Nakakaranas ng binat symptoms matapos manganak? Narito ang sinasabing mahalagang bagay na dapat mong gawin ayon sa mga doktor.
Mababasa sa artikulong ito:
Binat symptoms matapos manganak Sanhi ng binat Paano ito maiiwasan? Paalala sa mga babae Binat symptoms matapos manganakTayong mga Pilipino ay maraming paniniwala at pamahiin. Marami nga sa mga ito’y iniiuugnay sa pagbubuntis at pangaganak ng isang babae.
Partikular na sa tinatawag na binat matapos manganak na sinasabing maaaring makamatay o kaya naman ay maging dahilan upang mawala sa kaniyang sarili at tuluyang mabaliw ang isang bagong panganak na babae.
Paliwanag ng Obstetrician-Gynecologist o OB-Gyne na si Dr. Jennifer Francisco, walang masamang maniwala sa mga paniniwala ng mga matatanda. Subalit sa medikal na larangan, ang binat symptoms na nararanasan ng isang bagong panganak na ina’y hindi lang basta binat kung hindi palatandaan ng pagkakaroon ng problema o komplikasyon sa naging panganganak niya. Pahayag ni Dr. Francisco,
“Binat it is a series of signs and symptoms wherein our elderlies would associate these symptoms to a problem related right after giving birth.”Ganito rin ang pahayag ng isa pang OB-Gynecologist na si Dr. Kristen Cruz-Canlas. Ayon kay Dr. Canlas, ang puerperium o postpartum period ay ang panahon na kung saan nag-rerecover mula sa panganganak ang isang babae.
Ito rin ang panahon na kung saan sinasabing mas prone siyang makaranas ng pinaniniwalaang binat symptoms na hindi lang basta binat ngunit epekto ng kaniyang naging panganganak.
Ilan nga sa sinabi niyang binat symptoms na nararanasan ng mga babae ay ang pananakit ng ulo, lagnat, labis na pagdurugo, pakiramdam ng pagkaginaw. Mayroon namang itong medikal na paliwanag kung bakit nararanasan.
Bakit ito nararanasan ng bagong panganak na babae?Image by samuel Lee from Pixabay
Tulad ng lagnat na posibleng palatandaan na nakakaranas na ng impeksyon ang isang babaeng bagong panganak na hindi dapat binabalewala.
Ang pakiramdam ng pagkaginaw na normal na nararanasan ng ating katawan kapag tayo ay nawalan ng maraming dugo tulad ng nangyayari pagkatapos natin manganak. Paliwanag pa ni Dr. Francisco,
“Fever is sign that the infection is already in the blood. Fever may be cause ng sugat. Pwede ring na-dehydrate siya o hindi nakakain ng mabuti. It really varies from a very mild problem into a severe one.” “When we gave birth, we actually loose blood. There’s a normal amount of blood wherein we lose during childbirth. And the circulation of blood will actually keep also our thermal regulation. Kapag nag-lose tayo ng blood mas madali tayong lamigin.”Babala ni Dr. Francisco, ang binat symptoms na ito ay hindi dapat isinasawalang bahala. Lalo na ang labis na pagdurugo na maaaring pagsimulan pa ng dagdag na komplikasyon.
Ganoon din ang nararanasang anxieties o depression matapos manganak. Tulad ng nakakaramdam na ng labis na kalungkutan ang isang ina at naiisipan niya ng saktan ang sarili o baby niya.
Ang mga ito kasi ay posibleng sintomas na ng postpartum depression na dapat ay mabigyan agad ng pansin ng isang espesyalista.
Paano ito maiiwasan?Payo ni Dr. Francisco, pagdating sa mga nararamdamang binat symptoms sa ating katawan matapos manganak, ang pangunahing paraan upang maiwasan ito’y ang tamang pag-aalaga ng isang babae sa kaniyang katawan at sarili na nagsisimula sa kaniyang pagbubuntis pa lamang.
BASAHIN:6 na nangyayari sa vagina after manganak
Postpartum Hyperthyroidism: Kondisyon pagkatapos manganak na may pagkakapareho sa anxiety
Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?
Food photo created by freepic.diller – www.freepik.com
“Mag-uumpisa sa good prenatal care kasi kung walang komplikasyon ‘yong pagbubuntis right after pregnancy mas lesser ‘yong complications. After the pregnancy, alagaan nila ‘yong sarili nila.”Magagawa umano ang pangangalaga na ito ayon kay Dr. Francisco sa pamamagitan ng pagiging malinis sa katawan. Partikular na sa kanilang sugat o vaginal area na maaaring ma-infect kung mapabayaan.
Kailangan ding umanong kumain ng mga masusustansiyang pagkain at magkaroon ng sapat na pahinga na kailangan ng katawan ng babaeng bagong panganak upang mas mabilis na maka-recover.
Payo naman ni Dr. Canlas, dapat ding panatilihing well-hydrated ang katawan ng bagong panganak na babae. Dapat ding i-monitor ang blood pressure at blood sugar ng mga bagong silang na ina.
Lalo na ang may history ng gestational diabetes at preeclampsia noong sila ay nagbubuntis. Higit sa lahat, tulad pa rin ng sinabi ni Dr. Francisco, kailangan nilang magkaroon ng sapat na tulog.
Sapagkat ayon kay Dr. Canlas, isa ito sa dahilan kung bakit nakakaranas ng postpartum illnesses ang isang babae.
Paalala sa mga bagong panganak na babaeDagdag naman ni Dr. Francisco, wala umanong masama na maniwala sa mga pamahiin ng matatanda. Pero payo niya hindi dapat isinasawang bahala ang mga nararamdamang binat symptoms matapos manganak. Dahil kung mapabayaan ay maaaring lumala ito at hindi na maagapan pa. Paalala ni Dr. Francisco sa mga babae,
“Lagi ko sinasabi sa patients ko, you follow what the elderlies would say. the only thing that I want you to do is to make sure that you are clean, you are well-nourished. And if there are symptoms that you feel very suspicious of and you feel you need the attention of a doctor, don’t hesitate to bring yourself to a doctor or to the ER.” “They need to be vigilant sa mga symptoms. Hindi ‘yong ‘pag nilagnat ka pababayaan mo lang at sasabihing nabinat lang ‘yan. Kahit gaano kasimple ang symptoms na nararamdaman hindi dapat pinapabayaan. Hindi i-seset aside lang dahil sa binat.”Woman photo created by tirachardz – www.freepik.com
Mahalaga rin umanong ang tulong ng pamilya at kaibigan ng babaeng bagong panganak para maiwasan ang binat symptoms na maari niyang maranasan. Partikular na sa postpartum depression na maaring maiwasan sa pamamagitan ng support na ibinibigay nila.
Pahayag ni Dr. Francisco,
“Very little ang nabaliw sa panganaganak and it varies. Mayroong makakaramdam niyan once a week pero with the support of families and friends e nawawala. ‘Yon actually ang key dun.”Kaya naman tandaan mommies, hindi dapat ipagsawalang bahala kung may mga nararamdam ka after manganak. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng postpartum check up, at kung ikaw ang nahihirapan o may mga nararamdaman huwag na huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong asawa o kaya naman iba pang kamag-anak.