Mommies, narito ang kasagutan sa iyong katanungan tungkol sa bukol sa ulo ng iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
Tips sa mga magulang pagdating sa bukol sa ulo ng bata Payo ng eksperto kapag nauntog ang iyong anakBilang magulang, kung pwede lang nating saluhin ang lahat ng sakit na maaaring maranasan ng ating mga anak, gagawin natin ito. Subalit habang sila ay lumalaki, hindi maiiwasang makaranas sila ng mga hindi inaasahang pangyayari at mga aksidente.
Dahil sa natural na kalikutan ng mga bata, malaki ang posibilidad na sila ay mauntog at magdulot ito ng pagkakaroon ng bukol, lalo na sa kanilang ulo. Ang mga bukol sa ulo’y karaniwan lalo na sa mga batang natututo pa lamang maglakad.
Kaya, bilang magulang, dapat alalahanin ang ilang mga bagay pagdating sa mga bukol sa ulo ng mga bata.
Larawan mula sa iStock
Nauntog ang ulo ng bata – delikado ba?Ayon kay Dr. Angelica Tomas, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, karaniwan para sa mga bata ang mauntog at magtamo ng bukol dahil sa kanilang kalikutan.
“Common talaga ‘yan iyong nauuntog o isama na natin ‘yong nahuhulog, kasi ang kukulit talaga ng mga bata.Especially, ‘yong mga babies na umiikot ikot na, iyong kaya na mag roll-over.
Then even ‘yong mga older kids, na takbo nang takbo. Very common nga na concern or worry ‘yan ng mga parents.” aniya.
Subalit bagamat madalas at karaniwang para sa mga bata na mauntog habang sila ay naglalaro, bihira naman sa kanila ang magkaroon ng brain injuries mula rito. Ayon kay Dr. Elizabeth C. Powell, MD, isang pediatrician at spokesperson para sa American Academy of Pediatrics,
“Traumatic brain injuries, such as concussions, are rare among little kids. The skull is very protective. Even if it’s fractured, unless there’s bleeding underneath, on the brain, you don’t do anything about it — the skull will repair itself.”Bukod dito, dagdag pa ni Dr. Tomas, kadalasan ng mga pagkaka-untog na nagtatamo ng bukol tulad ng pagkakahulog mula sa kama o sa bisikleta ay hindi ganoong kataas at katindi para magdulot ng brain injury o concussion.
“It usually requires a certain height. Sabi sa ibang pag-aaral, usually 5 to 6 feet to really cause damage to the babies. O kaya, a very sudden blow to the head. So hindi naman matataas ‘yong mga kama natin usually 2 to 3 feet lang.”
Bukol sa ulo ng bataKapag nauntog ang bata, ang unang napapansin at hinahanap ng magulang ay kung mayroon ba siyang bukol sa ulo. Tinatawag din itong goose egg bump sa Ingles.
At kapag nakita ng magulang na mayroong bukol ang kaniyang anak, nakakadagdag ito sa kanilang pag-aalala.
Pero ayon kay Dr. Powell, hindi dapat magpanic ang magulang kapag nakita nila ang bukol o ang tumutubong bukol sa ulo ng bata.
“First off, don’t panic if you see a lot of blood. There are lots of blood vessels in the scalp, so even a small scrape or cut can create a scary amount of blood. This is actually a good thing, because it means external head injuries repair themselves easily.” Paano naman kung walang bukol ang bata pagkatapos niyang mauntog?Minsan naman, sa labis na pag-aalala natin sa ating mga anak, hinahanap natin ang bukol sa kaniyang ulo pero parang wala tayong matagpuan. Mas delikado ba kung walang bukol ang bata kapag siya ay nauntog?
“Hindi naman,” ani Dr. Tomas. “They just really have to check. Sometimes hindi talaga nagkakaroon ng bukol and it’s okay. Basta ‘yong vomiting, loss of consciousness, iyon talaga ‘yong medyo delikado na.”
Larawan mula sa iStock
Mga remedyo kung ang bata ay mayroong bukol o tumutubong bukolAng tamang kaalaman sa paggamot ng bukol o patubong bukol sa ulo ng mga bata mula sa mga aksidenteng nangyari ay nararapat na alam ng mga magulang.
Maganda ang pagbibigay ng paunang lunas sa mga ganitong insidente upang hindi magtamo ng mga serious injury o komplikasyon sa mga bata.
Marami ang mga gamot na maaaring gamitin kung ang bata ay nagkakaroon ng iba’t-ibang karamdaman matapos ang pagkabagok, pagkahulog, pagkadapa, pagkauntog at na magbubunga ng pagtubo ng bukol. Ngunit may ilan namang paunang lunas ang maaaring ilapat sa pagtubo at pagkakaroon ng bukol.
Isipin ang lala ng pagtama ng ulo.Karamihan ng mga tama sa ulo ng mga bata ay mahina at panandalian lamang ang epekto. Kaya, ang mga magulang ay maaaring masabi kung kailangan magpasuri o hindi. Subalit, kung ang iyong anak ay nakakaranas ng concussion, makakabuting dalhin agad siya sa ospital.
Lagyan ng cold compress.Kung may bukol sa ulo ng bata pagkatapos niyang mauntog, makakatulong ang paglalagay ng cold compress sa loob ng 20 minuto para mabawasan ang pamamaga. Payo ni Dr. Tomas,
“So pag may bukol, ang advice lang namin is to put cold compress. So kumuha sila ng yelo ilagay nila sa ice pack o kahit sa twalya lang balutin nila.
Usually naman, ‘pag bukol mawawala din ‘yan ng kusa. Pero ‘yong paglalagay natin ng ice pack ay nakakawala siya to lessen ‘yong bukol.”
Patuloy na bantayan ang iyong anak. Kung malakas ang untog, at puro pag-iyak ang ginagawa ng bata dahilan ng pagkapagod at pagkaantok. Maaring patulugin ang bata ng dalawang oras sa loob lamang ng unang 24 oras at agaran itong gisingin. Kung matapos ang 48 hours at nariyan pa rin ang bukol at nagkaroon na ito ng pasa. Maaari nang i-warm compress ang bukol. Iba ang epekto ng warm compress sa cold compress. Nakatutulong ito upang mabilis ang pagkawala ng bukol o pasa. Bago ito idiin ng labinlimang minuto sa bukol, antayin na hindi na nakakapaso ang warm compress upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat. Bukod sa mga iyan, mayroon ding mga halamang gamot na maaaring makatulong upang maibsan ang pamamaga at madaling mawala ang bukol: Paglalagay ng dinikdik na buko ng bulaklak ng gumamela. Pagtapal ng damong maria at puwede rin ang dahon ng mayana. Maaaring pikpikin o kaya pagulungin ito sa bote upang ang dahoon ay mapisa at itapal sa bukol. Mabisa din ang paglalagay ng puting hibla ng sibuyas at dinikdik na dahoon ng oregano.Hinihikayat na panatilihing gising ang inyong anak matapos mauntog. Kung sakali mang antukin ang bata matapos mauntog, ayos lang na hayaan silang matulog.
Kailan dapat dalhin ang bata sa doktor?Bukod sa pagkakaroon ng bukol sa ulo, narito pa ang ilang sintomas na dapat bantayan kapag nauntog ang iyong anak:
Kapag nagiging mas antukin o matamlay ang bata.Subalit kung makakaramdam sila ng pagod dahil sa pag-iyak, maaari pa rin naman silang patulugin. Narito ang pahayag ni Dr. Tomas:“After the accident, obserbahan. Kung mas nagtulog-tulog ba ‘yung bata. Pwede pagkatapos nila mauntog, kasi umiyak-iyak sila, napagod. Pero, kapag after 1 hour gigisingin tapos mahirap gisingin, that is a concern also. So importante talaga iyong first 24 hours na pagbabantay sa bata.”
Gayundin, kapag ang bata ay parang wala sa sarili at mahirap kausapin (hindi sumasagot sa iyong mga tanong) Pagbabago ng kaniyang pagkilos; halimbawa, nahihirapan siyang magbalanse at lumakad ng maayos, o nabibitawan ang mga bagay na hawak niya. Kapag nagpatuloy ang sakit sa ulo at pagkahilo ng bata Tingnan rin ang kaniang mga mata. Kapag magkaiba ang laki ng kaniyang pupils, o kaya naman walang coordination sa dalawang mataMaaaring hindi agad lumabas ang mga sintomas na ito, pero kung mapansin ito pagkalipas ng isa o dalawang araw, magtungo pa rin sa doktor para makasiguro. Kapag hindi rin lumiliit ang bukol pagkalipas ng ilang araw, kumonsulta na sa doktor.
BASAHIN:
2-anyos na nahulog mula sa sofa, nagkaroon ng pagdurugo sa utak
Nagsisinungaling ka ba sa anak mo para mapasunod siya? Ito ang epekto nito sa kaniya
7 tips kung anong gagawin kapag umiinit na ang ulo mo sa anak mo
Pagpahingahin ang iyong anakLarawan mula sa iStock
Mahalaga na magpahinga ang iyong anak. Bawasan muna ang paglahok niya sa mga aktibidad dahil kailangan magpahinga at magpagaling ng kaniyang ulo. Lalo na sa mga kaso na may concussion na kakailanganin ng 10 araw para magpagaling.
Kunin ang pahintulot ng inyong doktorKailangan muna ng pahintulot ng inyong doktor bago pabalikin ang bata sa playground o sports. Ang pagpapadali ng proseso ay maaaring maging dahilan ng paggiging vulnerable ng iyong anak sa kasunod na madalas ay mas nakakapinsalang concussion.
Maging kalmado sa pag-asikaso sa bukol ng bataWalang kahihinatnan ang pagdududa sa kakayahan maging magulang o paninisi sa taong nagbabantay o kaya sa iyong sarili dahil sa pagkauntog ng iyong anak. Aksidente ito, at wala namang gustong mangyari o mapahamak ang bata.
Sa halip, gamitin ang nangyari bilang aral upang maiwasang maulit muli sa hinaharap.
Tandaan na manatiling kalmado sa pag-asikaso sa bukol sa ulo at sabihin sa sarili na ang mga paghulog ay nangyayari sa lahat ng bata gaano pa man kaalaga.
Ang pinakamahalaga ayon kay Dr. Powell,
“The most important thing parents should do when a kid bumps her head is trust their instincts…Overall, parents instinctually can tell if a child has a little boo-boo or something worse. But there’s nothing wrong with erring on the side of caution: If you aren’t sure, see a doctor.” Mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng bukol ng bataAng pagkakaroon ng bukol sa ulo ng bata ay sanhi ng kakulitan nito sa pagtanda at sa kagustuhang malaman ang mga bagay sa paligid nito.
Nababangga, tumatama at nadadapa ito sa kung saan-saan lamang lalo na kung ito’y sumusubok sa kung paano maglakad. Kaya’t ating alamin ang ilan sa mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng bukol ng mga bata na siyang ating ikinababahala sa paglaki nito.
Iayos ang mga gamit sa bahay mula sa perspektiba ng bata o ng inyong anak. Maglagay ng mga kutson o gumamit ng mga foams sa lugar na madalas paglagian ng bata sa tuwing ito ay naglalaro o ang madalas nitong nilalakaran. Ilayo ang mga free-standing bookshelf o idikit ito sa dingding upang masigurong hindi ito magiging mapanganib para sa bata sa tuwing ito ay naglalaro. Panatilihing malayo o out of reach ang mga delikadong bagay sa bata. Paglalagay ng mga malalambot na play mats. Siguraduhing nakikita ang bawat galaw ng bata sa tuwing ito ay naglalaro. Kung maaari, magtalaga ng isang lugar na puwede nitong paglaruan. Huwag iwanan ang bata sa matataas na lugar. Panatilihin itong nasa flat surface o playpen lamang nito. Tiyakin na hindi basa o madulas ang sahig ng bahay. Ang pinakamabisang pamamaraan ng pag-iwas sa bukol ng bata ay ang pagiging maingat at mapagmatyag ng mga magulang sa kilos ng bata upang hindi mangyari ang hindi inaasahang mga aksidente. Walang problema sa pagiging protective sa ating mga anak, dahil mahirap nga naman para sa mga magulang na makita itong may iniindang sakit sa kanilang mga katawan.Kaya’t magsisilbing gabay o tips ang mga nabanggit na pamamaraan sa pag-iwas sa anumang klase ng aksidente sa tuwing ang mga bata ay naglalaro.
Lagi’t lagi pa ring tatandaan ang pagiging mapagmatyag para sa mga sintomas na maaaring maramdaman matapos ang pagkabagok o pagkakaroon ng bukol. Kung sa tingin niyo ay seryoso ang mga sintomas na ito, agarang komunsulta sa mga doctor o pumunta sa malalapit na hospital.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
University of Health (rileychildrens.org), Healthline, KidsHealth
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.