Naranasan mo na bang magkaroon ng kabag? Alamin sa artikulong ito kung ano ang mga posibleng dahilan sanhi, sintomas, at lunas sa kabag.
Ang kabag ay isang normal na bahagi ng proseso ng digestion. Pero kapag dumami ang gas sa iyong intestines at hindi mo ito nailabas, maaari kang makaranas ng pananakit at discomfort.
Sanhi ng kabagAng kabag, bloating, at flatus frequency ay maaaring lumala at magdulot ng diarrhea o constipation. Ang iba pang maaaring maging sanhi ng kabag ay ang mga sumusunod:
Pagkain ng marami. Pagpasok ng hangin habang kumakain o umiinom. Pagnguya ng chewing gum. Paninigarilyo. Ilang mga pagkain na nagdudulot ng kabag.Ang kabag ay maaari ring maging senyales ng gastroesophageal reflux disease (GERD). Isang kondisyon ang GERD kung saan ang acid sa tiyan at iba pang nilalaman ng tiyan ay lumalabas ng tiyan at umaakyat sa esophagus.
Ang mga kadalasang sintomas ng GERD ay acid reflux at heartburn. Pero ayon sa isang case study noong 2015, ang kabag at pagdighay ay ilan din sa mga karaniwang sintomas ng GERD.
Mga kondisyong medikal na nagdudulot ng kabagLarawan mula sa iStock
Mayroon ding mga medical conditions na maaaring makapagpataas ng kabag, bloating at pananakit nito, tulad ng:
Chronic intersinal disease. Ang sobrang hangin ay kadalasang sintomas ng chronic intestinal conditions tulad ng diverticulitis, ulcerative colitis, o Crohn’s disease. Small bowel bacterial overgrowth. Ang pagtaas o pagbabago sa bacteria sa small intestine ay nagdudulot ng sobrang hangin, diarrhea, at pagbaba ng timbang. Food intolerance. Ang kabag o bloating ay maaaring mangyari kapag ang iyong digestive system ay hindi matunaw o ma-absorb ang mga pagkain, tulad ng asukal sa dairy products (lactose) o proteins tulad ng gluten sa wheat o ibang grains. Constipation. Sa constipation ay nahihirapan lumabas ang hangin. Mga sintomas ng kabagAng mga sintomas ng kabag at kinabibilangan ng:
Pagdighay Pananakit, cramps, o pamimilipit na pakiramdam sa iyong tiyan. Pakiramdam ng pagkabusog o pressure sa iyong tiyan. Kapansin-pansing paglaki ng tiyan (distention) Paulit-ulit na pag-utot.Normal lang ang pagdighay, partikular na habang kumakain o pagtapos ng kumain. Karamihan sa mga tao ay nagkakaroon ng kabag hanggang 20 beses sa isang araw. Samakatuwid, maaaring sanhi ng problemang medikal ang kabag.
Paano maalis ang kabag?Kadalasan ang mga pagkain na kinakain natin ang nagdudulot ng kabag. Ang pagkain ay direktang tinutunaw sa small intestine. Samantala, ang mga natitirang hindi natunaw ay binuburo sa iyong colon kasama ang bacteria, fungi, at yeast, bilang bahagi ng digestion. Ang prosesong ito ay gumagawa ng methane at hydrogen, at iyon ang lumalabas bilang flatus o utot.
Para sa karamihan ng tao, ang pagbabago sa kinakain ay sapat na upang maibsan ang kabag at mga sintomas nito. Isang paraan upang matukoy kung anong pagkain ang nagdudulot ng kabag ay ang pagsusulat ng food diary o pagsusulat ng lahat ng iyong kinakain. Kadalasan ng mga pagkain na nagdudulot nito ay ang mga sumusunod:
Larawan mula sa iStock
Mga pagkaing mayaman sa fiber Pagkain na mataas sa fats Mga prito o maaanghang na pagkain Carbonated beverages Artificial ingredients na kadalasang natatagpuan sa low-carbohydrate at sugar-free products, tulad ng alcohol, sorbitol, at maltitol Beans at lentils Cruciferous vegetables tulad ng brussel sprouts, cauli flower, at broccoli Mga pagkaing may lactose tulad ng gatas, cheese, at ibang dairy products Over-the-counter fiber drinks at supplementsKapag nalaman mo na kung anong pagkain ang nagdudulot ng iyong kabag, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng kabag.
Home remedy sa kabagKung hindi pa rin nakakatulong ang pagbabago sa mga kinakain sa iyong kabag, narito ang ilan sa mga home remedy sa kabag na maaari mong gawin para mawala ang iyong kabag.
Peppermint. Base sa mga pag-aaral, ang peppermint tea o supplements ay nakakabawas sa mga sintomas ng irritable bowl syndrome (IBS), kasama na ang kabag. Chamomile tea. Ang chamomile tea ay nakakatulong na mabawasan ang impatso, kabag, at bloating at home remedy sa kabag. Ang pag-inom ng chamomile tea bago kumain at bago matulog ay maaaring makabawas ng mga sintomas para sa ilang tao. Activated charcoal. Ang activated charcoal ay isang over-the-counter medication upang matulungang maalis ang kabag o hangin na naiwan sa iyong tiyan. Maaaring inumin ito bago kumain at isang oras matapos kumain. Apple cider vinegar. Tunawin ang isang kutsarang apple cider vinegar sa tubig o tea. Inumin ito bago kumain o hanggang tatlong beses sa isang araw hanggang sa mabawasan ang mga sintomas. Physical activity. Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong na mailabas ang hangin sa loob ng iyong tiyan at mawala ang kabag. Kung nananakit ito, maaaring makatulong ang pag-jumping rope, pagtakbo, at paglalakad. Lactase supplements. Ang lactose ay ang nagsisilbing asukal sa gatas. Maaaring makabili ng lactase supplements over the counter. Makakatulong ito para sa mga taong hindi nakakatunaw ng lactose. Clove. Isa itong herb na ginagamit panluto. Ang clove oil ay nakakatulong na mabawasan ang bloating at gas sa pamamagitan ng paggawa ng digestive enzymes. Maglagay ng 2-5 drops sa isang 8-ounce na baso ng tubig at inumin pagkatapos kumain. BASAHIN:Masakit na tiyan, binti, o braso maaaring senyales na ng heat exhaustion o heat stroke
Stiff neck o masakit na leeg: Gamot, sanhi at sintomas
Masakit na tagiliran? 14 na posibleng dahilan at gamot para rito
Maaari ring makatulong ang ilang lifestyle changes bilang home remedy sa kabag upang maibsan ang kabag. Ilan dito ay: Pagnguyang mabuti ng pagkain Iwasan ang chewing gum at matitigas na candy Iwasang uminom ng carbonated beverages Iwasan ang paninigarilyo Siguraduhin na nakakabit nang maayos ang pustiso o dental devices Umupo tuwing kumakain. Maglakad-lakad pagkatapos kumain. Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng kabag, Iwasang gumamit ng straw sa pag-inom. Gamot sa kabagSa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ng mga Over-the-counter at nireresetang gamot para maibsan ang kabag at mga sintomas nito.
Para sa mga taong mayroong food intolerance ay maaaring uminom ng digestive enzymes bago kumain upang matulungan na matunaw ang mga pagkain.
Karaniwang halimbawa nito ay ang pag-inom ng lactase upang matulungan matunaw ang mga produktong may gatas o pag-inom ng alpha-galactosidase (Beano) upang matulungan na matunaw ang carbohydrates, fiber, at protein mula sa beans at mga gulay.
Para naman sa mga taong nakakaranas na ng kabag, ang OTC products na naglalaman ng simethicone na makakatulong pagsamahin ang gas bubbles, at ginagawang mas madaling lumabas ang hangin. Ilang halimbawa sa mga produktong ito ay Gas-X, Imodium, at Mylanta.
Maaari ring magrekomenda ng mga nireresetang gamot ang doktor para sa mga taong hindi nawawala ang kabag sa pamamagitan ng mga home remedies at OTC medications.
Ang mga gamot na nirereseta ng doktor ay iaayon sa underlying condition na maaaring nagdudulot ng kabag. Ilan sa mga gamot na maaaring ireseta ng doktor para sa kabag ay:
Gamot upang pamahalaan ang gastroesophageal reflux disease (GERD) tulad ng: Antacids upang maibsan ang heartburn H2 blockers upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan Proton pump inhibitors upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan at tulungang gumaling ang esophagus Prokinetiks upang matukungan ang tiyan na matunawan agad Gamot upang mapamahalaan angirritable bowel syndrome (IBS) Antispasmodics upang maibsan ang pananakit ng tiyan at cramping Laxatives upang matulungang maibsan ang constipation Antimolity medications upang matulungang maibsan ang diarrhea Antibiotics para matulungang gumaling mula sa small intestine bacterial overgrowth (SIBO) Mga komplikasyon sa kabagLarawan mula sa iStock
Masakit man ang kabag, hindi naman ito nangangahulugan ng seryosong problema sa kalusugan. Maaari pa ring maging kabaha-bahala ang pamumuo ng hangin sa tiyan.
Ang kabag sa kaliwang bahagi ng colon ay maaaring magdulot ng pananakit ng dibdib at maaaring mapagkamalang atake sa puso.
Ang kabag naman sa kanang bahagi ay maaari namang mapagkamalan na pananakit dahil sa gallstones at appendicitis. Magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroong underlying cause ang mga nararamdaman na sintomas ng kabag.
Kailan dapat tumawag sa doktorKadalasan ay hindi naman dapat ikabahala ang pagkakaroon ng kabag at nawawala ang mga sintomas sa kaunting paggagamot o hindi na kinakailabgan pang gamutin.
Gayunpaman, kung nakakaranas ng madalas o hindi nawawalang kabag, magpakonsulta agad sa doktor upang magkaroon ng pagsusuri.
Tumawag din sa doktor kung nakakaranas ng mga sumusunod:
Pananakit ng dibdib o senyales ng heart attack. Gastrointestinal discomfort na hindi nauugnay sa pagkain. Malalang pananakit ng tiyan, diarrhea, o constipation. Tarry, o maitim na dumi o rectal bleeding. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.MedicalNewsToday, MayoClinic, ClevelandClinic, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.