Mababasa sa artikulong ito:
10 larong Pilipino na maaari mong ituro sa iyong anak Mekaniks at mga guidelines ng mga laro Magandang epekto ng pisikal na mga laro sa iyong anakAng mga tradisyunal na larong Pilipino ay sadyang nakapang-aakit, at kakaiba. Isang napakagandang bagay pa tungkol dito ay pwede itong laruin ng kahit sino at kahit saan.
Maaari mo rin itong ituro sa iyong mga chikiting dahil ang ilan sa mga laro ay maaari ring magsilbing pisikal na ehersisyo para sakanila. Nag enjoy ka na, lulusog ka pa!
Narito ang sampung larong pambata para sa mga batang Pilipino na maaari mong ituro sa iyong anak.
larawan mula sa: Pinterest
10 na mga larong pambata sa mga batang Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting 1. PatinteroAng larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagama’t mas kilala ito sa Bulacan. Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro.
Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban.
Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro.
Larawan mula sa screenshot sa TFC The Filipino Channel sa Youtube
Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro.
Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya.
2. Luksong LubidAng larong pambata na ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro.
Simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma.
Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter.
Sa larong ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali.
Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo.
Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tiyansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.
3. Palo SeboHindi makukumpleto ang pistang Pilipino kung walang Palo Sebo.
Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas.
Screenshot mula sa Timmy Basil channel sa Youtube
Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo.
Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito. Ligtas naman ito pero hindi nirerekomenda na laruin ng mga batang wala pang hustong gulang at lakas
4. SiyatoKung tatanungin mo ang mga bata sa Visayas tungkol sa larong Pitiw (syato), ay kilalang kilala nila ito. Dalawang manlalaro ang maglalaban dito.
Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito.
Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base.
Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin.
Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “siyato” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.
5. TaguanIsang larong pambata sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga. Ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek.
Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”.
Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base.
Screenshot mula sa Nikeson Kino-ol channel sa Youtube
Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kaniyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago.
Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”.
Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.
BASAHIN:21 best toys para kay baby, according sa kanilang month
Bored na si bagets? Narito ang 4 activities na pwedeng gawin kahit nasa bahay lang
Mga Palarong Pinoy na maaaring ituro sa inyong mga anak
6. SipaTinatawag na Tepak Sakraw sa Indonesia at Sepak Raga sa Malaysia, ang larong ito ay madaling makikita sa lansangan sapagkat mga punit punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan.
Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang parte ng katawan.
Screenshot mula sa Tropang Bagong Sibol channel sa Youtube
Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay tapos na ang laro.
Madalas kang makakakita ng mga batang naglalaro ng sipa sa mga pampublikong paaralan ng Bulacan, pagkatapos ng kanilang mga klase.
7. Bahay bahayanKatulad ng larong pambata na ito ang Titser Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng doktor).
Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay, partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika.
Ang karaniwang ginagawa ng ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing pagkain.
Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak.
Kalat ang kasikatan ng larong ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin.
8. Jack-en-poySa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper-Scissors.
Ang larong ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro.
Screenshot mula sa Pambata TV channel sa Youtube
Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting.
Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy, hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy! Kinahihiligan ito ng karamihan sa Maynila.
9. TrumpoSa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang Spinning Top sa Ingles, Spun Tsa Lin sa Intsik at Koma Asobi sa Hapon.
Isa itong larong Pilipino na may dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito.
Una, ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako.
Screenshot mula sa
Emily Chen sa Youtube
Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.
Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas; tinatawag itong Batige.
10. Luksong bakaSa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod.
Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito.
Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.
Tunay ngang napaka sarap maging bata! Bilang isang magulang, paniguradong pamilyar ka sa mga larong pilipino na nabanggit, maaaring nilaro mo ang ilan sa mga iyan.
Kaya’t marapat lamang na ituro mo ito sa iyong mga chikiting.
Ang mga aktibong paglalaro na pinangungunahan ng mga bata ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataong magsiyasat kung ano ang kayang gawin ng kanilang katawan, magiging malikhain at mawiwiling maging aktibo na hindi kinakailangang pinangungunahan ng mga may-edad.
Ang pagkakaroon ng mga simpleng laruan ay nagbibigay sa inyong anak ng pagkakataong matuto sa kakayahan ng pagbubuo at pagsusubok sa mga paggalaw sa iba’t ibang pamamaraan.
11. Agawan BaseSa larong ito mayroong dalawang teams na may tig-isang base. Nakadepende sa dami ng manlalaro ang magiging miyembro ng kada grupo.
Mayroong dalawang base na pagmamay-ari ng tig-isang grupo. Kinakailangang maagaw ang base ng kalaban nang hindi natataya.
Kung ikaw naman ay nataya, ilalagay ka muna sa grupo ng kalaban at kinakailangan kang iligtas ng iyong mga kakampi. Kadalasan ay may puntos na pinagbabasehan kung saan ang grupong limang beses na nakaagaw ng base.
12. Langit-LupaIto ay isang mataya-tayang laro na mayroong dalawang base, ang langit at ang lupa. Mayroong isang taya na manghahabol sa mga manlalaro na tumatakbo sa mababang bahagi o tinatawag na lupa. Ang mga manlalaro na hindi matataya ay maaaring umakyat sa mas mataas na bahagi o tinatawag na langit.
13. PikoMayroong iginuguhit na mga kahon sa sahig at iyon ang lugar na paglalaruan. Ang mga manlalaro ay tatayo sa dulong bahagi ng kahon at ang bawat isang manlalaro ay kailangang ibato ang kanilang bato.
Kailangang tukuyin ng unang manlalaro kung paano ang basehan ng pagkapanalo. Ang pinakamalapit na bato sa lugar na napag-usapan ang unang maglalaro.
14. Pitik BulagSa larong ito ay kinakailangan lamang ng dalawang manlalaro. Ang isang manlalaro ay kinakailangang takpan ang kanyang mga mata ng kanyang kamay,samantala ang isang manlalaro naman ay pipitikin ang kamay na nakatakip sa mata.
Matapos ay sabay na magpapakita ng numero gamit ang kanilang kamay ang dalawang manlalaro. Kapag parehas ang kanilang numero ay magpapalit ang mga manlalaro ng posisyon sa laro.
15. Tumbang PresoAng tumbang preso ay isang sikat na larong Pilipino.
Kailangan ng tatlo o higit pang manlalaro dito. Ang bawat isang manlalaro ay mayroong malaking bagay na maaaring ibato na tinatawag na “pamato.” Maaari itong tsinelas o sapatos.
Maglalagay ng latang walang laman o plastic container na nasa 6 o 8 metro ang layo mula sa pwesto ng mga manlalaro. Isang manlalaro ang gaganap bilang isang preso. Ang preso ang magbabantay sa latang walang laman o plastic container.
Ang ibang mga manlalaro ay tatayo sa isang pwesto, at isa-isang ibabato ang kanilang mga “pamato” sa latang walang laman, kung saan susubukan itong itumba.
Kapag natumba na ang lata, kinakailangang itayo muli ng preso ang lata bago tayain ang mga manlalaro na susubok na kunin muli ang kanilang pamato.
Kung ang isang pamato ay naging masyadong malapit sa latang nakatayo, maaaring apakan ng preso ang lata at pamato, at ang may-ari ng pamato na iyon ang magiging bagong preso.
Maaari ring tayain ng preso ang mga manlalaro na nasa labas ng pwesto at sinusubukang kunin ang kanilang pamato.
Sa bawat bato, kailangang makuhang muli ng mga manlalaro ang kanilang pamato. Kung siya ay nataya ng peso bago pa man siya makabalik sa pwesto, siya ang magiging preso sa susunod na laro.
16. Ubusan LahiAng isang manlalaro ay susubukang hulihin ang mga manlalaro mula sa isang grupo. Ang sinomang manlalaro na mahuli ng tayang manlalaro ay magiging kakampi n anito. Mas maraming manlalaro, mas masaya.
Magsisimula ang laro kung saan iisa lamang ang manlalarong taya, at maghahanap at tatayain niya ang ibang mga manlalaro. Kapag ang isang manlalaro ay nataya, tutulong na ito para manghuli pa ng ibang manlalaro hanggang sa wala nang natira na manlalaro. Tinatawag din ang laro na ito na Bansai.
17. TeksAng teks ay maliliit na baraha na naglalaman comic strips at kinokolekta ng mga bata. Hinahagis ito hanggang sa mapunta sa sahig. Ang mananalo ay may kakayahang kunin baraha ng ibang manlalaro depende kung paano tumama o lumapag sa sahig ang mga baraha.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
AkoAyPilipino, Lucenahin, Crichele-Pinterest, YouTube, Weebly