Tinuturing na high-risk o maselan ang pagbubuntis ng isang babae kapag mayroon itong komplikasyon na maaaring makasama sa kalagayan ng nanay at ng baby. Kinakailangan ang tulong ng doktor para malaman kung ano ang mga dapat gawin at kung paano matitiyak ang kaligtasan ng expectant mom at ng kaniyang anak.
Mga palatandaan na maaaring makaranas ng maselan na pagbubuntis ang isang babaeAyon sa US National Institute of Child Health and Human Development o NIH, ang maselan na pagbubuntis o high-risk pregnancy ay tumutukoy sa estado ng pagbubuntis na kung saan may banta o peligro sa buhay ng buntis o sa dinadala niyang sanggol.
Ang maselang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng health problems sa iyo o sa iyong sanggol bago ang pagbubuntis, habang nagbubuntis, o matapos manganak.
Mahalagang maintindihan ang mga risk factors ng maselang pagbubuntis para malaman kung ano ang mga dapat gawin para masiguro ang kaligtasan ng expectant mom at ng baby.
May mga pagbubuntis na mataas na ang tiyansa na maging maselan bago pa man magsimula ang pagdadalang-tao. Mayroon din namang nagiging maselan habang nagpo-progress ang pagbubuntis.
Pero ang maselan na pagbubuntis ay may posibilidad naman na maiwasan lalo na kung alam mo ang mga palatandaan na maaari kang makaranas nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.
Photo by MART PRODUCTION from Pexels
1. Ikaw ay edad 17-anyos pababa.Isa sa mga risk factors ng maselan na pagbubuntis ay ang edad ng babaeng magdadalang-tao o nagdadalang-tao. Ayon sa WebMD, ang mga babaeng may edad na mas mababa sa 17-anyos ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng komplikasyon sa pagdadalang-tao.
Paliwanag ng Healthline, ito ay dahil sa mga sumusunod na dahilan.
Una, dahil masyado pang bata ang kanilang katawan at underdeveloped pa ang kanilang pelvis na maaaring maging dahilan din upang mahirapan sila sa panganganak. Ang mga batang babae ay mayroong poor eating habits na dahilan pala sila ay makaranas ng nutritional deficiencies. Ang nutritional deficiency ay maaari ring magdulot ng komplikasyon sa pagdadalang-tao. Mataas din ang tiyansa na makaranas ng high blood pressure ang mga batang babae habang nagdadalang-tao. Isa sa palatandaan na maaaring makaranas ng maselan na pagbubuntis ang isang babae. 2. Ikaw ay may edad na 35-anyos pataas.Kung masyado rin namang may edad na ang isang babaeng nagdadalang-tao ay mataas din ang tiyansa na maging maselan ang pagbubuntis nito. Ito naman ay dahil sa sumusunod na dahilan.
Ang mas may edad na babae ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng mga health conditions na maaaring makasama sa pagbubuntis. Tulad ng high blood pressure, diabetes, o cardiovascular disease. Kung hindi makokontrol ang mga health condition na ito ay maaaring makaranas ng miscarriage, poor fetal growth, at birth defects ang babaeng buntis. Mas mataas ang tiyansa na makaranas ng chromosomal problems ang pagbubuntis ng mga babaeng may edad na. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng birth defects ng sanggol tulad ng Down Syndrome. Mataas din ang tiyansa na makaranas ng multiple pregnancies ang babaeng may edad 35-anyos na isang palatandaan din na maaaring makaranas ng maselan na pagbubuntis ang isang babae. BASAHIN:#AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery
21 Bagay na dapat malaman ng buntis
#AskDok: Bakit hindi safe uminom ng mga halamang gamot na pampalaglag?
3. Pagkakaroon ng medical condition o sakit bago ang pagbubuntis Ang pagkakaroon ng seryosong sakit o medical condition bago at habang nagbubuntis ay isa ring palatandaan na maaaring makaranas ng maselan na pagbubuntis ang isang babae. Ang ilan sa mga medical conditions na ito ay ang sumusunod: high blood pressure lung, kidney, o heart problems diabetes autoimmune disease sexually transmitted diseases (STDs) chronic infections tulad ng human immunodeficiency virus (HIV) epilepsy thyroid disease Ang mga nabanggit na sakit maaaring makaapekto sa development ng sanggol. Maaaring magpataas ng tiyansa ng isang buntis na makaranas ng miscarriage at iba pang pregnancy complications. Sapagkat ang mga sakit na ito ay nakakaapekto sa functions ng organs sa katawan.People photo created by Iaros – www.freepik.com
4. Medical condition o sakit na nararanasan habang nagbubuntisSino mang expectant mom ay maaaring ma-diagnosed na may problemang pangkalusugan na maaaring makaapekto sa sanggol. Kahit pa ang mga malulusog na buntis ay maaaring maapektuhan ng pregnancy-related problems tulad ng mga sumusunod:
Preeclampsia Kabilang sa mga nararanasan ng mga buntis na may preeclampsia ay ang pagtaas ng blood pressure, pagtaas ng lebel ng protein sa ihi, at pamamaga. Delikado ito para sa buntis at sa baby. Hindi tiyak kung ano ang sanhi ng preeclampsia pero karaniwang nagkakaroon nito ang mga matatanda nan ang mabuntis, overweight, o may high blood pressure at diabetes bago pa mabuntis. Gestational diabetes Uri ito ng diabetes na nade-develop habang nagbubuntis. Kung susunod sa treatment plan ay maaari namang maging healthy si mommy at baby sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na ito. Kadalasan ding nawawala o gumagaling ang gestational diabetes pagkapanganak. Subalit, ang mga babaeng mayroon nito ay posibleng tumaas ang tsansa ng pagkakaroon ng tyoe 2 diabetes at high blood pressure. Maaaring kailanganin mong sumailalim sa C-section upang maiwasan ang injury sa iyong baby. Depression Ayon sa WebMD nasa 14% hanggang 23% ng mga babae ang nagkakaroon ng depresyon habang nagbubuntis. Karaniwan ito kung nakaranas na ng depresyon bago pa mabuntis. Ang ilan sa mga nakikitang dahilan nito ay hormonal changes, exhaustion, stress, at kakulangan sa suporta habang nagbubuntis. Maiuugnay naman ito sa mga problema sa pagbubuntis at panganganak tulad ng mababang timbang ng bata, at maaagang panganganak. Pagkatapos manganak, makaaapekto pa rin ang depression dahil maaari itong maging sanhi ng hirap mong alagaan ang iyong sarili at ang iyong anak. Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor para sa therapy o gamot sa depresyon. Premature labor Ilan sa mga factor kung bakit nakakaranas ng premature labor ang isang babae ay dahil sa certain infections, shortened cervix, o previous preterm birth. Placenta previa Kondisyon ito kung saan ay binabalot ng placenta ang cervix. Maaari itong magdulot ng pagdurugo lalo na kung may contractions ang buntis. Kung nakabalot pa rin ang placenta sa cervix at malapit na ang due date ng panganganak, maaaring mag-schedule ng C-section ang doktor para maiwasan ang bleeding risks sa nanay at sanggol. 5. Ikaw ay overweight o obese. Ayon sa NIH, ang pagiging overweight o obese ay nagpapataas ng tiyansa ng high blood pressure, gestational diabetes, stillbirth, neural tube defects, at cesarean delivery sa isang babae. Dagdag pa ng resulta ng isa sa ginawa nilang pag-aaral, ang pagiging obese ng isang buntis ay pinapataas rin ng hanggang 15% ang tiyansa ng kaniyang sanggol na makaranas ng heart problems sa oras na ito ay maipanganak. 6. Naninigarilyo, umiinom ng alak at gumagamit ng illegal na droga. Hindi lang masama sa katawan ng babaeng buntis ang mga nabanggit na lifestyle choices. Sapagkat ang mga ito ay maaari ring makasama sa development ng kaniyang sanggol. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo habang buntis ng isang babae ay nagpapataas ng kaniyang risk na makaranas ng preterm birth, birth defects, stillbirth at sudden infant death syndrome (SIDS). Mas nagiging mahina rin ang immune system ng sanggol na ipinagbuntis ng isang babaeng naninigarilyo. Ganito rin ang epekto kung umiinom ng alak at gumagamit ng iligal na droga ang buntis. Kung hindi nga matitigil ng buntis ang mga bisyong ito, maaaring mas maging long-term ang epekto sa kaniyang sanggol. 7. Ikaw ay may higit sa isang sanggol na ipinagbubuntis. Mas mataas din ang tiyansa na makaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis ang may ipinagbubuntis ng higit sa isang sanggol. Ang mga madalas na komplikasyon na maaring maranasan ay preeclampsia, premature labor, at preterm birth. 8. Nakakaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis. Maraming mga komplikasyon ang maaring mag-develop sa pagbubuntis. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang maging maselan ang pagdadalang-tao. Kabilang sa mga komplikasyon na ito ay abnormal placenta position at fetal growth restriction. 9. Nakaranas ng problema sa mga naunang pagbubuntis. Kung sa mga naunang pagbubuntis ay nakaranas ng problema o komplikasyon, mataas ang tiyansa na ito ay mangyari ulit sa sunod mong pagbubuntis. Tulad na lang ng mga pregnancy-related hypertension disorders, gaya ng preeclampsia. Ganoon rin ang panganganak ng premature o panganganak bago ang 37 week ng pagdadalang-tao. Ano ang dapat mong gawin para maiwasan ang maselan na pagbubuntis?Photo by MART PRODUCTION from Pexels
Kung ikaw ay nagbabalak mabuntis o buntis at nakakaranas ng mga nasabing palatandaan ay mabuting makipag-usap na agad sa iyong doktor. Ito ay upang malaman mo ang gagawin at maiwasan ang mga epekto nito sa pagdadalang-tao.
Ilan rin sa mga hakbang na maaari mong gawin upang mabawasan ang tiyansa mong magkaroon ng maselan na pagbubuntis ay ang sumusunod.
Magkaroon ng bakuna o immunizations laban sa mga sakit. Kumain na masusustansiya. I-maintain ang proper at healthy weight. Mag-exercise o gumawa ng mga physical activity ng regular. Itigil ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba mo pang bisyo. Regular na magpa-checkup sa iyong doktor. Maaaring irekomenda ng iyong doktor na uminom ka ng prenatal vitamin na may folic acid. Makatutulong ito sa development ng iyong baby. Kung ikaw naman ay may medical condition, pwedeng i-adjust ang iyong treatment bilang preparasyon sa pagbubuntis. Maaari ding ipaalam sa iyo ng iyong doktor ang risk ng pagkakaroon ng genetic condition ng iyong anak. Kaya naman mahalagang kumonsulta sa doktor kung ikaw ay buntis. Bakit nagiging maselan sa pagkain kapag buntis? Bukod sa high-risk pregnancy problems, isa rin sa mga struggle ng mga buntis ang pagiging maselan sa pagkain. Ang food aversion o pagiging maselan sa pagkain habang naglilihi ay karaniwan sa mga buntis. Maaaring ito umano ay dulot ng hormonal changes habang nagbubuntis. Ang hormone na nagdudulot ng pagkahilo, pagsusuka, at paglilihi ay tumataas nang dalawang beses kada ilang araw. Maaaring ang pagiging maselan sa pagkain ay may kaugnayan sa iyong morning sickness. Ang pagkamaselan sa pagkain at ang pagkahilo at pagsusuka ay maagang sintomas ng pagbubuntis na mararamdaman sa unang trimester. Pero may mga pagkakataon na maaari itong maranasan sa buong panahon ng pagbubuntis. Ang mga pangkaraniwang food aversions o mga pagkaing ayaw ng mga buntis: Karne Itlog Gatas Bawang Sibuyas Kape at tsaa Maaanghang na pagkain Samantala, mayroon din namang ibang buntis na imbes na maselan sa mga nabanggit na pagkain ay ang mga ito pa mismo ang gustong-gusto o pinaglilihian. Anong dapat gawin kapag maselan sa pagkain ang buntis? Ayon sa Healthline, mahalagang pakinggan ang iyong katawan habang nagbubuntis. Ibig sabihin, ayos lang na iwasang kainin ang mga pagkaing ayaw mo o nagdudulot ng negatibong pakiramdam sa iyo tulad ng pagsusuka. At ayos lang din naman na kainin ang mga pagkaing pinaglilihian mo. Tandaan lang na huwag kumain ng labis. Mayroon umanong pag-aarl ang journal na Apetite kung saan ay napag-alaman na ang labis na pagkain ng mga pagkaing pinaglilihian ay maaaring magdulot ng excessive weight gain. Samantala, kung nasa mga pagkain naman na ayaw mo habang ikaw ay buntis ang mga nutrisyong kailangan mo, mahalagang makakuha ng mga nutrient na ito sa ibang paraan.Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
WebMD, Kids Health, Healthline, NIH
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.