Kung madalas sumakit ang iyong dibdib matapos kumain, nahihirapan ka sa paglunok, at parating nagsusuka, baka nakararanas ka na ng sintomas ng acid reflux. Narito ang mga impormasyong dapat tandaan upang maagapan at maiwasan at malaman ang mga gamot sa acid reflux.
Mababasa sa artikulong ito:
Ano ang acid reflux? Sintomas ng acid reflux Sanhi ng GERD Gamot sa acid reflux Ano ang acid reflux?Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay nangyayari kung ang acid sa tiyan ay madalas na umaakyat sa esophagus. Ang acid reflux na ito ay nakakairita sa lining ng iyong esophagus.
Maraming tao ang nakararanas ng acid reflux paminsan-minsan. Kung mayroong GERD, maaaring makaranas ng mild acid reflux dalawang beses isang linggo, o moderate to severe acid reflux higit isang beses kada linggo.
Depende sa sakit na nararanasan kung may GERD, maaaring humupa ang GERD sa pamamagitan ng ilang lifestyle changes, home remedires at over-the-counter na gamot. Ngunit mayroong ding kailangan ng mas matapang at mataas na dosage ng gamot.
Ang acid reflux, na kilala rin bilang acid indigestion, ay nangyayari kapag gumagalaw ang tiyan acid mula sa tiyan at sa lalamunan.
Sa ilalim ng normal na pangyayari, ang mga kalamnan sa ilalim ng lalamunan – na kilala bilang mas mababang esophageal sphincter (LES) – ay nagsisilbing hadlang upang maiwasan itong mangyari.
Subalit kung ang mga kalamnan ay mahina o lundo at huwag isara ang lahat ng mga paraan, pagkatapos ay maaaring mangyari ang kati.
GERD vs Acid RefluxAng GERD at acid reflux ay dalawang sakit na maaaring mag-trigger ng masakit na sensasyon mula sa tiyan hanggang sa esophagus. Kahit na ang dalawang salita ay hindi talaga magkaiba, kinakailangan pa rin kumonsulta sa doctor kapag ang iyong acid reflux ay lumala.
Kilala rin ang GERB bilang Gastroesophageal Reflux Disease, isa itong abnormal na kondisyon kung saan ang acid sa tiyan ay umakyat hanggang esophagus.
Ang asido kati, sa kabilang banda, ay hindi isang sakit kundi isang kondisyon kung saan ang mga nilalaman ng acid mula sa tiyan ay umakyat rin.
Maaaring mangyari sa lahat ang pagkakaroon ng GERD at acid reflux. Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng acid reflux dalawang beses sa isang linggo.
Subalit kung ito ay higit pa sa nangyari, asahan mo na ikaw ay may GERD. Ang asido kasi ay nangyayari dahil sa isang abnormality sa esophageal sphincter.
Kung saan dapat na i-block ang mga nilalaman na acid pataas mula sa tiyan. Dahil hindi nito ma-block ang acid, kaya’t ito ay umakyat hanggang sa dibdib at esophagus na nag-iiwan ng damdamin ng heartburn.
Paano matutuklasan kung ikaw ay may hyperacidity?Malalaman na ikaw ay may dyspepsia kapag sinuri ang iyong tiyan. Aalamin ng doktor kung ikaw ay uminom ng aspirin, ibuprofen at iba pang gamot na nagpaparami ng asido sa tiyan. Maaari ka ring bigyan ng antacid para makita kung gagaling agad ang karamdaman.
Kapag mahirapan ang doktor malaman ang sanhi ng hyperacidity, ikaw ay sasailalim sa endoscopy.
Magpapasok ang doktor ng mahabang tubo mula bibig hanggang tiyan upang lubos na ma-obserbahan ang lalamunan, sikmura at dami ng asido.
Sintomas ng acid refluxObserbahan kung nakararanas ka ng mga sumusunod na sintomas ng acid:
Burning sensation sa iyong dibdib (heartburn), kadalasan matapos kumain, at mas malala sa gabi Pananakit ng dibdib Hirap sa paglunok Pag-akyat o pagsuka ng kinain Pakiramdam na may lump sa iyong lalamunan Masakit at matigas na tiyanGamot sa acid reflux | Image from Freepik
Kung nakararanas ng sintomas ng acid reflux sa gabi, maaari ring magkaroon ng:
Chronic na ubo Laryngitis Bago o mas lumalalang hika Paputol-putol na pagtulogHumanap ng dagliang medical care kung naninikip ang iyong dibdib at nahihirapan kang huminga, o kung masakit ang iyong panga o braso. Ito ay maaaring sintomas ng atake sa puso.
Marapat lang na magpakonsulta agad sa doktor kung nakararanas ng madalas o malalang sintomas ng acid reflux o GERD, at kung umiinom ng gamot para sa heartburn higit sa dalawang beses isang linggo.
BASAHIN:Acid reflux sa mga buntis: 6 na kailangan malaman tungkol dito
Nakakaranas ng pananakit ng tiyan? Maaaring STD na iyan!
Pintig sa tiyan, maaaring sintomas na ng isang seryosong sakit!
Sanhi ng GERDAng kadalasang sanhi ng GERD ay acid reflux. Kapag ikaw ay lumulunok, ang circular band ng muscle sa ilalim ng iyong esophagus, ang lower esophaegeal sphincter, na nagrerelax upang makapasok ang pagkain at inumin sa iyong tiyan. Pagkatapos nito, dapat ay magsara na ulit ang sphincter.
Kung hindi tama ang pagbukas at pagsara ng sphincter, nakakalabas ang stomach acid paakyat ng iyong esophagus. Kung madalas ang pag-akyat ng acid, naaapektuhan ang lining ng esophagus kaya namamaga ito.
Gamot sa acid reflux | Image from Freepik
Risk factorsMas malaki ang tiyansiyang magkaroon ng GERD ang mga taong sumusunod:
Obese May hiatal hernia Buntis May connective tissue disorders, gaya ng scleroderma ConstipatedAng iba pang risk factors na maaaring magdulot ng sintomas ng acid reflux ay:
Paninigarilyo Pagkain nang marami at pagkain sa disoras ng gabi Pagkain ng trigger foods gaya ng matataba o pinirito Pag-inom ng alcohol o coffee Pag-inom ng partikular na gamot gaya ng aspirin KomplikasyonHindi dapat binabalewala ang GERD. Kung mapabayaan, ang chronic inflammation ng iyong esophagus ay maaaring humantong sa esophageal stricture, esophageal ulcer, at Barrett’s esophagus.
Kaya naman kung nakakaranas ka ng mga ganitong sintomas mas mabuting magpatingin agad sa iyong doktor. Sa pamamagitan nito malalaman mo ang iyong kundisyon at masusulusyunan ito agad.
Gamot sa acid reflux | Image from Freepik
Gamot sa acid reflux home remedy at lifestyle changesMay ilang puwedeng baguhin sa iyong lifestyle upang mabawasan ang sintomas ng acid reflux. Narito ang mga maaari mong subukan na home remedies at lifestyle change:
Panatilihin ang malusog na timbang – Kumain ng naaayon sa timbang at edad ang lubos na pagkain ay nagdudulot ng komplikasyon sa katawan.Itigil ang paninigarilyo – Ang patuloy na paninigarilyo ay nagdudulot ng Pagtaas na produksyon ng acid Itaas ang ulunan ng kama – Kapag nakaramdam ng hapdi sa dibdib pwede mong itaas ang iyong unan saulunan, para makaramdam ng ginhawa,.
Huwag humiga agad pagkatapos kumain – Bigyan ng oras ang iyong katawan upang tunawin ang iyong mga kinain,
Kumain nang marahan, at nguyain nang maigi ang pagkain Iwasan ang mga pagkain at inumin na nakaka-trigger ng sintomas ng acid reflux. Tulad ng matataba o pinrito, tomato sauce, chocolate, garlic, onion, tomato sauce, caffeine, at alcohol. Ganoon din ang mga maanghang na pagkain at maaasim, pati na ang pag-inom ng softdrinks. Iwasang magsuot ng masikip na damit. Gamot sa acid reflux
Narito ang mga gamot na maaaring ireseta sa ‘yo ng iyong doctor:
Prokinetics – Ito ay makakatulong upang mabawasan ang amount ng acid sa iyong tyan. H2 blockers – Nagpapabagal ng production ng acid sa tyan Foaming agents (Gaviscon) – Pinoprotehtahan ang iyong tyan sa acid reflux Proton pump inhibitors (Prilosec, Prevacid, Protonix, Nexium) – nababawasan ang bilang ng acid na ginagawa sa iyong tyan.Tandaan na dapat munang magpakonsulata sa doktor at magkaroon ng reseta bago makabili at makainom ng mga gamot na ito.
Mayroon ring mga over-the-counter na gamot na madaling bilhin at hanapin para sa acid reflux na makatutulong sa iyong sikmura:
Buscopan Kremel S Bisodol Gaviscon SimethiconeLagi pa ring alamin ang tamang gamot na dapat inumin sa mga nararanasang sintomas at sakit ng tiyan upang maiwasan ang paglala nito at ibang komplikasyon. Mainam pa rin ang pagkonsulta at pagsunod sa payo ng mga eskperto.
Iba pang palatandaan na dapat bantayanBukod sa mga nabanggit na sintomas ng acid reflux o ng GERD. May iba pang palatandaan din na dapat obserbahan at bantayan. Ang akalang simple lamang na pananakit ng likod at mahapding lalamunan.
Maaaring ikaw ay nakararanas na ng acid reflux o inaacid na sikmura. Kaya tignan sa ibaba ang iba pang sintomas nito at upang malaman kung anong gamot ang maaaring i-take para sa acid reflux:
Madalas na kinakabag o palagian o labis na pagdighay Ang pakiramdam na laging busog o kapansin-pansin ang pagiging bloated ng tiyan Bukod sa matigas na tiyan, kabilang din ang pananakit ng itaas na parte ng iyong tiyan Pagtatae. Tignan din kung ang tae ba ay lusaw at basa, isa itong indikasyon na ikaw ay nakararanas ng hyperacidity o acid reflux Mahapding lalamunan Kabilang din sa mga senyales ng acid reflux ang pagsakit ng iyong likod Ang pakiramdam na pangangailangang kumain ulit kahit na katatapos lamang kumain. Pagkaing dapat iwasan at limitahanTotoong hindi mapanganib ang anumang nararamdaman sa katawan kung maaga mong makikita at malalaman ang mga sintomas nito.
Gaya ng acid reflux, hindi ito mapanganib maliban na lamang kung alam ang tamang pag-iwas at kung mayroong maayos na lifestyle ang isang tao at mga gamot na iniintake para rito.
Sakit ito na nagbibigay iritasyon sa ating tiyan, at ang lahat ng sintomas ang siyang nagbibigay discomfort naman para sa atin. Kung balanse ang pagkonsumo sa mga pagkain, at may maayos na digestion ay hindi nga naman ito mararanasan.
Malaki ang kaugnayan ng mga kinakain natin sa araw-araw sa anumang nangyayari sa ating mga katawan. Bukod sa paglilimita sa madadami at malalaking servings ng pagkain na nagiging dahilan ng pagbanat at pagiging sensitibo ng ating asido.
Marapat na alamin din natin ang mga pagkaing dapat iwasan at limitahan upang maiwasan din ang paggastos para sa mga gamot sa acid reflux o GERD. Anumang maalat na pagkain ay hindi masama sa katawan kung mayroong tinatalagang limit sa pagkonsumo nito. Kabilang din ang ang mga high-sodium condiments na nangangailangan ng control sa pagkonsumo, tulad ng soy sauce at ketchups. Mga fried foods o pritong pagkain. Ang pagkaing may mantika o mamantika ang nagpapabagal ng digestion o pagkatunaw nito sa ating mga tiyan. Ito ang nagdudulot ng labis na asido at pressure sa tiyan. Mga pagkaing mayroong preservatives. Likas sa ating mga Pilipino ang kumain ng mga matatamis na pagkain every after meal. Pantanggal umay kung ating tawagin. Ngunit dapat na limitahan lamang ang pagkain ng mga ito, dahil nakapipinsala ito sa tiyan at magdudulot ng hyperacidity mula sa high in artificial sugar na mayroon ang mga ito. Coffee o kape. Mahirap alisin sa atin ang pag-inom ng kape lalo na’t bahagi ito ‘di lang ng ating umaga, kundi ng ating buong araw. Nakatutulong ito sa pagiging produktibo, ika nga. Ngunit ang labis na pag-inom nito ay mag-iistimula sa gastric acid sa ating mga sikmura patungo sa esophagus. Pareho ang epekto ng kape sa mga carbonated drinks, dahil mataas din ang lebel ng artificial sugar content nito, kaya’t mainam ang paglilimita at pagkontrol sa pag-inom ng mga ito. Meats o red meats. Mahirap ang pagtunaw ng meats sa katawan, lalo na ang mga karneng may mataas na bilang ng fats. Mas nakasasama ang pagkain nito lalo na kung ikaw ay mayroong recurring acid reflux o kasalukuyang nararanasan ito. Mas mainam ang pag-take ng low acid-producing na gulay at prutas. Karagdagang ulat mula kay Jasmin PolmoMayo Clinic, Medical News Today, WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.