Ikaw ba ay laging nahihilo, inaantok at naninibago sa iyong nararamdaman? Para mas mapalagay ang loob mo, alamin na kung parte ito ng sintomas ng pagiging buntis.
Mababasa sa artikulong ito:
Gaano kaaga pwedeng malaman kung buntis gamit ang pregnancy test? Mga sintomas ng buntis na pwede mong bantayan Bakit nagiging sumpungin kapag buntis?Kahit ang pinakapasensyosang babaeng kilala mo ay naiinip na malaman kung buntis ba siya o hindi. Kadalasan kasi, kailangan mo pang maghintay ng ilang linggo para makumpirma kung nagdadalangtao ka nga.
Sa loob ng panahon na iyon, ang dami mong maaring maisip at maramdaman para akalain na buntis ka na. Pero maaaring senyales lang pala ito na paparating na ang iyong iyong period.
Kailan dapat mag-take ng pregnancy test?Isa sa mga pinakamadaling paraan para malaman kung buntis ang isang tao ay ang pagsasailalim sa isang home pregnancy kit o pregnancy test.
Sa isang pregnancy test, isinusuri ang iyong ihi kung mayroong itong hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin (HCG). Magkakaroon ka lang nito sa iyong sistema kung buntis ka.
Ayon sa Healthline, mas maiging maghintay ng isang linggo pagkatapos mong hindi datnan ng regla bago ka mag-pregnancy test. Para makasiguro na tama ang magiging resulta nito.
Para sa ibang tao, napakahirap maghintay ng isa o dalawang linggo para malaman kung buntis siya. Inaasahan man niya ito o hindi.
Buti na lang, mayroon mga senyales na ibinibigay ang ating sariling katawan bilang paghahanda sa pagbubuntis. Narito ang ilang sintomas ng buntis na pwede mong bantayan:
Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan 1. Pagiging mas sensitibo ng nipplesMaraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ng kanilang utong o nipples dahil sa pagtaas ng kanilang mga hormones na estrogen at progesterone.
Sa mga unang linggo ng pagbubuntis, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng mas maraming fat at milk ducts. Dahilan para lumaki ito at nagiging mas sensitibo. Mapapansin mo rin na nangingitim ang iyong areolas kaysa sa dating kulay nito.
Ayon sa paglalarawan ng isang ina, tila “razor blades against the nipples” ang pakiramdam. Kaya kung ganito ang nararamdaman mo, baka buntis ka nga.
Sintomas ng buntis. | Larawan mula sa iStock
2. Implantation bleedingKapag ang blastocyst ay nakarating na sa iyong uterus, maari kang makaranas ng pagdurugo. Ito’y tinatawag na ‘spotting’ at karaniwang nararanasan ng mga buntis sa unang trimester.
Kadalasan, napagkakamalan ng ibang babae na ito ang simula ng kanilang regla. Pero mas mahina ang daloy ng dugo kapag spotting at hindi nagtatagal ng ilang araw ‘di tulad ng monthly period.
Pero huwag mabahala. Ayon sa The Royal Women’s Hospital sa Melbourne, “One in four women will bleed in early pregnancy, many of whom go on to have a healthy baby.”
Pinapayuhan ang mga babae na nakakaranas ng pagdurugo sa unang buwan ng pagbubuntis na magpatingin agad sa isang OB-gynecologist para malaman agad ang sanhi nito.
3. Pananakit ng pusonBahagi ng monthly period ng kababaihan ang pananakit ng puson. Pero maari rin itong maging sintomas na ikaw ay buntis.
May mga babaeng nakakaranas ng pagsakit ng kanilang puson sa unang linggo ng pagbubuntis. Ito ay maaring dulot ng implantation, paglaki ng uterus, o pagkakaroon ng corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone, hanggang sa mapalitan ito ng placenta sa ika-12 linggo.
Inabisuhan ng Royal Women’s Hospital ang mga pasyente na pumunta agad sa ospital kapag nakaranas ng matinding pagdurugo na nakakapuno ng dalawang napki pads sa loob ng dalawang oras, pamumuo ng dugo o blood clot (kasing laki na ng golf ball) at matinding pananakit ng tiyan o balikat. Maari rin itong samahan ng lagnat, pagkahilo, pagkawala ng malay at kakaibang amoy mula sa ari.
4. Labis na pagod at nagiging antukinKwento ng maraming kababaihan, napapansin nilang buntis sila kapag madalas silang inaantok at nakakatulog ng bandang alas-3 ng hapon.
Kung mahilig kang magpuyat sa gabi, maaring ito ang salarin. Subalit kung mayroon ka namang sapat na pahinga pero inaantok ka pa rin bago maghapunan. Pwede ngang sintomas ito na buntis ka.
Payo ng NSW Health sa mga babaeng nagdadalangtao, ugaliing matulog nang nakatagilid para maiwasan ang posibilidad ng stillbirth.
Larawan mula sa iStock
5. NauseaHindi mawawala sa listahan ito ang morning sickness. Ito ang nararanasan ng mga kababaihan sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Kung saan nakakaramdam sila ng panghihina at pangangasim sa ng tiyan. O kaya naman matinding pagsusuka.
Pwede itong mangyari anumang oras pero mas matindi ang sintomas na ito sa umaga, kung kailan walang laman ang tiyan, kaya ito tinawag na morning sickness.
Para mabawasan ang epekto ng morning sickness, makakatulong ang pagkain ng kaunti (kahit crackers lang) sa umaga para mapalagay ang iyong tiyan.
6. Madalas na pag-ihi sa gabiKapag ikaw ay nasa huling parte na ng iyong pagbubuntis, ang sanggol sa iyong tiyan ay nagbibigay ng pressure sa iyong pantog na nagiging dahilan para maihi ka ng madalas. Ngunit alam mo bang ito ay pwede ring ituring na maagang palatandaan ng pagdadalangtao?
Sa simula pa lang ng pagbubuntis, nagbibigay na ng lugar ang katawan para sa maliit na taong titira at lalaki rito. Kabilang rin rito ang paggawa ng ating hormones ng mas maraming blood flow, na nagreresulta sa madalas na pag-ihi.
BASAHIN:Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?
Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak.”
Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?
7. ConstipationNahihirapan ka bang maglabas ng dumi kaysa dati?
Habang nagbubuntis, ang ating katawan ay gumagawa ng mas maraming progesterone, isang hormone na nagpapabagal ng ating bowel movement.
Isa pang maaring dahilan ng constipation ay ang iron na isang mahalagang bitamina na kadalasang ibinibigay sa mga buntis.
Ang pag-inom ng maraming tubig at pagdagdag ng mga pagkaing mayaman sa fiber sa iyong diet ay makakatulong labanan ang sintomas na ito.
Kapag nagpatuloy pa rin ang constipation, itanong sa iyong doktor kung maari ka niyang resetahan ng laxative o gamot na makakatulong sa iyong pagdumi.
8. Pagbabago ng panlasaMay mga pagkain ba na gustung-gusto mo dati pero ayaw mo nang kainin ngayon? Maraming kababaihan ang nakapansin na nagbago ang kanilang panlasa nang sila ay mabuntis.
Minsan, nakakatikim sila ng lasang metal sa kanilang bibig o kaya naman dumami ang kanilang laway. Kasama rin dito ang pagdurugo ng kanilang gilagid kapag nagsisipilyo.
Kaya naman kung napansin mo na ayaw mo na ng lasa ng tsokolate samantalang paborito mo ito dati, o kaya ayaw mo na ng amoy ng kape, baka ibig-sabihin nito ay magiging nanay ka na!
Sintomas ng buntis. | Larawan mula sa iStock
9. PagkahiloBahagi rin ng morning sickness ang pagkahilo at pananakit ng ulo. Pero kahit hindi ka nasusuka pero madalas kang mahilo, maari pa rin itong maging senyales ng pagbubuntis.
Posibleng may kinalaman ang sintomas na ito sa pagtaas ng iyong blood supply at mga pagbabago sa circulatory system. Pwede rin namang dahil sa pagbaba ng iyong blood sugar dala ng pagbubuntis.
Makakatulong ang pagkain ng madalas (pero hindi marami) at pagsusuot ng mas maluluwag na damit para mabawasan ang pagkahilo. Kapag nakaramdam ka ng pagkabalisa o parang umiikot ang iyong paligid, mahiga ka muna o maupo at ilagay ang ulo sa pagitan ng iyong mga mga binti.
10. Mood swingsMaraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa mga unang araw ng kanilang pagbubuntis.
Bakit nga ba nagiging emosyonal ang babae kapag buntis? Narito ang ilang dahilan:
Kapag nabubuntis, gumagawa ang katawan ng mas maraming estrogen (hormone na may kinalaman sa nerbyos, pagiging iritable o emosyonal) at progesterone (hormone na nagdudulot nang pakiramdam na pagod, katamaran at kalungkutan) na maaring dahilan ng mood swings. May mga pagbabago sa iyong katawan na nakakaapekto sa iyong tulog at pahinga, kabilang na rito ang hirap na dala ng morning sickness, kaya naman mas madali kang maging emosyonal o iritable. Para sa mga bagong nanay, maari silang makaramdam ng kaba at pag-aalala kapag iniisip nila ang panganganak at pag-aalaga sa kanilang baby.Ang ilan sa mga sintomas ng buntis na nabanggit ay maaring maging normal lang para sa mga ibang kababaihan, pero kung nakakaramdam ka ng mahigit isa sa mga ito, panahon na para bumili ka ng pregnancy kit o kumonsulta sa iyong OB-gynecologist.
This article was first published on KidSpot and translated from theAsianparent Singapore with permission.
Additional sources:
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.