at disco pool. Sa disco pool naman, mayroong lights and sounds. O di ba, bongga!

Updates by Jobelle Macayan

Basahin: 11 Best resorts sa Antipolo for a quick weekend getaway


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>