Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Week 4 ng pagbubuntis, mga senyales at dapat mong malaman

$
0
0

Mga mommies, ito ang inyong guide sa week 4 ng pagbubuntis! Alamin kung ano ang nangyayari sa development ni baby sa loob ng iyong tummy at iba pang mahahalagang impormasyon.

Mababasa sa artikulong ito:

Development ni baby sa 4 weeks Laki ni baby sa loob ng sinapupunan kapag sumapit ang ika-4 linggo Mga kailangan malaman ni mommy sa week 4 ng kaniyang pagbubuntis Week 4 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?

Sa week 4 ng pagbubuntis nagsisimula ang tinatawag na “embryonic period” ng iyong sanggol, kahit na sobrang liit pa nito.

Development ng iyong sanggol Sa ika-apat na linggo ng iyong pagbubuntis, buo na ang amniotic sac o kung saan mabubuo ang iyong sanggol. Mayroon na ring tinatawag na yolk sac kung saan mabubuo ang magiging red blood cells ng iyong sanggol. Ito rin ang responsable para sa pagbibigay ng mga nutrisyon para sa iyong lumalaking baby sa loob ng iyong sinapupunan. Dito rin magsisimulang mabuo ang mga organs ng iyong sanggol. Kaya’t mahalagang alagaan ang iyong kalusugan upang masiguradong malusog ang iyong sanggol. Maaari mo rin makita sa ultrasound ang gestational sac kapag halfway ka na sa iyong week 4 ng pagbubuntis. Sa stage na rin na ito ay mayroon nang dalawang layer ang embryo, ang epiblast at hypoblast. Kalaunan magde-develop ito sa lahat ng body parts at system ng iyong sanggol. Ang placenta at embryo ay unti-unti nagpo-form. Mga pagbabago sa katawan

Dahil bago pa lang ang iyong baby sa iyong uterine lining, hindi pa gaanong magkakaroon ng mga pagbabago sa iyong katawan. Nagsisimula pa lamang ang mga pagbabago sa iyong katawan hanggang sa makarating ng 36 weeks.

Ang pinakamaagang pagbabago sa iyong katawan na iyong mararanasan ay ang hindi pagkakaroon ng menstrual period. Ipinahihiwatig nito na ang iyong progesterone levels ay pinapalitan ang iyong hormonal balance upang masuportahan ang iyong pagbubuntis.

Habang nagde-develop ang iyong baby, ang iyong katawan ay gagawa ng mas madaming human chorionic gonadotropin (Hcg). Ito ay makikita agad sa iyong dugo 7-11 days matapos ang conception. Nagmumula ito sa cells at angiging placenta.

Sintomas ng pagbubuntis Kapag kumuha ka ng pregnancy test sa panahong ito’y makakasigurado ka na sa resulta ng test. Pero hindi pa rin 100% na accurate ang pregnancy test para sa lahat ng babae, dahil masyado pa ring maaga. Makakaranas ka ng morning sickness sa panahong ito, kaya’t mabuting paghandaan mo na ito ngayon pa lang. Magkakaroon ka rin ng kaunting bloating, dahil nagsisimula nang kumalat sa katawan mo ang progersterone, na tinatawag ring “pregnancy hormone.” Posible ring magkaroon ka ng spotting o pagdurugo kahit wala kang period. Tinatawag itong implantation bleeding, at nangyayari ito kapag kumabit na ang fetus sa loob ng iyong uterus. Posible ring magsimula na ang pagkakaroon ng mood swings dahil sa hormones. Makakaranas ka rin ng mga PMS-like symptoms. Katulad ng pagkahilo o pananakit ng ulo, pagsusuka, pag-crave sa pagkain o walang ganang kumain, pagiging iritable, pananakit ng puson. Home remedies para sa early pregnancy symptoms

Narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring makatulong sa iyong early pregnancy symptoms.

Upang guminhawa ang pananakit ng suso, gumamit ng supportive bra sa araw pati na rin sa pagtulog kung nakakatulong ito. Kung ikaw ay inaantok, maaaring umidlip sa hapon. Nakakapagpalakas din ng enerhiya ang pag-eehersisyo. Bawasan ang pag-inom ng tubig kung sa tingin mo ay lagi kang nabalik sa banyo para umihi. Pero uminom pa ring tubig dahil kailangan ito ng iyong katawan. Ang pagduduwal at pagsusuka ay hindi pa nangyayari ng ganito kaaga pero kung sakaling nakaranas na nito, subukan kumain ng kaunti ngunit madalas, at iwasan ang pagkain na maaaring magdulot ng pagkaduwal. Maraming kababaihan ay nagiginhawaan kapag kumakain ng pagkaing mataas sa carbohydrates at tart foods.

Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Development at paglaki ni baby sa kaniyang ika-12 buwan

STUDY: Mainit na panahon, mayroong epekto sa pagbubuntis

7 Best pregnancy pillows na makakatulong sa iyong pagbubuntis at maari mong bilhin online

Pag-aalaga sa iyong sarili Kapag sigurado ka na ikaw ay nagbubuntis, mabuting tumigil ka na sa pag-inom ng alak pati na ng paninigarilyo, at pagbe-vape dahil makakasama ito sa iyong anak. Iwasan din ang pagsama sa mga taong naninigarilyo o nagbe-vape dahil baka mapasahan ka nito ng second hand smoke na makakasama sa iyong baby at maaaring magdulot ng miscarriage o pagkalaglag ng iyong baby sa iyong sinapupunan. Umiwas sa soft boiled na itlog, pati undercooked na pagkain dahil posible itong magdulot ng salmonella infection. Mabuti ring umiwas sa isdang mataas ang mercury content, tulad ng tuna, swordfish, king mackerel, at pating. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain na makakatulong para sa iyong pagbubuntis. Lalo na ang mga pagkain o inumin may vitamin D katulad na lamang ng gatas. Makukuha rin ang vitamin D, mula sa araw. Hindi rin masama ang pagkain ng mga healthy fats food. Katulad na lamang ng omega-3 fatty acid na makakatulong sa pag-develop ng brain ng iyong baby. Ugaliin ang paglaging pagpapa-check up sa iyong doktor upang matignan ang development ng iyong baby at iyong pagbubuntis. Kung sakaling may komplikasyon masusulusyunan ito agad.

Larawan mula sa iStock

Checklist sa pagbubuntis Matapos mong ma-confirm na buntis ka nga, mabuting mag-schedule na ng appointment sa iyong gynecologist upang matulungan ka nila sa kalusugan ng iyong pagbubuntis. Ilista lahat ng gamot na iyong kasalukuyang iniinom at ikonsulta ito sa doktor upang malaman mo kung safe ba ito inumin. Maging maingat sa iyong mga kinakain, at ugaliing uminom ng prenatal vitamins. Healthy foods na mainam kainin ng buntis

Kailangan kumain ng well-balanced at masusustansyang pagkain na mayaman sa carbohydrates, proteins, vitamins, minerals, fluids, at fiber. Maaaring idagdag ang mga sumusunod na pagkain sa iyong diet upang masigurado ang pagiging malusog ng iyong katawan at ni baby.

Gulay tulad ng spinach at broccoli na mayaman sa folic acid at iron Makulay na prutas tulad ng avocado, saging, mansanas, peras, cherries, ubas, at pakwan, at mga gulay na peas, kamatis, bell peppers, asparagus, at sweet potatoes. Citrus fruits tulad ng grapefruits, orange, at sweet lime, na mayaman din sa folic acid Well-cooked lean meats at itlog Seafood na may mababang level ng mercury tulad ng shrimp, lobster, salmon, catfish, at canned light tuna. Pasteurized dairy products tulad ng keso, yogurt, at low-fat milk Whole grains tulad ng wheat, oats, barley, corn, millet, at rice Maraming tubig at iba pang fluids para sa hydration Prenatal vitamins at supplements Kailan dapat tumawag sa doktor

Wala namang kailangang ipag-alala, kailangan pa rin tandaan na mataas ang tyansa ng miscarriage o pagkalaglag sa mga unang linggo ng pagbubuntis.

Sa estimasyon ng mga mananaliksik, tinatayang nasa 20% ng pagbubuntis ay nauuwi sa pagkalaglag. Kadalasan nangyayari ito sa panahon na dadating din ang menstrual period ng isang babae.

Sa ika-apat na linggo, ang misacarriage ay tinatawag na chemical pregnancy dahil ang embryo ay hindi nakikita sa ultrasound, at ang pagbubuntisay nadedetect lamang sa blood and uterine testing.

Ang mga senyales ng miscarriage ay kinabibilangan ng cramping, spotting at heavy bleeding. Huwag matakot kung sakaling nakaranas ng mga sintomas dahil hindi lahat ng pagdurugo ay nangangahulugan ng miscarriage.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Alwyn Batara

Updates by Shena Macapañas

Additional source:

MedicineNet, Healthline


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>