Ang Carpal Tunnel Syndrome ay nagdudulot ng pamamanhid ng kamay sanhi ng pagkaipit ng ugat na tinatawag na median nerve. Matatagpuan ang median nerve sa wrist o sa pulsuhan.
Carpal Tunnel Syndrome: Sanhi ng pamamanhid ng kamayLarawan mula sa Freepik
Ang pamamanhid ng kamay o carpal tunnel syndrome in English ay sakit na dulot ng labis na paggamit o labis na pagod ng kamay. Kilala rin ang karamdaman na ito sa tawag na median nerve entrapment o median nerve compression.
Dulot kasi ito ng compression o pagkaipit ng ugat na tinatawag na median nerve sa bahagi ng wrist o pulsuhan.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pakiramdam na tila may tumutusok-tusok sa iyong palad at mga daliri, burning sensation, pangangati at pamamanhid ng palad at mga daliri sa kamay, lalo na ng hinlalaki at index finger.
Maaaring maramdaman ang mga sintomas na ito tuwing gabi o pagkagising sa umaga. Makakaramdam ng pangangailangang iwasiwas o i-shake out ang mga kamay pagkagising.
Maaari ring magising sa kalagitnaan ng pagtulog dahil sa dulot na discomfort ng pamamanhid ng kamay. Puwede ring maging dahilan ang pamamanhid ng kamay dulot ng carpal tunnel syndrome sa pagkabitaw sa mga bagay na hinahawakan o dala-dala.
Maaaring maapektuhan ng carpal tunnel syndrome ang isa o dalawang kamay. Mas pangkaraniwan ang kondisyong ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki.
Kung hindi malalapatan nang angkop na paggamot ang pamamanhid ng kamay, maaari itong makaapekto sa kalidad ng buhay ng isang tao.
Puwedeng lumala ang damage ng median nerve na naipit. Maaari itong humantong sa permanenteng pamamanhid ng mga daliri sa kamay, at permanenteng paghina ng muscles na konektado sa nasabing ugat.
Maaaring magkaroon ng CTS dahil sa iba’t ibang rason. Pero ang pinakakaraniwang sanhi nito ay ang madalas na paggamit ng wrist motion o madalas na pwersa sa paggalaw ng pulsuhan, kapag na-expose sa vibration, o sa madalas na paggamit ng mga daliri. Halimbawa ay sa madalas na pagtipa sa computer.
Narito pa ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng pamamanhid ng kamay dulot ng CTS: paulit-ulit na paggamit ng vibrating hand tools dahil sa fluid retention sa pagbubuntis inflammatory, degenerative, at rheumatoid arthritis hypothyroidism o underactive thyroid diabetes physical trauma tulad ng dislocation o fracture sa bahagi ng pulso lesions sa wrist cyst o tumor sa carpal tunnel overactive pituitary gland ano mang uri ng pamamaga o inflammation sa tendons Karaniwang naapektuhan ng sakit na ito ang mga sumusunod:Larawan mula sa Shutterstock
mga magbubukid lalo na kung naggagatas sa mga baka at kalabaw mga manggagawang gumagamit ng air-powered hand tools check-out cashiers na gumagamit ng laser scanners mga hardinerong nagbubunot ng damo gamit lang ang kamay ang mga nagtratrabaho sa opisina na madalas gumamit ng mouse at keyboard ng computer. mga musician na gumagamit ng stringed instruments stablehands, mga pintor, at karpentero factory, farm, at mechanical workers na nagsusuot ng masisikip na gloves mga mekanikong gumagamit ng screw drivers mga pintor na madalas gumamit ng spray gun poultry o meat processing workers na nagde-deboning at cuttingSubalit, hindi naman lahat ng nagtratrabaho sa mga nasabing gawain ay maaaring magkaroon ng CTS. Mas mataas ang tiyansang magkaroon nito ang mga sumusunod:
mga babae mga nasa edad 40-60 taon. obese buntis ngunit mawawala rin naman ito matapos manganak. Mga taong may diabetes at metabolic disorders Gamot sa pamamanhid ng kamayLarawan mula sa Freepik
Kung hindi naman malala ang sintomas na nararanasan, posibleng gumaling din ang pamamanhid ng kamay makalipas ang ilang buwan, lalo na kung maiiwasan ang repetitive movements na maaaring magdulot ng CTS.
Samantala, mayroong nonsteroidal anti-inflammatory drugs tulad ng aspirin at ibuprofen ang maaaring gamiting gamot para maibsan ang short-term pain na dulot ng pamamanhid ng kamay.
Pwede ring irekomenda ng doktor ang corticosteroids para mabawasan ang pamamaga ng kamay. Maaari itong i-inject direkta sa wrist o pulsuhan, o kaya naman ay inumin orally.
Kung epektibo ang corticosteroids sa pasyente pero bumalik din ang sintomas makalipas ng ilang buwan, maaaring irekomenda ng doktor na mag-take ulit ng isa pang dose.
Subalit, hindi ito pwedeng gawin nang matagal na panahon dahil maaaring magkaranas ng side effects mula sa nasabing gamot.
Sa kabilang banda, para sa mga malalang kaso ng pamamanhid ng kamay, pwedeng irekomenda ng iyong doktor na sumailalim ka sa surgery. Maaaring isagawa ito kung hindi epektibo ang mga gamot at tumagal na ng anim na buwan ang mga sintomas.
Mayroong dalawang uri ng carpal tunnel surgery: Open release surgery – ito ay tradisyunal na paraan ng CTS surgery. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghiwa sa pulsuhan at pagputol sa carpal ligament upang mapalaki ang carpal tunnel. Endoscopic surgery – isinasagawa ito sa pamamagitan ng paghiwa sa wrist at palad at papasukan ng maliit na camera ang pulsuhan. Titingnan ng surgeon ang tendons at ligaments at puputulin ang carpal ligament.Makatutulong ang surgery para bumuti ang pakiramdam ng kamay na apektado ng CTS. Subalit ilang buwan ang dapat hintayin bago tuluyang gumaling at makarecover. Pwede ring tumagal ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang lakas ng iyong kamay at kakayahan nitong kumapit.
Maaari ring makaranas ng mga pangkaraniwang side effects ng surgery tulad ng: impeksyon, nerve damage, at pananakit sa paligid ng sugat o pilat. Mahalagang kumonsulta agad sa doktor kapag nakaranas ng side effects lalo na kung ito ay impeksyon matapos ang surgery.
BASAHIN:May sugat sa kamay dulot ng eczema? 7 home remedies sa sugat sa kamay
Bukol sa kamay: Ang maaaring sanhi at lunas para sa ganglion cyst
Paano nga ba ang tamang paghuhugas ng kamay?
Mga dapat gawin para maibsan ang pamamanhid ng kamayLarawan mula sa Pexels kuha ni Kindel Media
Maaari rin namang makatulong ang mga sumusunod na hakbang para maibsan ang pananakit at pamamanhid ng kamay at mga daliri:
Ipahinga ang mga kamay at pulsuhan Apply cold compress. Lagyan ng ice pack ang iyong wrist, makatutulong ito para maibsan ang pamamanhid at ang pakiramdam na tila may tumutusok-tusok. Tandaan lang na huwag direktang ilagay ang yelo sa iyong balat. I-manage ang triggers. Kung ang ugat ng pamamanhid ng kamay ay ang repetitive hand movements, kailangang ipahinga muna ang mga kamay at bigyan ng panahong makarecover. Occupational therapy. Pwede kang turuan ng therapist kung paano gawin ang isang repetitive task sa ibang paraan na hindi magdudulot ng damage sa carpal tunnel. Pagsusuot ng wrist splints. Makatutulong ito para mapanatili ang wrist sa isang posisyon at maiwasan na ito ay ma-bend. Pwede itong suotin habang natutulog, maaari din namang gamitin tuwing waking hours hangga’t hindi nakakaabala sa mga pang araw-araw na gawain. Nakabibili ng wrist splints sa over-the-counter sa mga pharmacy. Paano maiiwasan ang pamamanhid ng kamayLarawan mula sa Pexels kuha ni Towfiqu Barbhuiya
Narito ang mga dapat tandaan para maiwasan na magkaroon ng carpal tunnel syndrome: Iwasang ma-overbend ang wrist Iwasan ang mahigpit na pagkakahawak sa mga tools kung gagawa ng manual tasks Ituwid ang mga pulsuhan tuwing nagtratrabaho at natutulog Panatilihin ang tamang postura upang maiwasan ang hindi kinakailangang pressure sa pulsuhan at mga kamay Magpahinga o magkaroon ng breaks tuwing gumagawa ng routine tasks o mga gawaing paulit-ulit Ayusin ang workstation upang maiwasan ang hindi natural na wrist position Iwasan ang paulit-ulit na pag-flex at pagbanat ng wrists. Gamutin ang underlying conditions. Halimbawa ay magkaroon ng good glucose management upang maiwasan ang komplikasyon dulot ng diabetes.Maaari ring mag-yoga o magsagawa ng hand movement exercise at massages. Subalit walang sapat na pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ito para maibsan ang pamamanhid ng mga kamay.
Makatutulong din ang pag-inom ng bitamina tulad ng vitamin B complex para maibsan at maiwasan ang pamamanhid ng kamay. Mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor para malaman kung anong bitamina ang mairerekomenda nito para sa pamamanhid ng kamay.
Medical News Today, NHS, BetterHealth
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.