Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Pagtatalik habang buntis: 7 na bagay na dapat mong malaman

$
0
0

Sex habang buntis, posible ba?

Pagkatapos ng dalawang taon na pagsubok na mabuntis, sa wakas ay nagtagumpay din si Angela at ang mister niyang si Michael. Labis ang tuwa ng huli dahil malapit na sana silang sumuko. Bawat negative result ng pregnancy test ay nakaka-apekto na kay Angela.

Mababasa sa artikulong ito:

Kuwento ni Angela at Michael tungkol sa pagtatalik habang buntis Pagtatalik habang buntis Sex position para sa buntis

Alam nilang puwede naman silang mag-ampon sakaling hindi talaga sila makabuo. Pero gusto muna nilang gawin ang lahat bago sumuko. Kaya’t lagpas langit ang tuwa nang makitang positibo na sa wakas.

Hanggang sa naramdaman ni Angela ang labis na pananabik sa asawa—at sa sex. Ngunit natatakot si Michael. Safe ba ang sex habang buntis?

Kapag nagbubuntis, labis ang produksiyon ng hormones kaya naman sabik na sabik makipagtalik.

Pagtatalik habang buntis: Mga facts at myths tungkol sa pregnancy sex

Sex habang buntis | Image from Unsplash

Ayon ka Dr. Monina Cruz, psychiatrist sa St. Luke’s Medical Center, may mga benefits pa nga ang sex sa buntis. Narito ang paliwanag ni Dr. Cruz tungkol dito.

Ngunit marami pa ring tanong si Michael sa isip niya. Madami siyang narinig at nabasang opinyon mula sa iba’t ibang tao, at halos lahat ay conflicting.

Hindi dahil sa ayaw niyang makatalik ang asawa. Ngayon pa na nakikita niya ang pregnancy glow ni Angela, lalo siyang kaakit-akit.

Pero, may ibang tao sa kuwarto, ika nga. Ayaw niyang masaktan o malagay sa panganib ang asawa at ang baby nila habang pinagbibigyan niya ang seksuwal na pangangailangan nilang mag-asawa.

1. Masasaktan ba ng penis ko ang bata sa loob ng tiyan niya?

Sagot: Hindi. Hindi ito aabot o lalapit man lang sa baby. Marami pang nakaharang sa pagitan ng puwerta at fetus sa uterus, kaya’t hindi dapat mag-alala. Safe ang bata sa loob ng amniotic sac, at lumalangoy ito at pinoprotektahan ng amniotic fluid.

Ang sac na ito ay ligtas sa loob ng uterus, at siguradong matibay at protektado si baby. Nariyan pa ang cervix sa uterus na haharang sa pagitan ng ari at ng baby.

Ang pinakamalala na lang siguro ay hindi magiging komportable si misis. Kaya’t ingat lang at siguraduhing tinatanong kay misis kung okay lang ba ang posisyon niya, at ibahin ito kung nasasaktan siya.

2. Kailan hindi safe ang pakikipagtalik sa buntis na misis?

Sagot: Kung may heavy bleeding si misis, iwasan muna ang sex habang buntis. Kapag mababa ang placenta, maaaring maging sanhi din ng pagdurugo. Kung nagkaron din ng procedure na cervical cerclage si misis para sa baby, iwasan din ang sex.

Higit sa lahat, kapag pumutok na ang tubigan, hindi na pwedeng makipagtalik. (Maaring hindi mo ito naiisip, pero maniwala ka sa hindi, maraming mga taong kailangan ng tahasang paalala pagdating sa sex.)

3. Ayoko namang mag-premature labor si misis dahil sa sex. Posible bang mangyari ito?

Sagot: Hindi naman sanhi ng premature labor ang sex sa buntis. Para pa ngang nauugay ng duyan ang baby kapag gingagawa niyo ito. Para sa sanggol, parang naglalakad lang si Mommy pataas ng hagdan o bulubundukin.

Maaaring maging sanhi ng contractions sa uterus, pero ito ay Braxton Hicks lamang. Nakakatulong pa nga ang sex habang buntis upang ihanda ang uterus para sa panganganak.

Kapag oras na, doon pa lang magle-labor si Mommy. Basta tandaan na hindi na dapat makipagtalik kapag pumutok na ang panubigan at nagle-labor na si misis.

4. Hindi ba makakasama sa baby ang orgasm ni Mommy?

Sagot: Hindi! Tulad ng naunang paliwanag na, maaaring maging sanhi lang ng Braxton Hicks, pero hindi ito mapanganib. Kaya’t huwag matakot makipagtalik kay misis.

5. May dugo sa bedsheet pagkatapos namin mag-sex, anong ibig sabihin nito?

Sagot: Ang spotting ay normal lang sa mga unang linggo ng pagbubuntis. May mayabong na blood supply kasi ang cervix kaya nagdudugo, at inilalabas ng uterus.

Bagamat may mga pagkakataon na maaaring may panganib ito, siguraduhin na ikukonsulta sa OB GYN kapag madami ang dugo at patuloy ito.

Kung si misis ay may low-lying placenta, iwasan muna ang pakikipagtalik habang buntis. Kung madalas ang spotting, mabuting ipaalam sa doktor, at huwag munang magtalik hangga’t hindi nasusuring mabuti ang kondisyon ni misis.

6. Safe pa ba ang sex sa buntis sa third trimester?

Sagot: Kung nasa mood kayo, bakit hindi? Kapag mas malapit na sa due date, mas mahirap nga lang humanap ng komportableng posisyon para kay misis.

Subukan ang iba’t ibang posisyon na hindi makakasakit sa asawa. Isa rin itong tamang panahon para makahanap ng kakaibang paraan ng maipakita ang pagmamahalan sa isa’t isa, nang hindi pisikal. Mag-isip ng mga romantikong bagay para hindi mawala ang pagtitinginan.

BASAHIN:

10 things you should know about bleeding after pregnancy sex

5 Reasons why pregnancy sex is just so super sexy

Does having sex while pregnant harm the baby and other pregnancy sex questions, answered!

7. Kapag naririnig ng baby ang boses ko (habang nagtatalik kami), gumagalaw at sumisipa ito. Maalala niya kaya ang nangyayari?

Sagot: Hindi. Ayon sa mga pagsasaliksik, walang ebidensiya na nagsasabing naaalala ng baby ang mga naririnig niya habang nasa uterus pa siya.

May mga positibong reaskiyon kapag nakakarinig ng masayang musika, o kapag kumakain si Mommy ng masarap na pagkain. Pero walang pag-aaral na nagsasabing naaalala ng bata ang mga naririnig niya habang nagtatalik si Mommy at Daddy.

Mga sex position para sa buntis

Sex habang buntis | Image from Unsplash

Pagdating sa pagtatalik habang pagbubuntis, manatili sa mga posisyon na nagpapanatili ng presyon at bigat sa tiyan. Ang mga ito ay malamang na magiging mas komportable para sa iyo at sa iyong buntis na kapareha.

Manatili sa mga posisyon na sinadya upang hindi nakahiga ang buntis na asawa sa kaniyang likod. Nakakatulong ito sa pag-iwas sa potensyal na compression ng daloy ng dugo, na maaaring humantong sa pagkahilo at iba pang mga isyu.

Sex position para sa buntis na maaaring subukan: sex from behind (also known as doggy style) you on top (also known as cowgirl) spooning reverse cowgirl standing seated pregnancy sex oral sex anal sex side-by-side sex Sex position para sa buntis na dapat iwasan Ang missionary position ay hindi magandang ideya dahil pinipigilan nito ang daloy ng dugo sa ina at sanggol, lalo na pagkatapos ng ika-20 linggo. Ang ilan ay hindi komportable sa mga posisyong nakadapa (nakahiga sa tiyan). Ilang buwan puwede makipagsex sa buntis

Sex habang buntis | Image from Unsplash

Sa karaniwang pagbubuntis, ligtas ang pakikipagtalik sa lahat ng 9 na buwan, kabilang ang unang trimester.

Maliban na lamang kung sinabihan ka ng iyong doktor na huwag makipagtalik, walang dahilan para iwasan ito — nasa ilang buwan ka man ng pagbubuntis.

Ang mga kalamnan na nakapalibot sa iyong matris gayundin ang amniotic fluid sa loob nito ay nakakatulong na protektahan ang iyong sanggol habang nakikipagtalik, at ang mucus plug sa bukana ng iyong cervix ay pumipigil sa pagdaan ng mga mikrobyo.

At hindi, ang isang ari ng lalaki ay hindi maaaring hawakan o makapinsala sa iyong matris habang nakikipagtalik. Tandaan lamang na sa oras na pumutok na ang iyong panubigan ay hindi na ligtas pa ang pakikipagtalik habang buntis.

If you want to read the English version of this article, click here.

Translated in Filipino by Anna Santos Villar

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Additional source:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>