Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

May ‘screen dependency disorder’ na ba ang anak mo?

$
0
0

Mga mommy at daddy, lagi na lang ba nakatutok ang anak ninyo sa smartphones? Siyempre, ang phone at tablet ay nakakatulong para aliwan—at panatilihing tahimik!—si chikiting. Pero alam niyo ba na kapag sumobra ay maaaring magkaroon na ng screen dependency disorder.

Ano nga ba ang screen dependency disorder?

Ayon sa research, ang screen dependency disorder (SDD) ay isang disorder na maaaring magdulot ng insomnia, backaches, pagdagdag o pagbawas ng timbang, problema sa mata, at sakit ng ulo. Maaari din itong maging sanhi ng poor nutrition. 

Ani Dr. Aric Sigman, isa sa mga sumulat ng research paper, “Associations are emerging between screen dependency disorders (SDD) such as Internet Addiction Disorder and specific neurogenetic polymorphisms, abnormal neural tissue and neural function.”

screen dependency disorder

Ang mga bata ngayon ay labis na talagang dependent sa gadgets. Pero maaaring iwasan ang screen dependency disorder! Disiplina lang talaga. (image: freemaxpixel)

Dagdag pa niya, “It is possible that intensive routine exposure to certain screen activities during critical stages of neural development may alter gene expression resulting in structural, synaptic and functional changes in the developing brain.”

Ang ibig sabihin nito ay maaaring maapektuhan ang pangmatagalan na pagfunction ng utak ng mga bata dahil nasa edad sila kung saan nadedevelop ang kanilang brain function. Maging brain damage ay posible din daw. 

Ang screen dependency disorder (SDD) ay inihahalantulad sa mga ibang bisyo o addiction kaya nakakabahala talaga ito. Wala namang magulang na magnanais na ma-adik ang anak nila sa anumang bagay na makakasama sa kanila.

Kaya mga mommy at daddy, kailangan talaga maging aware kayo kung gaano nga ba katagal ang screen time ng anak niyo araw-araw. Sakto lang ba o sumusobra na?

Ang pagiging dependent nila sa smartphones o gadgets para lamang di sila mainip ay mayroon palang masamang epekto sa paglaki nila.

Mga importantent tips tungkol sa screen time ng inyong anak:

Narito ang mga importanteng bagay na dapat tandaan pagdating sa screen time ng inyong anak para maiwasan ang screen dependency disorder: 

  1. Huwag hayaang mgaing sobrang dependent sila sa screentime para lang hindi sila mainip. I-encourage sila na maglaro sa labas o gamit ang mga tunay na laruan.
  2. Ang mga baby edad 18 months pababa ay hindi dapat pinapagamit ng smartphone o kahit anumang gadgets. 
  3. Siguraduhing pumili ng high-quality na palabas sa TV para sa iyong anak. Tabihan sila lagi kapag nanonood ng mga video, lalo na kapag online sila.
  4. Limitahan ang screen time ng iyong anak. Huwag sosobra sa isa o dalawang oras kapag ang anak mo ay mahigit dalawang taong gulang na. 

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Alwyn Batara

The post May ‘screen dependency disorder’ na ba ang anak mo? appeared first on theAsianparent.com Philippines | Modern Filipino parenting from a cultural and global perspective.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>