Bungang araw: Ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon nito at ano ang natural na gamot sa bungang araw na available sa loob ng bahay ninyo.
Mababasa sa artikulong ito:
Ano ang bungang araw at ang iba’t-ibang uri nito. Mga gamot sa bungang araw. Paano maiiwasan ang bungang araw. Ano ang bungang araw?Image from Healthgrades
Bungang araw o prickly heat sa salitang Ingles ang isang kondisyon sa balat na madalas nating nararanasan sa tuwing mainit ang panahon. Tinatawag rin itong sweat o heat rash.
Ilan sa sintomas nito ay mga butlig sa balat na namumuti o namumula. Minsan, maliban sa ito ay makati ay mainit rin ito sa pakiramdam at mahapdi.
Ang kondisyon sa balat na ito ay maaring maranasan ng bata man o matanda. Mas madalas nga lang itong nararanasan ng mga bata dahil sa hindi pa ganap na nag-dedevelop ang kanilang sweat glands.
Ang bungang araw ay maaring tumubo o lumabas sa kahit anong parte ng katawan. Pero mas madalas itong makikita sa leeg, balikat, singit, dibdib at ating likuran.
Mga uri ng bungang arawAyon sa Mayo Clinic, ang bungang araw ay may tatlong uri. At ang bawat isa ay natutukoy base sa kanilang ipinapakitang sintomas
Ang unang uri ay tinatawag na miliaria crystallina. Ito ang itinuturing na pinaka-mild na uri ng bungang araw. Ang naapektuhan lang nito ay ang sweat ducts sa pinaka-itaas na layer ng balat.
Ito ay matutukoy sa pamamagitan ng mga mapuputing butlig na mayroong pawis sa loob nito. Ang uri ng bungang araw na ito ay karaniwang hindi makati o mahapdi. Mas madalas na umaapekto o nararanasan ito ng mga sanggol.
Miliana rubra naman ang pangalawang uri ng bunganga araw na madalas na nararanasan ng mga bata at matanda. Naapektuhan nito ang ilalim ng balat.
Kaya naman ito ay madalas na makati o mahapdi. At maaring mamaga at magkaroon ng nana na tinatawag na miliaria pustulosa.
Ang ikatlong uri naman ay tinatawag na miliaria profunda na nakakaapekto sa dermis o pinakamalalim na layer ng balat. Bibihirang nararanasan ang uri ng bungang araw na ito. Ito’y nagdudulot din ng malalaki at mapupulang pantal sa balat.
Image from WebMD
Samantala, ayon naman sa health website na Healthline, ang mainit na panahon ang isa sa mga nag-tritrigger ng pagkakaroon ng bungang araw sa ating katawan.
Sapagkat sa tuwing mainit ang panahon, ang ating balat ay mas nagpapawis at naiinitan. Ang resulta nito ay nagbabara ang ating sweat ducts o daanan ng pawis. Hanggang sa ang pawis ay maiipon at magiging bungang araw.
Maliban sa mainit na panahon, ang pagsusuot ng mainit na kasuotan at matagal na pagkakahiga ay maari ring magdulot ng bungang araw sa ating katawan.
Bungang araw sa mga sanggolSamantala, pagdating sa mga nabanggit na dahilan, ay narito ang ilang pang rason kung bakit sila mas prone sa bungang araw.
Sila ay may little control sa kanilang kapaligiran at hindi pa nila kayang alisin ang extra clothing o damit sa oras na sila ay naiinitan. Ganoon rin ang umalis sa isang lugar na mainit o maalinsangan. Hindi pa ganap na develop ang katawan nila at nahihirapan pa itong mag-regulate ng kanilang temperatura. Mas marami rin silang skin folds o nakatuping bahagi ng balat na maaring pagsisikan ng init at pawis ng kanilang katawan.Kung ang isang sanggol ay may bungang araw, narito ang mga sintomas na mapapansin sa kaniyang balat.
Rashes na kulay pula Maliliit na blisters o paltos sa malaking bahagi ng balat. Mainit na balat. BASAHIN:Skin rashes, bagong sintomas ng COVID-19 ayon sa pag-aaral
ALAMIN: Common skin rashes sa baby at bata tuwing mainit ang panahon
6 paraan para mawala ang pangangati ng balat ng bata
Gamot sa bungang arawAng bungang araw ay kusa namang nawawala. Bagamat may mga paraan rin na maaring gawin upang maginhawaan sa sintomas na idinudulot nito. Ayon sa mga eksperto, narito ang mga natural na gamot sa bungang araw na maari ninyong gawin o makita sa loob lang ng inyong bahay.
Image from Surviving Mesothelioma
Mga paraang maaring gawin Pag-aapply ng cold compress sa balat gamit ang ice pack o malamig na towel. Sa pamamagitan nito ay maiibsan ang pamumula, pangangati at pamamaga ng balat. Paliligo sa malamig na tubig o shower. Makakatulong ang paggamit ng gentle exfoliant sa paliligo upang mabuksan ang nagbabarang pores ng balat. Gumamit ng electric fan o air conditioner sa bahay upang maibsan ang maalinsangan na pakiramdam. Mag-suot ng maluluwag na kasuotan. Gumamit ng powder sa bungang araw o tinatawag na prickly heat powder. Kung walang prickly heat powder, gumamit ng baby powder o baking soda. Payo ni Dr. Willie Ong, para maibsan ang nararamdamang kati dulot ng bungang araw ay maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Saka magsawsaw ng tuwalya sa pinaghalong solution at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto. Pag-aapply ng aloe vera sa balat na may bungang araw. Ito ay may inflammatory properties na nakakatulong na malunasan ang iritadong balat. Pag-apply ng calamine lotion sa apektadong parte ng katawan upang ito ay maginhawaan at maibsan ang pangangati. Para naman sa mga sanggol, makakatulong rin ang mga sumusunod na hakbang para malunasan ang discomfort na dulot ng bungang araw. Ilipat sila sa mas cool o malamig na bahagi ng bahay sa oras na may mag-labasang rashes sa balat nila. Siguraduhing cool at dry ang kanilang balat. Punasan ng towel o hugasan ng cool water ang apektadong balat ng sanggol. Siguraduhing maayos itong patutuyuin. Regular ring linisan ang mga skin folds ng sanggol para masigurong walang naiipon ditong pawis na nakakapagpalala pa ng rashes sa kaniyang balat. Kung mainit ay hayaan na munang nakahubad ang sanggol. Siguraduhing well-hydrated si baby. Padedein siya kung nais niya. Kung maari naman siyang uminom na ng tubig ay painumin siya lagi nito. Huwag basta gumamit ng rash creams kay baby kung hindi inirerekumenda ng doktor. Mga mabibiling gamotPara naman sa malalaking bata at sayo, may mga gamot sa bungang araw ang maaring mabili sa botika o drugstore na malapit sa inyo.
Tulad ng over-the-counter antihistamine na hydroxyzine at diphenhydramine para maibsan ang pangangati. Mas mabuti lang na inumin ito sa gabi dahil sa ito ay maaring magdulot ng pagkaantok.
Maari ring mag-apply ng hydrocortisone cream sa balat 1-2 beses sa isang araw. Makakatulong rin ito upang maibsan ang pangangati sa balat. Isa ito na inirerekumendang gamot para sa rashes ng mga sanggol at bata.
Paano ito maiiwasan?Image from Freepik
Samantala, upang maiwasang magkaroon nito sa iyong balat ay narito ang mga bagay na dapat tandaan:
Huwag magtagal sa maiinit na lugar kung maari. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na damit lalo na kung ito ay gawa sa telang makapal at mainit sa katawan tulad ng polyester. Huwag maglalagay ng malapot na lotion o oil sa iyong balat sa tuwing mainit ang panahon. Maligo araw-araw upang mapreskuhan.Sa oras naman na makitang ang rashes sa katawan ay nag-nanana at nagdudulot ng lagnat sa taong may taglay nito ay oras na upang hingin ang payo ng doktor. Dahil maaring ito ay palatandaan na ng impeksyon sa balat na dapat agad ng malunasan.
Mayo Clinic, NHS, Healthline, Medical News Today, Dr.Willie Ong Official
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.