Narito ang iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito.
Ano ang mucus at plema?Normal sa ating katawan ang mag-produce ng mucus at plema. Ang mga ito ay nagsisilbing taga-sala ng ating ilong at bibig sa mga viruses at bacteria na ating nalalanghap.
Ngunit sa oras na tayo ay nagkakasakit ang produksyon ng mucus at plema ay mas dumadami. Ito ay isang indikasyon na nilalabanan ng ating katawan ang impeksyon o sakit na ating nararanasan.
Image from Pinterest
Ang mucus at plema ay parehong gawa sa tubig, antibodies enzymes, proteins at salt. Sila ay parehong nagdadala ng dead cells, dust at debris mula sa ating ilong at lungs.
Sa itsura ang mucus at plema ay halos magkatulad. Ngunit sila ay magkaiba. Sapagkat ang mucus ay ang manipis o malabnaw na secretion na nagmumula sa ating ilong at sinus. Habang ang plema naman ay mas makapal o malapot at nagmumula sa ating lalamunan at baga.
Mga posibleng sanhi ng pagkakaroon ng plema 1. Maaaring may allergyAng pagkakaroon ng allergy ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng plema. Bukod dito, ang iba pang sintomas na maaaring maranasan kapag may allergy ay pangangati ng mata, sneezing, paninikip ng dibdib, at pag-ubo.
Kadalasan ang reaksyon ng katawan sa mga may allergy sa mga airbone allergy ay nagmumula sa lungs. Katulad na lamang kung allergic ang isang tao sa pollen, o dust mites.
Maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng plema o mucus.
2. Pagkakaroon ng acid refluxIsa pa sa dahilan kung bakit mayroong plema ang isang tao ay ang pagkakaroon ng acid reflux. Ang acid sa iyong tiyan ay pumupunta papunta sa iyong esophagus papunta sa iyong throat o lalamunan. Maaaring magresulta ito ng iritasyon na nagdudulot ng plema.
3. Mayroong asthmaIsa sa sintomas ng asthma ay hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib na maaaring maging sanhi rin sa pagkakaroon ng plema o mucus.
4. Maaaring sanhi ng bacterial at viral infectionsAng pagkakaroon ng impeksyon mapa-viral o bacterial man ay maaaring magdulot o maging sanhi ng pagkakaroon ng plema. Maaaring dahil ito sa flu, bronchitis, pneumonia, tonsilitis, at iba pa.
Iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nitoNaiiba-iba ang color at consistency ng mucus at plema na nagbibigay ng clue sa nangyayari sa loob ng ating katawan. Pero ayon kay Dr. Laura Tully, isang ENT-otolaryngologist, ang pagbabago sa mucus color o phlegm consistency ay hindi naman agad na indikasyon na may sakit na ang isang tao.
Ngunit hindi ito dapat isawalang bahala. Dahil ito ay isang palatandaan na lumalaban sa nag-dedevelop na sakit o sa posibleng pagkakaroon ng bacterial illness ang katawan.
Paliwanag ni Dr. Tully,
“Patients think that because mucus is a color other than clear – like yellow or green – that means they have a sinus infection.”
“Just because your mucus starts out green or yellow, that’s very common with a typical viral cold, and doesn’t necessarily mean you have a bacterial illness.”
“Eventually a cold can morph into something like an acute sinusitis that is bacterial.”
Ngunit magkaganoon man mahalagang malaman ang iba’t ibang kulay ng plema at ibig sabihin nito. Ito ay upang agad na malunasan ang sakit na nararamdaman at maiwasan na itong lumala pa.
Ayon nga sa mga eksperto narito ang iba’t ibang kulay ng plema at mucus pati na ang mga sakit na may kaugnayan sa mga ito.
Image from Wexner Medical
BASAHIN:Mga gamot na puwedeng ipa-inom sa bata kapag inuubo
#AskDok: Ano ang mabisang gamot sa sipon at ubo?
Sakit sa lalamunan: Mga posibleng sanhi at lunas
ClearAng pagkakaroon ng clear na mucus o plema ay normal sa ating katawan. Ngunit kung tila mas dumami ang produksyon nito ay nangangahulugan ito na sinusubukan ng katawan na mag-flushout ng irritant o virus na nararanasan.
Madalas ang mga sakit na may kaugnayan sa pagkakaroon ng clear na plema ay ang sumusunod:
Allergic rhinitis o nasal allergy na minsan ay tinatawag ring hay fever. Dulot ito ng pagkakalanghap ng allergens tulad ng pollen at alikabok. Para maibsan ang sintomas ng allergic rhinitis ay maaring uminom ng antihistamines, decongestants at maraming tubig. Viral bronchitis o ang inflammation sa bronchial tubes ng ating lungs. Madalas ang sakit na ito ay nagsisimula sa isang ubo na may clear na plema. Ngunit maaring mabago ang kulay nito at maging yellow o green. Para maibsan ang sintomas ng viral bronchitis ay makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig. Habang iniiwasan ang pag-inom ng kape at alcohol. Makakatulong rin ang pag-inom ng pain reliever at paggamit ng humidifier upang guminhawa ang pakiramdam. Viral pneumonia o impeksyon sa baga. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay lagnat, dry cough at pananakit ng kasu-kasuan. Maibsan naman ang mga sintomas ng sakit sa pamamagitan ng pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Ito ay upang maalis ang labis na mucus sa lalamunan at maibsan ang iritasyon nito. Makakatulong rin ang pag-inom ng over-the-counter pain relievers para sa lagnat at sakit ng katawan. White Nasal congestion. Ang puting mucus ay palatandaan ng pagkakaroon ng nasal congestion. Kapag may nasal congestion ang tissues sa nasal cavity ay namamaga na nagpapabagal sa pagbaba ng mucus sa respiratory tract. Ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig ay isang paraan upang malunasan o maginhawaan ang isang taong nakakaranas nito. Viral bronchitis. Palantaan rin ito ng pagkakaroon ng viral bronchitis na maaring mauwi sa bacterial infection. Iwasan itong lumala sa pamamagitan ng pag-inom ng mga over-the-counter medications na sasabayan ng pag-inom ng maraming tubig at pagpapahinga. Ang pagkakaroon ng GERD o Gastroesophageal Reflux Disease ay isang dahilan rin ng pagkakaroon ng ubo na may puting plema. Para maibsan ang sintomas nito ay iwasan ang maanghang at acidic na pagkain o inumin. Kumain ng maraming fiber at pagkaing may taglay na probiotics. Sintomas rin ng COPD o Chronic obstructive pulmonary disease ang pagkakaroon ng puting plema. Lunasan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy at clean air sa inyong paligid. Habang kumakain ng masusustansiyang pagkain. Congestive Heart Failure. Kung ang puting plema ay sinasabayan ng hirap sa paghinga, ito ay maaring palatandaan ng sakit na congestive heart failure. At ito ay dapat agad na mabigyan ng medikal na atensyon upang hindi na lumala pa.Image from Freepik
Yellow o greenAng kulay dilaw o green na plema ay nanganguhulugan na ang immune cells ng katawan ay lumalaban sa isang impeksyo o isang uri ng inflammatory insult. Ilan sa mga sakit na may kaugnayan sa pagkakaroon ng dilaw na plema ay ang sumusunod:
Ito ay maaring dulot ng sakit na bronchitis na nagsisimula sa dry cough na nagdedevelop sa ubong may plema. Ito rin ay maaring dulot ng sakit na pneumonia na maliban sa ubong may plema ay sasabayan ng lagnat, pangangatog ng katawan at hirap sa paghinga. Maaring dulot rin ito ng sinusitis na dulot ng allergies, infection at bacteria. Lunasan ito sa tulong ng saline drops o paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig o steam vapors. Cystic fibrosis. Ang yellow o green na plema ay maaring dulot rin ng cystic fibrosis na isang chronic lung disease. Pag-inom ng maraming tubig, pag-iexercise at pagtigil sa paninigarilyo ang mga pangunahing paraan upang maibsan ang sintomas ng sakit na ito. Red o pinkAng pink o pulang plema ay palatandaan ng pagkakaroon ng dugo sa plema na isang indikasyon ng pagkakaroon ng seryosong medikal na kondisyon. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Pneumonia o impeksyon sa baga na kung saan ang ubo na may mapulang plema ay sasabayan ng lagnat, pananakit ng dibdib at pangangatog ng katawan. Ang pangunahing lunas sa pneumonia ay pag-inom ng antibiotics na papatay sa bacteriang nagdudulot ng sakit. Ang dugo sa plema ay maaring dahil rin sa nakakahawang sakit na tuberculosis. Lalo na kung ito ay sasabayan ng pagkakaroon ng lagnat at pagpapawis ng malamig o nightsweats. Upang malunasan na sakit na ito ay kinakailangang makumpleto ng isang pasyente ang required treatment na nakadepende sa kaniyang kondisyon. Congestive heart failure. Ito ay maaring dulot rin ng sakit na CHF o congestive heart failure. Ito ay nangyayari kapag hindi na maayos na nagpupump ng dugo ang puso sa ating katawan. Maliban sa pink o red na plema ang sinumang nagtataglay ng sakit ay makakaranas rin ng hirap sa paghinga. Pulmonary embolism. Isa pang sakit na nagdudulot ng red o pink na plema ay ang pulmonary embolism. Ito ay nangyayari kapag ang pulmonary artery sa ating baga ay nabarahan. Nalulunasan ang sakit sa pamamagitan ng oxygen therapy at anticoagulant medications. Lung cancer. Ang red o pink na plema ay palatandaan rin ng seryosong kondisyon ng lung cancer. Ito ay maaring malunasan sa pamamagitan ng surgery, chemotherapy at radiation therapy. BrownAng brown na plema ay palatandaan rin ng posibleng nakaranas ng bleeding ang ating baga. Habang ang red o pink na plema naman ay nangangahulugan na posibleng nakakaranas ng bleeding ang baga ng katawan. Ilan sa sakit na maaring magdulot nito ay sumusunod:
Bacterial pneumonia na nagsisimula sa yellow o green na plema na maaring magkulay brown kapag lumala na. Bacterial bronchitis na nag-proproduce rin ng brown na plema kapag lumala na. Cystic fibrosis na palatandaan rin ng paglala ang pagkakaroon ng brown na plema. Pneumoconiosis o ang pagkakalanghap ng mga iba’t-ibang uri ng dust tulad ng coal, asbestos, at silicosis na nauuwi sa hindi na nalulunasan na lung disease. Lung abscess o ang pagkakaroon ng nana sa baga. Maliban sa brown na plema ang iba pang sintomas nito ay night sweats, loss of appetite at ubong may plemang mabaho. Nalulunasan naman ang lung abscess sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotics. BlackAng itim na mucus color ay indikasyon naman ng pagkakaroon ng fungal infection. Agad na dapat itong maipaalam sa isang doktor lalo na kung ang taong nakakaranas nito ay may mahinang immune system.
Maliban sa fungal infection ang itim na kulay ng plema ay maaring dahil rin sa sumusunod:
Paninigarilyo. Pneumoconiosis o black lung disease na madalas na nararanasan ng mga taong nai-expose sa coal dust. Maliban sa pag-ubo ng maitim na plema nakakaranas rin ng hirap sa paghinga ang nagtataglay ng sakit na ito. Nalulunasan naman ito ng mga gamot na kung tawagin ay bronchodilators na nagbubukas sa lung passages.Healthline, Medical News Today, Premier Health, Wexner Medical, WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.