Mga mommies, alam ninyo bang ang pagsisimula ng inyong pagbubuntis ay pagsisimula rin ng mga pagbabago sa inyong katawan?
Isa ang inyong suso sa mga bahagi ng inyong katawan na dumadaan sa pagbabagong ito, tulad ng paglaki at pamamaga ng mga ito.Katulad ng inyong mga suso, bahagi rin sa pagbabagong ito ang inyong mga nipples. Partikular sa pagbabago sa inyong nipples ang kapansin-pansing pag-itim ng mga ito.
Bakit umiitim ang utong o nipple ng buntis at ang iba pang mga pagbabago sa kaniyang suso?Sa pagdadalang-tao ay maraming pagbabago tayong mararanasan sa ating katawan. Partikular na sa ating suso na maaaring maging malaki o matigas lalo na sa pagsisimula ng pagbubuntis. Mapapansin din nating nag-iiba ang kulay ng ating utong o nipples.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pagbabagong mararanasan mo sa suso kapag nagdadalang-tao. Subalit bakit ba nangyayari ito? Bakit umiitim ang utong ng buntis? Bakit mas nagiging malusog ang suso? Narito ang mga sagot at ang iba pang mararanasan mong pagbabago sa iyong suso dahil sa pagdadalang-tao.
First trimester (0-13 linggo ng pagbubuntis) 1. Paninigas o pananakit ng suso.Ang paninigas o pananakit ng suso ay isa sa mga early symptoms ng pagdadalang-tao. Ayon sa US National Institute of Child Health and Human Development, ang pagbabagong ito sa suso ng babae ay mararamdaman sa una hanggang dalawang linggo palang ng pagdadalang-tao.
Ito ay dahil sa increase blood flow at hormone changes sa katawan na madalas namang nawawala matapos ang first trimester ng pagbubuntis. Bagama’t maaaring muling maranasan ito bago pa man matapos ang pagbubuntis o bago ang panganganak.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
2. Paglaki o enlargement ng suso.Ayon kay Dr. Jacqueline Kent, ang paglaki ng suso ng babae ay agad na mapapansin sa simula pa lamang ng kaniyang pagbubuntis. Ito ay magpapatuloy habang nagpapatuloy rin ang pagbubuntis.
Kahit hanggang nakapanganak na ang babae at nagpapasuso. Kaya huwag ng magtaka kung bakit biglang sumikip sayo ang iyong mga bra.
Kung nagtatanong hanggang gaano kalaki maaaring magbago ang suso habang nagdadalang-tao? Sagot ni Dr. Kent, ito ay maaaring maging one-and-half times bigger kumpara sa laki ng iyong suso bago magbuntis.
Si Dr. Kent ay isang leading lactation researcher mula sa University of Western Australia.
3. Blue veins o tila pangingitim ng ugat sa suso.Sapagkat sa may increase blood volume kapag nagdadalang-tao, mapapansin din na may mga tila nangingitim o blue veins sa suso ng buntis.
Ang pagbabagong ito ay may mahalagang ginagampanan sa pagbubuntis. Sapagkat sa tulong ng increase blood volume ay naide-deliver ang mga nutrients na kailangan ng fetus para sa kaniyang development.
BASAHIN:Nanay, nangitim ang suso at muntik nang mamatay dahil sa necrotizing mastitis
Nakakapayat ba ang pagpapasuso?
4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby
Second trimester (14-27 linggo ng pagbubuntis) 4. Nangingitim na areola o utong. Dulot pa rin ng hormonal changes sa katawan mapapansin sa 2nd trimester ng pagbubuntis na nangingitim ang areola at nipples ng buntis. Ang areola ay ang maitim at pabilog na balat na nakapaligid sa nipples o utong.Larawan mula sa iStock
5. Pagkakaroon ng maliit na bumps o pimples sa areola. Ayon kay Dr. Danielle Prime, isang breastfeeding associate, maliban sa pangingitim ng areola ay mapapansin ring nagkakaroon ng maliliit na bumps o pimples ang suso ng buntis sa secong trimester. Ito ay tinatawag umanong “Montgomery’s tubercles” na nagpo-produce ng moisturizing oils na nakakatulong sa proteksyon ng suso mula sa pamamaga at impeksyon kapag nagsimula na ang breastfeeding. Ayon sa mga eksperto, ang mga oils na ito ay kaamoy ng amniotic fluid na nagiging guide ng newborn sa iyong utong o nipples pagkapanganak niya. 6. Breast lumps o bukol sa suso.Maaari ring magkaroon ng lumps o bukol sa suso ang buntis sa kaniyang second trimester. Pero hindi naman ito seryoso o dapat maging alalahanin. Sapagkat ang mga bukol na ito ay maaaring mga galactoceles o clogged milk ducts. O kaya naman ay fibroadenomas o benign breast tumors.
Pero sa oras na makaranas nito ay mabuting sabihin pa rin sa iyong doktor. Ito ay upang matingnan niya ito at matukoy ang tunay nitong dahilan. 7. Pagkakaroon ng nipple discharge. Sa second trimester pa lamang ng pagbubuntis ay maaari ng makaranas ng nipple discharge ang isang babaeng nagdadalang-tao. Ang thick at yellow discharge na ito ay tinatawag na colostrum. Ito ang likidong kailangan ng isang bagong silang na sanggol para ma-boost ang kaniyang immune system.Ang nipple discharge ay maaaring maranasan sa anumang stage ng pagbubuntis mula sa 2nd hanggang 3rd trimester. Pero mas mataas ang tiyansang maranasan ito sa tuwing na-stimulate o nahahawakan ang suso.
Third trimester (28-40 linggo ng pagbubuntis)Larawan mula sa iStock
8. Stretch marks. Sa stage na ito ng pagbubuntis ay nagpapatuloy pa rin ang mga pagbabago sa suso na nararanasan mula sa first trimester. Mas lumalaki pa rin ang suso at bumibigat. Mabilis din ang tissue growth dito na nagiging dahilan upang mag-stretch ang suso at magkaroon ng stretch marks ang buntis. Ayon sa mga research, ito ay nararanasan ng 50-90% ng mga babaeng nagdadalang-tao. Subalit hindi lang sa suso maaari itong mapansin. Maaari rin itong mapansin sa tiyan at binti ng babaeng buntis. Ang mga pagbabagong nabanggit sa suso habang buntis ay paghahanda sa pagdating ng iyong sanggol. Ito ay ang normal na reaksyon ng katawan upang maihanda ang iyong suso sa breastfeeding. Kaya naman pagkapanganak ay huwag magdalawang-isip na pasusuin ang iyong sanggol. Ibigay sa kaniya ang mga nutrients mula sa iyong suso na mas magpapatibay ng kaniyang resistensya at katawan. Karaniwang sintomas at iba pang dahilan ng pag-itim ng nipples ng babae kahit hindi naman buntisKasama ang pagbubuntis sa ilang dahilan ng pag-itim ng nipples niyo mga mommies. Alamin ang iba pang dahilan at mga sintomas ng pag-itim ng nipples.
Puberty o panahon ng pagdadalagaUnang mapapansin ang pag-itim ng nipples sa panahon ng puberty o pagdadalaga ng mga babae. Kasabay nito ay ang pag-produce ng hormone na estrogen ng iyong mga ovaries.
Ang pagbabagong hormonal na ito ay nagtutulak rin sa mga suso mo na mag-accumulate ng fats sa breast tissues. Habang lumalaki at nag-dedevelop ang suso mo, ang mga nipples ay maaaring mas maging tayo at mas umiitim.
Buwanang dalaw o Regla Kasabay ng pagdadalaga ay ang pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla. Kapag nagsimula kang mag-ovulate, nagsisimula na ring magkaroon ng pagbabago sa iyong suso.Nag-mamature ang iyong mga suso at nagkakaroon ang mga ito ng glands sa dulo ng milk duct. Dahil sa estrogen at progesterone, lumalaki ang iyong suso at namamaga bago o pagkatapos ng iyong regla.
Paggamit ng oral contraceptivesAng pag-inom ng birth pills ay nagiging sanhi rin ng pag-itim ng nipples mo dahil naglalaman ito ng estrogen at progesterone. Natural na lumilitaw ito sa iyong katawan.
Kapag umiinom ka ng supplements, naaapektuhan nito ang iyong nipples at areola ng suso, tulad ng nangyayaring pagbabago sa iyong pagdadalaga, regla, o iba pang pagbabago ng hormones. PagbubuntisKapag ikaw ay nabuntis, naghahanda ang iyong mga suso para mag-produce ng gatas para kay baby. Sa pamamagitan ng estrogen at progesterone, nag-dedevelop ang suso mo ng milk duct system.
Umiitim ang areolae at sasakit ang iyong suso, malambot, o kaya ay namamaga. Sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis mo, nag-poproduce ang iyong suso ng colostrum. Pagpapasuso o breastfeed Kahit pasusuuin mo man o hindi si baby, mangingitim ang iyong areolae pagkatapos ng panganganak. Ilan sa mga scientist ang nagkaroon ng hinuha na di nakakakita nang mabuti ang mga baby. Ngunit, naaaninag nila ang maliwanag at madilim. Kaya, ang maitim na areolae ng iyong suso ang naaaninag nila patungo sa iyong nipples na pagmumulan ng kanilang gatas. Kasabay ng iba pang pagbabago sa pigmentation habang nagbubuntis, magbabalik sa normal ang iyong nipples pati ang kulay nito sa paglipas ng panahon. DiabetesAng hyperpigmentation ng balat ng tao ay posibleng sintomas ng diabetes. Nag-dedevelop ang pag-itim o darken ng balat dahil sa pagtanggi sa insulin.
Ang kondisyong ito ay tinatawag na acanthosis nigricans.Madalas na naaapektuhan ng kondisyong ito ang iyong kili-kili, singit, leeg, at mga balat sa binti.
Ang areolae rin ng iyong suso ay mangingitim at pwede ring magkaroon ngvelvety plaques
o pangingitim na may pangangapal ng balat.
Sa ibang pagkakataon, ang pinakadelikadong dahilan ng pangingitim ng nipples ay isang uri ng kanser. Paano solusyonan ang pag-itim ng utong o nipples? Mas tatalakayin natin ang ilan sa mga natural na pampaputi ng nangingitim na utong. Pero, ipinapaalala pa rin ang paghingi ng advise sa inyong doktor. Ang paggamit ng lemon juice at/o kalamansi ay isa sa mga substance na natural na pwedeng gamiting pampaputi sa mga singit-singit. Pahiran ng katas ng lemon o kalamansi gamit ang bulak ilang beses araw-araw ang inyogn areolae at nipples.Maaari rin ang pag-blender ng almond at gatas saka ipapahid sa area ng areaola at nipples.
Hinihinalang nakakapagpaputi at nakakalambot ng balat ang concoction na ito kapag in-apply sa iyong areaolea at nipples isang oras kada araw. Ang ilang mga solusyong ito ay parallel lamang sa epekto nito sa balat na posible ring maging pampaputi ng inyong nipples. Itanong pa rin sa inyong doktor kung ito ba ay epektibo at safe na gawin lalo na sa mga buntis. Kailan dapat kumonsulta sa doktor? Natural para sa karamihan ng mga mommies na makita ang pagbabago sa kanilang katawan, lalo na sa kanilang suso at nipples. Ang pangingitim ng nipples kapag buntis ay normal lamang dala ng hormones. Subalit mas maganda rin magpakonsulta sa iyong OB kung napapansin mo rin ang mga sumusunod: Peeling o pamamalat ng nipples Flaking o panunuklap Isang nipple lang ang nagbabago ng kulay o mas nangingitim Sobrang pangangati Sobrang pamumula Mga mommies, walang problema sa pangingitim ng utong dahil bahagi ito ng inyong pangangatawan bilang mga babaeng ina. Madalas napangungunahan tayo ng mga kondisyon sa lipunan na hindi naman normal at natural para sa ating kalusugan. Bawat babaeng ina ay may iba’t ibang kondisyong nagaganap sa katawan kaya maaaring magkakaiba talaga ang shade at pagkaitim ng utong o nipples.Karagdagang ulat mula kay Nathianielle Torre
Healthline, Medical News Today, Pregnancy Magazine
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.