Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5206

Buntis Guide: Week 8 ng pagbubuntis mga dapat mong malaman

$
0
0

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ngayon ng isang red kidney bean. Siya ay may habang 1.6cm at timbang na 1.1g.

Ang Development Ng Iyong Anak

Matututunan mo mula sa gabay na ito ang development ng 8 weeks na buntis.

Bagaman hindi mo pa nararamdaman ang paggalaw ng sanggol sa iyong sinapupunan, madami na siyang nagagawa. Kabilang dito ang pag-flex ng kaniyang wrists. Mas nagiging defined na din ang kaniyang facial features, at mas pansin na ang kaniyang mga tenga, upper lip at tip ng ilong. Ang kaniyang mga mga daliri sa kamay at paa ay bahagyang naka-web. Nagsisimula na rin na mabuo ang kaniyang tastebuds. Ang kaniyang buntot na halos katulad ng sa isang tadpole ay nagsisimula nang nawala. Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks

Larawan mula sa iStock

Mas nagiging matalas ang iyong pang-amoy dahil sa hormones. Maaaring ang ibang bahagi ng iyong katawan ay hindi pa nagpapakita ng senyales ng pagbubuntis. Maliban sa iyong suso na mas malaki at mabigat na ngayon. Dahil ito sa mga milk-producing lobules na nagsisimulang mag-expand. Nakakaramdam ka ng pagkapagod at madalas nasusuka. Nakakaranas ka din ng cramps. Ang mga ligaments sa iyong tiyan ay nag-stretch dahil ang iyong uterus ay nag-e-expand. Nakakaranas ka rin ng iba’t ibang tummy issues. Normal lamang ito at hindi ito dahil sa ingestion, constipation, bloating, o kaya ay heartburn. Maaaring kumonsulta sa doktor kung ikaw ay nababahala. Ang dugo na dumadaloy sa iyong katawan ay dumadami. Sa katapusan ng iyong pagbubuntis mayroon kang halos 1 litro at kalahati na extra na dugo sa iyong katawan. 8 weeks ng pagbubuntis: Ultrasound

Kahit na ikaw ay nagpositibo sa pregnancy test 2 weeks matapos ang conception, may ilang araw pa ang hihintayin bago makita ang pagbuo ng cells na magkukumpirma na umuusad ang iyong pagbubuntis.

Partikular na kung nais makumpirma ng iyong doktor ang heartbeat ng fetus bilang senyales na buhay ito.

Ano ang dapat asahan sa ultrasoundng 8 weeks na pagbubuntis?

Huwag gaanong mag-expect sa yugtong ito dahil wala pang gaanong makikita sa ultrasound.

Sa ngayon ay makakakita ka ng pigura na mukhang oblong bean. Kung kambal naman ito, dalawang pigura nito ang iyong makikita. Ang ulo ng baby ay kasinglaki pa ng katawan.

Makikita mo rin ang gestational sac, ang fluid-filled space sa paligid ng iyong baby. Sa loob nito ay makikita mor in ang yolk-sac, isang bubble-like structure. May tyansa rin na marinig ang heartbeat ng baby, depende sa lokasyon nito.

Pangangalaga sa buntis Kahit may mga pagkakataon na walang gana kumain, kailangan na kumain ng tama at masustansya na pagkain ang mga buntis. Kailangan ng nutrisyon ng lumalaking sanggol. Siguraduhin na nakakakuha ang isang buntis ng sapat na calcium at vitamin D. Checklist Maaaring kailanganin na i-postpone o kanselahin muna ang mga travel plans dahil sa acute fatigue, pagkahilo at pagsusuka. Huwag malungkot. Maaari naman magplano ng babymoon kapag kaya mo nang magbiyahe. Huwag kalimutan na mag-relax at lumayo sa mga bagay na nakaka-stress. Mga dapat gawin sa 8 weeks na pagbubuntis

Bilang lumalaki na ang baby sa iyong sinapupunan, maaari mo nang ikonsiderang magpakonsulta sa doktor para sa iyong unang prenatal medical visit; regular na mag-ehersisyo; kumain ng masustansya at iwasan ang mga pagkain na makakasama sa iyong pagbubuntis at mga pagkain na pinapaiwas sa ‘yo ng iyong doktor; at umiwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.

BASAHIN:

Buntis Guide: Mga sintomas na maaaring maranasan ng 9 weeks na buntis

Ito ang rason kung bakit madalas maglaway ang buntis

Week 4 ng pagbubuntis, mga senyales at dapat mong malaman

Ang iyong unang prenatal checkup

Mainam na makapagpakonsulta na sa iyong OB-Gyn o midwife para sa iyong first prenatal checkup kung hindi pa ito nagagawa.

Sa iyong pagbisita sa doktor, malaki ang tiyansa na kuhaan ka ng sample ng iyong ihi upang makumpirma ang iyong pagbubuntis, kinakailangan mo ring ibigay ang iyong medical history, magpakuha ng pelvic exam, at talakayin ang mga nais at kailangan mong malaman para sa iyong pagbubuntis.

Maaari ka ring sumailalim sa maagang ultrasound upang masukat ang paglaki at heart rate ng iyong baby, at matignan kung kalian ang posibleng due date nito.

Mas mabuti rin kung may handa kang mga katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis bago ka pa pumunta sa iyong doktor. Ilan sa mga maaari mong itanong mula sa iyong doktor ay:

Maaari ko pa bang inumin ang mga gamot na aking iniinom? Anong klase ng mga ehersisyo ang maaari kong gawin habang ako ay nagbubuntis? Mayroon bang mga aktibidad o pagkain ang kailangan kong iwasan? Ang aking pregnancy ba ay high risk? Anong mga test ang kailangan sa aking pagbubuntis? Ano ang kailangan kong gawin kung may mal isa aking pakiramdam? First-trimester exercise

Ang pag-eehersisyo ay isang paraan ng pangangalaga sa iyong katawan at sa iyong baby sa yugtong ito. Kung ikaw ay aktibo bago magbuntis, kadalasan ay ligtas naming ipagpatuloy ang mga nakasanayang aktibidad.

Subalit mainam pa rin na ipakonsulta ito sa iyong doktor. Maaaring magmungkahi ng alternatibong ehersisyo kung ang nakasanayang aktibidad ay mayroong malaking tiyansa ng aksidente.

Maaari mong ikonsidera na idagdag ang mga ehersisyo na ginagawa sa pelvic floor tulad ng Kegel exercises sa iyong workout routine.

Pagkain ng masustansya sa iyong first trimester

Larawan mula sa iStock

Bahagi ng pagkain ng masustansya sa iyong pagbubuntis ang pag-inom ng prenatal vitamins. Maaaring manghingi ng rekomendasyon sa iyong doktor sa iyong unang checkup. Siguraduhin din na nakakainom ng sapat na dami ng tubig.

Iwasan ang pagkain ng hilaw na isda, unpasteurized milk products, at deli meats. Maaari ring pabawasan ng iyong doktor ang nako-consume na caffeine.

Kailan dapat tumawag sa doktor

Ang biglaang pagkawala ng mga sintomas ay hindi nangangahulugan na mayroong problema sa iyong pagbubuntis. Sa katunayan, ang pananakit ng suso at pagduduwal ay maaaring mawala at magpabalik-balik.

Kung mayroong kakaiba sa nararamdaman, tumawag agad sa iyong doktor. Ang mga senyales ng miscarriage o pagkalaglag ay kinabibilangan ng vaginal spotting o pagdurugo hanggang sa cramping o passing of tissue mula sa vagina.

Maaari ring walang senyales ng miscarriage. May ilang mga kababaihan na nalalaman nalang ang miscarriage nila sa kanilang unang ultrasound.

Sa estimasyon ng mga mananaliksik, 15% ng mga pagbubuntis ang nauuwi sa miscarriage sa unang trimester.

Ang kagandahan, ayon sa pag-aaral noong 2008, kapag ang iyong baby ay umabot na ng 8 weeks, bumababa ang risk ng miscarriage ng 1.5%.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 9 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 7 linggo

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas

Additional information:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5206

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>