Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5223

Mariel Padilla wala pa sa isip ang magbalik sa showbizness at sinusulit ang oras na maalagaan ang mga anak habang ang mga ito ay maliliit pa

$
0
0

Mariel Padilla ini-enjoy ang oras na maliliit pa ang mga anak. Pagdating sa tanong kung kailan siya magbabalik sa pag-aartista, ito ang naging sagot niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Mariel Padilla sa pagiging full-time mom. Bakit mas gusto ni Mariel na maging hands-on at full-time sa pag-aalaga sa mga anak niya. Mariel Padilla sa pagiging full-time mom

Larawan mula sa Facebook account ni Mariel Rodriguez-Padilla

Ilang taon narin ng huling makita sa telebisyon ang TV host at aktres na si Mariel Padilla. Ngayon masaya siya sa pagsasama nila ng aktor na si Robin Padilla kasama ng dalawa nilang mga anak na sina Gabriela, 7yo at Isabella, 4yo.

Si Mariel enjoy sa pagiging fulltime mom sa mga anak niya. Sa katunayan ng matanong nga kung kalian siya magbabalik sa showbiz, ang sagot ni Mariel ay hindi niya pa daw alam. Dahil sa ngayon, masaya siya sa kaniyang ginagawang pag-aalaga sa dalawa niyang anak.

“When my kids are big na, I don’t know when that will be. For now, I’m savoring that moment that they do need me.”

Ito ang sabi ni Mariel sa isang panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Mariel Rodriguez-Padilla

Bakit mas gusto ni Mariel na maging hands-on at full-time sa pag-aalaga sa mga anak niya

Pagpapatuloy ni Mariel namimiss niya rin ang pag-aartista. Pero malaking tulong ang pag-lilive selling niya na kung saan nalalabas niya ang galing niya sa pagsasalita. Higit sa lahat sa pamamagitan daw nito ay nakakapag-stay lang siya sa bahay at naalagaan ang mga anak nila ni Robin.

“It’s so much fun mainly because I get to do what I like to do which is talking. I get to talk. But at the same time, I get to do what I’m supposed to be doing, which is taking care of my family. I get to stay at home. I handle my own time and I am there on all the milestones of my kids.”

Ito ang sabi pa ni Mariel na sinusulit ang pagiging fullt-time sa mga anak habang ang mga ito ay maliliit pa.

Larawan mula sa Facebook account ni Mariel Rodriguez-Padilla

Inquirer PH


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5223

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>