Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5269

Pusod ng baby: Tamang paraan ng pag-alaga at paglinis nito

$
0
0

Ang pusod ng baby ay ang pinagtanggalan ng umbilical cord na nagdurugtong sa sanggol at sa kaniyang ina noong ito ay nasa sinapupunan pa.

Ito ay nakakabit sa placenta o inunan at dinaraanan ng oxygen at mga nutrina na kailangan ng sanggol habang siya ay nasa loob pa ng tiyan ng kaniyang ina.

Halaga ng umblical cord para sa isang baby nasa loob ng sinapupunan

Sa umbilical cord rin dumadaan ang mga dumi na lumalabas mula sa katawan niya. Samakatuwid, ang umbilical cord ang nagbibigay buhay sa isang fetus bago ito tuluyang maipanganak at lumabas sa mundo na kalalakihan niya.

Mahalaga ang umbilical cord lalo sa mga sanggol na nasa loob pa lamang ng sinapupunan ng kanilang mga ina, sapagkat dito sila kumuha ng sustansiya. | Larawan mula sa Pixabay

Pagkapanganak, pinuputol ang umbilical cord ng isang sanggol dahil sa kakayahan na nitong huminga, dumede at maglabas ng dumi mula sa kaniyang katawan ng mag-isa.

Mag-iiwan ng stump o maliit na parte ng umbilical cord sa labas ng tiyan ng isang sanggol na hihiwalay at malalaglag din ng kusa kinalaunan.

Samantala, ang butas na kinalagyan nito sa tiyan ng baby ay kusang magsasara at matutuyo na tinatawag na belly button o pusod ng baby. Mula sa pagkapanganak hanggang hindi pa ito tuluyang natutuyo, ang pusod ng baby ay nangangailangan ng maayos at maingat na pangangalaga.

Sapagkat ito ay isang bukas na sugat na nakakonekta sa tissue sa loob ng tiyan ng baby, ang pusod ng baby ay maaaring makasakit sa kaniya at maaari ring maimpeksyon kapag napabayaan.

Pusod ng baby

Sa una ang stump sa pusod ng baby ay kulay dilaw na nagkukulay brown o gray habang natutuyo. Kapag lubusang tuyo na ay magkukulay itim ito bago tuluyang matanggal nang mag-isa.

Kadalasan tumatagal ng isa hanggang tatlong linggo bago matuyo ang pusod ng isang sanggol. Subalit kung lumampas na ang tatlong linggo at ito’y hindi pa natutuyo, kailangang magpunta agad sa doktor dahil ito ay maaaring sensyales na ng impeksyon na kailangan ng agarang solusyon.

Bakit mabaho ang pusod ng baby?

Normal lamang na tila may amoy ang pusod ni baby o mabaho, lalo na kung hindi pa ito tuyo. Mapapansin na tila may clear at sticky na fluid na lumalabas mula rito. Ito ay parte lamang ng healing process ng pusod ng iyong baby.

Paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa pusod ng isang sanggol para makaiwas sa mga impeksyon?

Tips na dapat tandaan sa paglilinis ng pusod ng isang sanggol

Dapat dahan-dahan lamang ang paglilinis sa pusod ng bagong silang na sanggol. | Larawan mula sa iStock

Panatilihing tuyo ang pusod ng iyong sanggol. Kung ito ay mababasa, dahan-dahan itong punasan o dampian ng malambot na tela o lampin. Maaari ring gumamit ng Q-tips o cotton buds para punasan ito ng dahan-dahan. Noon, ipinapayo ng mga doktor na linisin ito sa pamamagitan ng 70% rubbing alcohol. Subalit ayon sa mga bagong pag-aaral ay pinapatay umano ng rubbing alcohol ang mga bacteria na nakakatulong sa mas mabilis na pagtuyo at paghihiwalay ng stamp sa pusod ng baby. Sa pagsusuot ng diapers, itupi ang taas ng diapers para maiwasan ang pagkakakiskis ng diapers mula sa stump. Maaaring magdulot ito ng sakit at pamamaga sa pusod ng baby. Ang paraan ding ito ay makakaiwas upang malagyan ng dumi o ihi mula sa diapers ni ang pusod ni baby. Sa ngayon ay may mga diapers na nabibili para sa mga new born na may space o area ng nakatupi para sa pusod ng isang sanggol. Gumamit ng malinis na damit na ipapasuot kay baby. Maaaring gumamit ng tela o bigkis sa pusod ng baby ngunit kailangan ito ay hindi makapal upang mapasukan pa rin ng hangin na makakatulong sa mabilis at natural na pagpapatuyo nito. Imbis na paliguan, maaaring punasan lang ng basing bimpo ang bagong panganak na baby upang hindi mabasa ang pusod nito.

BASAHIN:

7 Tips sa pagpapaligo kay baby

What are Newborn Apgar Scores and what does my Baby’s Score mean?

Ulo ng bagong-silang mong sanggol: anong normal at hindi?

Tamang paraan ng paglilinis o pagpupunas sa bagong silang na sanggol para maiwasang mabasa ang pusod nito o maging mabaho ang pusod ni baby Ilatag ang tuyo at malinis na tuwalya sa sahig sa mainit na parte ng iyong bahay. Pahigain si baby sa tuwalya. Magbasa ng washcloth o bimpo at pigaan ito para walang tumutulong tubig mula rito. Punasan ng dahan-dahan ang katawan ng baby at iwasan ang pusod nito. Pagtapos punasan ang leeg at kili-kili kung saan madalas na naiipon ang gatas na denede ng baby. Punasan ang katawan ng baby ng tuyong tuwalya upang tuluyang matuyo. Bihisan ng malinis na damit ang baby na hindi masikip at hindi rin maluwag sa kaniya.

Mahalaga na alam natin ang tamang paglilinis ng pusod ng bagong silang na sanggol. Upang mabilis na gumaling ang sugat o matuyo ang pusod nito. | Larawan mula sa iStock

Senyales naman ng impeksyon na dapat bantayan sa pusod ng iyong bagong silang na anak Nana sa pusod isang sanggol Pagdurugo Pamamaga o pamumula ng pusod ng isang sanggol Mabahong amoy mula sa pusod ng isang sanggol Pagkakaroon ng isa sa mga senyales na sinasabayan ng lagnat

Kapag napansin ang mga sensyales na ito sa pusod ng iyong bagong panganak na sanggol. Dalhin agad ito sa doktor upang magamot at mabigyan ng kaukulang medical na atensyon na kailangan.

Sapagkat ang mga senyales na ito ay maaaring sintomas na ng impeksyon o kumplikasyon sa pusod ng iyong bagong silang na anak na kung tawagin ay omphalitis.

Ang omphalitis ay ang medikal na tawag sa pamamaga o impeksyon sa pusod ng bagong silang na sanggol. Ito ay hindi pangkaraniwan subalit nakakamatay kapag napabayaan.

Umbilical Hernia at Umbilical Granuloma

Tandaan ang tamang mga paraan ng paglilinis sa pusod ng bagong silang sanggol upang maiwasan ang impeksyon. | Larawan mula sa iStock

Samantala ang pagkakaroon naman ng “innie” o “outie” na uri ng pusod ay walang medikal na kahulugan. Ngunit minsan ang pagkakaroon ng “outie” o tila palabas na pusod ng bagong silang na sanggol ay maaaring sensyales ng umbilical hernia. Ito ay dahil sa pressure ng stomach muscles na nagtutulak sa intestines at taba mula sa tiyan ng baby.

Ang umbilical hernia ay hindi masakit at naaayos rin ng kusa habang lumalaki si baby.

Ang umbilical granuloma naman ay ang tila maliit na kulay pulang bukol sa pusod ng baby. Makikita ito ilang linggo matapos matanggal ang stump mula dito. Hindi naman ito seryosong problema ngunit ang doktor na ang makakapagsabi kung paano ito gagamutin para mawala.

Ang tamang pag-aalaga sa pusod ng bagong silang na sanggol ay hindi dapat binabalewala. Sapagkat ito ay napakasensitibo na maaaring maging banta sa buhay ng isang bagong silang na sanggol kapag napabayaan.

Kung makakita ng hindi pangkaraniwan o may agam-agam sa itsura ng pusod ng baby. Mabuting pumunta agad sa doktor para makasigurado.

Sapagkat ang katawan ng bagong silang na sanggol ay mahina pa. Kaya naman kailangan ng mahigpit na pag-iingat at pag-aalaga upang masiguradong maibibigay ang sapat na pangangailangan nila.

WebMD, Mayo Clinic, HealthLine, EMedicine, MyHealth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5269

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>