Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5225

Bakuna para sa buntis: Dalawang bakuna na kailangan ng nagdadalang-tao

$
0
0

May bakuna para sa buntis na ligtas at makakabuti sa kaniyang pagdadalang-tao. May mga bakuna rin na hindi ipinapayong ibigay sa kaniya dahil sa maaaring magkaroon ng masamang epekto ito sa dinadala niyang sanggol.

Bakuna para sa buntis, ano ang ligtas at hindi?

Larawan mula sa Baby photo created by tirachardz – www.freepik.com

Ang bakuna o vaccine ay ibinibigay sa isang tao bilang dagdag proteksyon niya laban sa mga sakit. Ayon sa WHO o World Health Organization, sa tulong nito ay mas napapapalakas ang natural defense ng katawan laban sa ilang uri ng karamdaman. Mas pinapalakas nito ang immune system ng katawan sa pamamagitan ng pag-tetrain sa mga antibodies sa loob nito.

Pero pagdating sa pagdadalang-tao, bagama’t ang mga buntis ay kailangan ng dagdag na proteksyon laban sa sakit, hindi lahat ng vaccine o bakuna ay maaaring ibigay sa kaniya.

Sapagkat may mga bakuna na imbis na makatulong ay maaaring maging simula pa ng problema sa kaniyang kalusugan at maging banta sa kaniyang pagdadalang-tao.

Ayon pa rin sa WHO, may dalawang uri ng vaccine. Una, ang gawa sa killed o inactivated viruses. Habang ang pangalawa naman ay ang gawa sa weakened o pinahinang form ng virus o germs.

Sa nabanggit na dalawang uri ng vaccine, inirerekumendang ang dapat lang ibigay sa buntis ay ang bakunang gawa sa inactivated version ng virus. Hindi ang mga gawa sa weakened version ng virus na maaaring makasama pa sa kaniyang kalusugan.

Ligtas na bakuna para sa buntis

Ayon kay Dr. Yvonne S. Butler Tobah, may dalawang vaccine lang ang ligtas na ibigay sa babaeng nagdadalang tao. Ito ay ang flu at tetanus toxoid vaccine.

Sapagkat ang dalawang ito ay gawa sa inactivated version ng virus. Si Dr. Tobah ay isang OB-Gynecologist mula sa Rochester, Minnesota na aktibong miyembro at contributor rin ng health website na Mayo Clinic.

Flu (influenza) vaccine

Ayon sa CDC, ang flu vaccine ay napakahalagang maibigay sa buntis. Sapagkat pinoprotektahan nito ang buntis at kaniyang sanggol na makaiwas sa mga flu-associated pregnancy complications.

Tulad na lang ng preterm labor at preterm birth. Nagiging dagdag proteksyon rin ito ng sanggol na makaranas ng pneumonia at flu matapos siyang maipanganak.

Ang flu shot ay maaaring ibigay sa kahit anumang trimester. Pero ayon kay Dr. Tobah, ang flu vaccine ay mainam na maibigay sa buntis bago ang panahon ng flu season. Dito sa Pilipinas, ang flu season ay sumasabay sa rainy season.

Kaya naman inirerekumendang makakuha ng flu vaccine ang buntis sa buwan ng Pebrero hanggang Hunyo. Ito ay para maprotektahan siya mula sa kumakalat na flu strain sa mga buwang ito.

Pero dagdag ni Dr. Tobah, ang flu shot na ibinibigay sa pamamagitan ng injection lang ang ligtas para sa buntis. Hindi ang influenza nasal spray vaccine na gawa sa live virus.

Dagdag naman ng CDC, kahit nakapanganak na ang buntis ay mabuti pa ring mabigyan siya ng flu vaccine. Ito ay inirerekumendang ibigay taon-taon bilang proteksyon sa mga kumakalat na bagong strain nito.

Pero ang flu vaccine ay hindi kasama sa mga libreng ipinamimigay sa mga health centers dito sa bansa. Kung nais makakuha nito ay kailangang makipag-ugnayan sa mga pribadong health clinics o pharmacy. Ito ay nagkakahalaga ng P450-P500 kada shot.

Tdap vaccine o anti tetanus para sa buntis

Ang isa pang bakuna para sa buntis na proven safe ay ang tetanus and diphtheria toxoids with acellular pertussis o mas kilala sa tawag na Tdap. Tulad ng flu vaccine, ito ay gawa sa inactivated virus.

Ayon kay Dr. Tobah, ito ay inirerekumendang ibigay sa buntis sa pagitan ng 27-36 weeks ng kaniyang pagdadalang-tao. Sapagkat sa ito ay nakakatulong para maprotektahan ang sanggol sa whooping cough o pertussis kapag siya ay naipanganak na.

Ang kondisyong ito ay lubhang napakadelikado para sa mga sanggol. Sapagjkat maaari silang hindi na lamang basta makahinga dahil rito; na maaaring maging dahilan ng kanilang maagang pagkasawi.

Ayon naman sa CDC, ang isang babae ay kailangang mabigyan ng isang dose nito sa kada niya pagbubuntis. Sa oras na hindi mabigyan nito ang isang babae habang siya ay nagdadalang-tao, dapat ay agad na maibigay ito sa kaniya matapos siyang manganak.

Hindi tulad ng flu vaccine, ang anti tetanud para sa buntis ay libreng ipinamimigay sa mga health centers sa bansa.

Covid-19 vaccine: Bakuna sa buntis

Kung ikaw ay buntis o nagpaplanong magbuntis, inirerekomenda ang bakuna laban sa COVID-19.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi nagdudulot ng anumang seryosong panganib para sa mga taong buntis o kanilang mga sanggol.

Kung ikaw ay buntis pagkatapos matanggap ang unang dosis ng isang bakuna sa COVID-19 na nangangailangan ng dalawang dosis, inirerekomenda na makuha mo ang iyong pangalawang bakuna. Inirerekomenda rin na makatanggap ang mga buntis ng COVID-19 booster shot kapag oras na.

Kung maaari, ang mga taong kasama mo sa tirahan ay dapat ding mabakunahan laban sa COVID-19 upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit.

BASAHIN:

6 mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao

5 signs para malalaman kung mababa na ang tiyan ng buntis

Maliit magbuntis? Alamin kung bakit ito nangyayari

Mga bakuna para sa buntis: BEFORE pregnancy

Larawan mula sa Medical photo created by freepik – www.freepik.com

Ang panahon ng preconception ay nag-aalok ng isang natatanging pagkakataon upang ma-check ang iyong immunization records at suriin ang mga ito kasama ng iyong pangunahing tagapagbigay ng pangangalaga. Ang ilang mga bakuna ay dapat isaalang-alang para sa lahat ng kababaihan na umaasa na magbuntis.

Measles, mumps, and rubella (MMR)

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at American College of Obstetrics and Gynecology (ACOG) ang pagrekomenda ng kaligtasan sa tigdas bago mabuntis ang isang babae.

Maaaring suriin ng iyong doktor ang iyong immunization record at matukoy kung mayroon kang sapat na bilang ng mga bakunang MMR.

Kung hindi, o kung hindi mo mahanap ang iyong records, maaaring mag-order ang iyong doktor ng pagsusuri sa dugo upang suriin ang iyong kaligtasan sa sakit at bigyan ka ng booster shot kung kinakailangan.

Ang MMR booster shot ay isang live-attenuated (weakened) virus vaccine. Matapos itong matanggap ng isang babae, inirerekomenda ng CDC na maghintay ng apat na linggo bago subukang magbuntis dahil sa mga teoretikal na panganib sa fetus na may mga live na bakuna.

Gayunpaman, kung ang pagbubuntis ay nangyari sa loob ng apat na linggong window, huwag mag-alala! Ang rekomendasyong ito ay batay sa mga teoretikal na panganib. Sa katunayan, walang mga ulat ng pinsala sa isang fetus dahil sa ganitong uri ng pagkakalantad.

Varicella zoster virus

Maraming kababaihan sa edad ng panganganak ang maaaring nagkaroon ng bulutong-tubig (varicella) o nakatanggap ng bakuna noong bata pa.

Dahil ang bulutong-tubig ay maaaring makapinsala sa isang buntis at sa kanyang fetus, ang pagtatasa ng iyong immunity sa bulutong-tubig ay isang magandang ideya bago magbuntis.

Kung hindi ka immune, ito ang magandang panahon para magkaroon ng bakuna. Katulad ng MMR booster, ang VZV vaccine ay isang live-attenuated virus vaccine. Ang isang babae ay dapat magkaroon ng bakunang ito ng hindi bababa sa apat na linggo bago tangkaing magbuntis.

Human papillomavirus (HPV)

Nakakatulong ang bakunang ito na maiwasan ang mga bagong impeksyon sa HPV at mga sakit na nauugnay sa HPV, kabilang ang cervical cancer.

Inirerekomenda ito para sa mga kabataan at mga taong hanggang sa edad na 26, ngunit ang mga edad na 27 hanggang 45 taon ay maaari ding makinabang. Talakayin ito sa iyong doktor.

Bagama’t hindi inirerekomenda ang bakuna sa HPV sa panahon ng pagbubuntis, ang hindi sinasadyang pagkuha nito sa panahon ng pagbubuntis ay hindi nauugnay sa pinsala para sa iyo o sa iyong sanggol.

Hindi ligtas na bakuna para sa buntis

Para naman sa kaligtasan ng buntis at kaniyang sanggol, ang mga sumusunod ang mga bakuna para sa buntis na HINDI inirerekumendang maibigay sa buntis.

Ito ay nagtataglay ng live virus na maaring makasama sa kaniyang pagdadalang-tao. Nauna nang nasabi sa artikulong ito na ito na ang ilan sa mga ito ay dapat naibigay na bago man maging buntis ang isang babae.

Human papillomavirus (HPV) vaccine Measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine Live influenza vaccine (nasal flu vaccine) Varicella (chicken pox) vaccine Travel vaccines na yellow fever, typhoid fever, at Japanese encephalitis Maaari bang makapinsala ang isang bakuna sa aking namumuong sanggol?

Ang ilang mga bakuna, lalo na ang mga live na bakuna, ay hindi dapat ibigay sa mga buntis dahil maaari itong makapinsala sa sanggol. Tandaan na ang mga rekomendasyon sa bakuna para sa mga buntis ay binuo nang may pinakamataas na safety concerns para sa ina at sanggol.

Ligtas ba ang mga bakuna kung ako ay nagpapasuso?

Oo. Ligtas na makatanggap ng mga regular na bakuna pagkatapos manganak, kahit na ikaw ay nagpapasuso.

Gayunpaman, ang bakuna sa yellow fever ay hindi inirerekomenda para sa mga babaeng nagpapasuso maliban kung ang paglalakbay sa ilang mga bansa ay hindi maiiwasan at ang iyong doktor ay nagpasiya na ang mga benepisyo ng pagbabakuna ay mas malaki kaysa sa mga panganib.

Makipag-usap sa iyong healthcare provider kung isinasaalang-alang mo ang bakuna sa yellow fever.

Mga bakuna para sa buntis: bakit importante ito?

Larawan mula sa Pexels

Ang pagkuha ng bakuna sa COVID-19, bakuna laban sa trangkaso at ang anti tetanus para sa buntis sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring maprotektahan ka mula sa impeksyon at makakatulong din na protektahan ang iyong bagong panganak pagkatapos ng kapanganakan bago mabakunahan ang iyong sanggol.

Mahalaga ito dahil ang mga sanggol na wala pang 1 taong gulang ay maaaring nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng malalang sakit kung ihahambing sa mas matatandang mga bata. Gayundin, ang trangkaso at whooping cough ay maaaring maging partikular na mapanganib para sa mga sanggol.

Para madagdagan ng kaalaman tungkol sa bakuna na para sayo, mabuting makipag-usap sa iyong doktor. Ito ay para mas malinawagan at mabigyan ng dagdag kaalaman sa kung anong makakabuti sayo at sa dinadalang mong sanggol.

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores

Mayo Clinic, WHO, CDC, Harvard Health

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5225

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>