Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

$
0
0

Kasama ka ba sa mga mommies na nakararanas ng insomnia during their pregnancy? Alamin ang iba’t ibang paraan upang malabanan mo ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

10 tips to battle insomnia durign pregnancy Paano maka-cope sa anxiety during pregnancy? 10 tips to battle insomnia during pregnancy

Larawan mula sa Pexels

Marami ang pagbabagong mararanasan ng mga nanay sa panahon ng kanilang pregnancy. Kabilang na diyan ang hormonal changes, pagbabago sa katawan, pagiging mapili sa pagkain at nandiyan din syempre ang hirap sa pagtulog. Maraming kababaihan ang nakararanas ng sleeping problems sa panahong ng pagbubuntis. Nagkakaroon ng malaking pagbabago sa quality ng kanilang pagtulog lalo sa first trimester.

Mararamdaman ng isang buntis na babae na para bang pagod siya sa buong araw, kaya nga nararamdaman niya nagiging antukin siya. Kahit pa madalas na natutulog ang mga pregnant mommy, hindi pa rin nangangahulugang hindi siya magkakaroon ng insomnia.

Tumutukoy ang insomnia sa pagkaranas ng parehong hirap sa pagtulog o sa pagpapanatiling tulog. Sa mga buntis, mas madalas na nararanasan ito sa una at pangatlong trimester nila, ngunit maaari rin naman sa kahit anong stages ng pregnancy.

Ilan sa maaaring dahilan nito ay ang madalas na pag-ihi, pagsusuka o pagkahilo, pagkakaroon ng back pains, leg cramps, breast tenderness, pagkahirap sa paghinga, abdominal discomfort o maging heartburn.

Maaaring maging dahilan din ang stress at anxiety lalo kung parating iniisip ang papalapit na panganganak at ang sakit na maaaring dalhin ng labor. Para sa mga working moms naman, nakadadagdag ang workload sa kung bakit hindi sila nakakatulog sa gabi.

Talaga naman mahirap ang ganitong kalagayan, para matulungan ang mommies sa ganitong kalagayan narito ang ilang ways upang masolusyunan ito:

Larawan kuha mula Pexels

Pagkakaroon ng healthy diet – May malaking ambag ang mga kinakain upang maging kondisyon ang katawan. Umiwas sa mga unhealthy foods at mag-develop ng healthy diet magkaroon ng magandang impact sa iyong pagtulog lalo sa gabi. Stay hydrated – Dapat ay palaging hydrated ang mga pregnant mommy dahil kinakailangan ng kanilang katawan at ni baby nito. Uminom ng maraming tubig sa umaga at bawasan ito pagpatak ng alas-7 ng gabi. Iwasan ang inuming may caffeine – Mas maganda kung hindi na muna iinom ng inuming may caffeine tulad ng kape sa panahon ng pregnancy. Kung hindi naman ito ma-eliminate magandang iwasan na lamang uminom sa hapon upang hindi manatiling gising sa gabi. Regular na mag-ehersisyo – Makakatulong ang pag-eexercise sa umaga upang mapagod ang katawan at maghanap ng pahinga pagdating ng gabi. Mag-develop ng bedtime routine – Una sa magandang ayusin upang magkaroon ng kumpletong tulog ay ang pagbabago ng body clock. Para maayos ito mas mainam na magtakda ng iyong bedtime routine para masanay ang katawan. Kumain bago matulog – Dapat ay hindi gutom kung matutulog na at hindi rin busog upang maiwasan ang pagkakaroon ng heartburn. Kumain lamang ng light sa gabi tulad ng mga pagkain mataas sa protein para mapanatili nito ang blood sugar levels. Humanap ng paraan upang maging komportable – Isa sa paraan upang makatulog nang mahimbing ay syempre ang pagkakaroon ng comfort. Maayos na kama, tamang damit, at tamang pwesto ang ilan sa maaaring tignan upang magtuloy-tuloy ang tulog. Manatiling relaxed – Magandang humanap ng paraan upang ma-relax ang sarili at huwag ma-distract sa mga bagay na nagdudulot ng stress. Tinutulungan kasi nito ang katawan para makaramdam ng antok. Magpatugtog ng nakaaantok na music – May mga taong nakatutulog kung nakikinig sa mga lullaby at iba pang nakaantok na mga kanta. Kung effective rin ito sa iyo ay maaari ring subukan. Kumonsulta sa mga professional health experts – Kung hindi na nagagawan ng paraan ang best way ay mag-consult na sa iyong doktor upang malaman kung bakit nga ba hirap makatulog sa gabi. BASAHIN:

Pregnancy Guide: When to start antenatal care and take an antenatal visit

Guide to your 5 weeks pregnancy: Symptoms and the development of your baby

Dental care during pregnancy and tips how to care of you oral health during pregnancy

Paano maka-cope sa anxiety during pregnancy?

Larawan kuha mula sa Pexels

Malaki ang epekto ng hormonal changes sa chemicals ng brain ng tao lalo kung siya ay nagbubuntis. Dahil dito ay nagkakaroon ng anxiety ang babae.

Maaaring makaranas siya ng halo-halong sensations at feelings kasama na ang pagiging uncomfortable at pagiging takot. Mararanasan niya rin ang labis na pag-aalala sa health niya at maging baby, pagiging iritable, hirap sa pag-concentrate at maging ang insomnia.

Narito ang ilan sa tips upang makapagcope ka sa iyong anxiety sa panahon ng iyong pregnancy:

Humingi ng tulong sa malalapit na kaibigan. Humanap ng activities na puwedeng makapag-distract sa iyo at makabubuo ng hobbies. Subukan ang activities na makatutulong sa iyong mag-release ng endorphins tulad ng meditation. Isulat ang nararamdaman kung sakaling hindi komportable na makipag-usap. Kumausap ng propesyunal na makatutulong upang ma-diagnose ang kundisyon.

Healthline


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5191

Trending Articles