Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5204

Safe ba ang kape sa buntis? Ito ang sagot ng experts

$
0
0

Bilang isang first-time expecting mom, marami tayong tanong sa ating isip kung anu-ano ang mga dapat at hindi dapat sa pagbubuntis. Katulad na lamang ng safe ba ang kape sa buntis? Pwede bang magpa-rebond? At kung anu-ano pa.

Mababasa sa artikulong ito:

Safe ba ang kape sa buntis? Ilang baso ng kape ang safe na inumin sa pagbubuntis? 5 alternatibong inumin ng mga buntis laban sa kape

Ngunit alam niyo ba na ang pag-inom ng caffeinated drinks ang pinaka karaniwang hinahanap ng tao sa Google? Kung isa sa kanila, narito na ang iyong kasagutan!

Ayon sa bagong pag-aaral, maaari namang uminom ng kape ang buntis pero in moderation dapat. Ngunit bukod dito, ang pag-inom ng kape o iba pang caffeinated drinks ay maaaring magkaroon ng epekto sa baby.

Dagdag pa rito, ang mga buntis na umiinom ng kalahating baso ng kape araw-araw ay maaaring magkaroon ng maliit na baby paglabas.

Safe ba ang kape sa buntis? | Photo by Fallon Michael on Unsplash

Safe ba ang kape sa buntis?

Napagalaman ng pag-aaral na ang mga nanay na umiinom ng 200 milligrams ng caffeine sa isang araw (dalawang baso) ay nagkaroon ng anak na maliit.

Mga babaeng hindi uminom ng kape: Ayon sa pag-aaral, ang mga nanay na hindi umiinom o mayroong kaunting lebel ng caffeine sa katawan ay mayroong anak na mas mabigat. Ang timbang nila ay 84 grams kapag pinanganak at 0.44 centimetres ang haba. Habang ang head circumference ay 0.28. Mga babaeng uminom ng kape: Ang mga buntis naman na umiinom ng 50 milligrams ng caffeine sa isang araw ay napagalaman na ang kanilang baby ay may timbang na 66 grams. Habang ang thigh circumference nila ay 0.32.

Paalala ng pag-aaral, ang pag-inom ng kape ng mga buntis ay kinakailangang limitahan o bawasan. Ito ay dahil ang maliit na sukat kapag ipinanganak ang isang sanggol ay maaaring magdala ng risk sa kanila. Pasok dito ang obesity, diabetes at sakit sa puso.

BASAHIN:

#AskDok: Mga drinks na dapat at bawal inumin ng buntis

STUDY: Ito ang epekto ng kape sa ugali ng ipinagbubuntis na baby

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child

Bilang parte ng pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang 2,000 na kababaihan mula sa 12 na clinic. Sila ay nasa 8-13 weeks ng pagbubuntis. Ang blood sample na kinuha mula sa 10-13 weeks ng kanilang pagbubuntis ay pinag-aralan ng mabuti para sa caffeine at paraxanthine.

Paano nga ba limitahan ang pag-inom ng kape?

Ilang baso ng kape ang safe na inumin sa pagbubuntis?

Marami naman ang benepisyong dala ang kape ngunit ibang usapan kapag ito ay ininom habang buntis. Nirerekomenda ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) sa mga buntis na limitahan ang kanilang pag-inom ng kape ng hindi hihigit sa 200 mg.

Ito ay katumbas ng 1 to 2 tasa ng kape (240–580 ml) o 2 to 4 tasa (240–960 ml) ng tsaa sa isang araw.

Ang mga numero sa taas ay rekomendasyon lamang. Laging magpakonsulta sa iyong gynecologist kung hanggang saan ang caffeine limit mo. Laging tatandaan na ang bawat pagbubuntis ay iba-iba. Halimbawa, safe uminom ng kape ang iyong kaibigan araw-araw. Ngunit ang payo sa iyong ng doktor ay ‘wag munang uminom ng kape habang buntis.

Kung dati pa lang ay hilig mo na ang kape at inabiso ng iyong doktor na ‘wag uminom nito, ‘wag kang malungkot dahil marami pa namang alternatibong inumin na healthy sa’yo. Maaari mong mapanatili ang pagiging hydrated para maiwasan ang constipation, pamamaga at urinary tract infection.

Ano ang epekto ng kape sa baby habang buntis?

Hindi pa rin klaro kung ano ba ang epekto talaga ng kape sa baby sa loob ng sinapupunan. Ayon sa mga eksperto, ang caffeine na matatagpuan sa kape ay nakakapasok papunta sa placenta.

Iniuugnay din ng ilang pag-aaral ang maraming pag-inom ng kape sa pagtaas ng tiyansa ng pregnancy loss at lower birth weights.

Kaya naman sinabi ng mga eksperto na dapat limitahan ng buntis ang pag-inom ng kape sa 200 milligrams o mas kaunti pa roon.

Paano naapektuhan ang buntis sa pag-inom ng kape?

Hindi mo naman mararamdaman ang epekto ng kape, pero sa kabilang banda maaaring may epekto ang caffeince sa iyong pagbubuntis. Kagaya nga ng sinabi kanina.

Mas napapalala kasi ng kape ang pagkakaroon ng heartburn lalo na kapag ikaw ay buntis. Ang ilang kababaihang buntis din ay napapansin na naiiba ang lasa ng kape kapag buntis.

Isa pa sa sinasabi ng mga eksperto, maaaring magkaroon ng impact ang pag-inom ng kape sa ability ng iyong katawan sa pag-absorb ng iron. Ito ay maaaring madulot ng mataas na risk sa pagkakaron ng iron deficiency o kaya naman anemia.

Kaya naman kung ikaw ay buntis na at mayroon kang iron deficiency, mas mainam na huwag munang uminom ng kape sa kabubuaan ng iyong pagbubuntis.

May benepisyo ba ang kape sa buntis?

Sa kabuuan may benepisyo naman talaga ang kape, na-i-improve nito ang energy at alertness natin. Sa ilang pagkakataon may benepisyo naman, ayon sa isang pag-aaral ang pag-inom ng caffeine sa second trimester ay maaari umanong makatulong sa pag-reduce ng gestational diabetes. Kung moderate ang pag-inom nito.

Tandaan mas maganda pa ring kumonsulta sa doktor para makasiguro kung ligtas ba ito para sa ‘yo.

Safe ba ang kape sa buntis? | Photo by Devin Avery on Unsplash

5 alternatibong inumin ng mga buntis laban sa kape

Ang good fluids ay nakakatulong din para mapababa ang tiyansa na magkaroon ng preterm labor at preterm birth. Kaya naman, ano ba ang dapat mong inumin habang buntis?

1. Tubig

Hindi na ito dapat na isipin pa! Uminom ng 8-12 baso ng tubig araw-araw. Sa pagbubuntis, kinakailangan mo ng dobleng tubig sa katawan dahil ito ay makakatulong sa production ng amniotic fluid, dugo at bagong tissue. Naglalaman ito ng nutrients, mapapabuti ang digestion at madaling naaalis ang dumi sa katawan.

Kung ang ihi mo ay walang kulay, isa itong senyales na tama ang iyong pag-inom ng tubig.

2. Coconut water

Magandang alternatibong inumin sa kape ang coconut water para sa mga buntis. Bukod dito, marami itong benepisyong dala.

Napapalakas nito ang resistensya, nilalaban ang dehydration, heartburn, constipation, nililinis ang katawan at marami pang iba. Safe na safe ang natural na bitamina at mineral na dala ng inuming ito para sa mga buntis.

3. Carrot Juice

Ang carrot juice ay labis na masustansya dahil ito ay mayaman sa vitamin C at antioxidants na nakakatulong sa production ng cell. Naglalaman din ito ng potassium, magnesium, calcium, folate, at vitamin A. Lahat ng ito ay mahalaga sa paglaki at development ng fetus.

Ang calcium ay nakakatulong sa pagbuo ng buto ni baby. Habang ang folate naman ay para maiwasan ang anumang birth defects.

Safe ba ang kape sa buntis? | Photo by Rae Wallis on Unsplash

4. Orange juice

Nasubukan mo na ba ang freshly squeezed na orange juice? Maganda itong alternatibong inumin laban sa kape. Mayaman ito sa calcium at potassium na siyang nagpapababa ng tiyansa ng high blood pressure.

Mayroon din itong vitamin C, folate na nakakatulong sa paglaki at development ng baby mo sa tiyan. Mas magandang gumawa ng orange juice sa bahay para maiwasan ang contamination at infection.

5. Lemonade

Itinuturing na “must-have drink” ang lemonade para sa mga buntis. Tamang-tama itong inumin lalo na sa first trimester kung saan maselan ang pagbubuntis. Epektibo itong gamot para sa nausea at morning sickness. Lagyan lamang ng lemon ang iyong tubig o salad dahil mahalaga ito sa heath ni mommy!

Hindi maitatanggi na mayaman sa bitamina, mineral at nutrients ang lemon. Mahalaga ito bilang suporta sa katawan ng buntis at baby.

Tandaan, safe ang mga inumin na nabasa. Subalit laging kumunsulta sa iyong doktor para sa iyong diet plan. In moderation din dapat ang pag-inom o pagkain habang buntis.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

News Source: Times of India, Healthline


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5204

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>