Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Looking for a fun weekend? 10 things you need to know before visiting Star City

$
0
0

Request ba ng mga kids na bisitahin ang rides sa Star City during the weekends? Bumuo kami ng listahan ng mga dapat niyong malaman bago puntahan ang sikat na theme park.

10 things you need to know before visiting Star City

During weekends or holidays, of course parating request ng kids ang mamasyal. Kadalasang gusto ng marami sa kanila ay ang amusement park. Kung sa Metro Manila ka nakatira, hindi ka na lalayo pa dahil nandyan ang Star City!

If you are planning to visit Star City during the weekends this year 2022, here are the 10 things you need to know:

Protocols

Number priority ng parents ang safety ng kids. Para mapanatiling safe and secured ang park, may protocols silang kailangan ipatupad. In compliance sa guidelines ng national government, narito ang ilan sa mga protocols nila:

Kailangang dala ang vaccination card ng mga pupuntang 18+ above na adults kung saan makikitang sila ay fully-vaccinated na. Samanatalang maaari namang pumasok ang mga bata kahit hindi pa fully-vaccinated. Kailangang panatilihin ang pagsuot ng face mask except kung kakain. Ipapatupad pa rin nila ang  1 meter social distancing at ineencourage ang mga pupunta na mag-sanitize parati.

Larawan mula sa Facebook account ng Star City

Park schedules

Hindi pa everyday na nag-ooperate ang Star City. Makakapunta pa rin naman ang pamilya during the weekends dahil bukas ang park twuing Thursday, Friday, Saturday, at Sunday. Mag-oopen ito tuwing 12 pm hanggang 8:00 ng gabi.

Promos

Of course, may promos din na ino-offer ang Star City. Mas maganda kung pupunta ang pamilya na mayroong birthday sa partikular na month. May promo kasi ang park na free entrance fee o Star Pass sa lahat ng birthday celebrants na pupunta sa kanila during their birth month. Para mapanatunayan na iyong birthday, maaaring magdala lamang ng government ID na may picture at birthdate mo. Sa mga bata naman, dalhin lamang ang photocopy ng original birth certificate o kaya naman ng kahit anong valid ID.

Maa-avail lamang ang promo kung mayroong companion na at least 4 na katao at maximum na 10. Hindi rin ito available sa e-ticketing system.

Promo runs from June 23, 2022 to June 18, 2023.

How to get there

Ang Star City ay matatagpuan sa Cultural Center of the Philippines complex sa Pasay City. Kung sasakay ng public transportation tulad ng LRT maaaring bumaba sa Vito Cruz Station. Kung MRT naman, bumaba sa Pasay Station at mag-transfer sa kabilang LRT.

Makakapunta ka sa park nang 15 minutes lamang kung mula sa Makati City. 5 minutes mula sa Manila City, 15 minutes (via Espana) at 3o minutes (via EDSA) kung magmumula ka naman ng Quezon City. Kung may sarili namang sasakyan narito ang ilang routes na maaaring i-take:

Para sa Northbound via Diosdado Macapagal Blvd. – Dumiretso sa Jalandoni St. Kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex Para sa Northbound via J.W Diokno Blvd. – Kumanan papunta sa Atang Dela Rama (Sofitel Hotel) at kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex Para sa mga galing sa Makati Buendia Avenue – Kumanan sa Jalandoni St. at kumanan muli sa Vicente Sotto St. CCP Complex Para sa Southbound via Roxas Blvd. – Kumanan sa Vicente Sotto St. CCP Complex

Larawan mula sa Facebook account ng Star City

Star City rides and attractions

Sa ngayon ay marami nang binuksan ang Star City na rides upang maging available sa public. Ilan sa mga rides na maaaring ma-enjoy ng mga kids ay:

Grand Carousel – Isang malaking carousel ang mayroong sa park kung saan mai-enjoy ng bawat kids. Hinahayaang nilang magride mag-isa ang mga guest na 42 inches pataas habang ang mga mas maliliit pa ditong bata ay kailangan may gabay ng adult. Kiddie Bumper Cars – Let the kids enjoy riding these cars and bump with each other. Frosty Train – Sa ride naman na ito required na 34 inches to 42 inches ang height ng guest.

Marami pang mae-explore sa Star City kung bibisitahin sila.

How to buy tickets?

Tanong ng marami, “Paano kami makakapag-avail ng tickets para sa Star City?” Para sa mga tickets, maaring bisitahin ang kanilang website o magtungo sa gate ng Star City.

Mayroong 2 tickets na maaaring i-avail, una ang Star Pass sa halagang Php 549 kung saan maaaring ma-access ang park at all rides ngunit ang Snow World at lahat ng coin operated rides ay may separate fees. Samantalang ang Star Pass + Snow World naman ay mabibili sa halagang Php 709.00 kung saan naman lahat ng rides maging ang Snow World ay mapupuntahan.

Larawan mula sa official website ng Star City

Discounts

Para makapag-avail naman ng PWD at Senior Citizen discounts kinakailangang pumunta sa main entrance dahil hindi napa-proccess ng online system ito.

Food and Beverages

Kung nagbabalak na magbaon ng foods for the family ay huwag na dahil hindi pinapayagan ng Star City na magpasok nito. Mayroon namang mga stalls at kainan din sa loob ng park kaya no need to worry.

Lockers Para naman sa mga gamit ninyo available ang kanilang small locker for Php 30.00 per 3 hours at big locker na Php 50.00 per 3 hours. Pets Sad news, but hindi allowed ang pets sa loob ng Star City. Star City website

Viewing all articles
Browse latest Browse all 5194

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>