Vlogger na si Anne Clutz nakita na ang mukha ng baby niyang ipinagbubuntis na natukoy na may bilateral cleft lip. Sa kabila nito, si Anne, positive na sa ngayon at excited ng makapanganak.
Mababasa dito ang sumusunod:
Anne Clutz pregnancy on her 3rd baby Paghahanda na ginagawa ni Anne Clutz sa nalalapit niyang panganganak. Anne Clutz pregnancyLarawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz
Sa mga nakalipas niyang vlog ay ibinahagi ng mommy vlogger na si Anne Clutz kung paano siya na-depress sa kaniyang kasalukuyang pagbubuntis. Siya ay na-diagnose ng kaniyang doktor na nakakaranas umano ng perinatal depression.
“Nag-shut down ako, broke down. Naging withdrawn ako sa lahat. Kahit na sa family talagang hindi ako lumalabas ng kwarto. May mga dadalaw na kaibigan nag-dadahilan ako na I cannot.” “Hindi sa ayaw pero may part of me na parang hindi ko mai-enjoy yung company nila. Kasi ‘yong company nga ng sarili ko hindi ko ma-enjoy. In short, hindi ako masaya. Nandoon ako sa darkest place na hindi ko naramdaman ever before.” “Totoo yung perinatal depression sa pagbubuntis. Mas common kasi yung postpartum pero meron rin pala na ganun na parang pasan ko ‘yong mundo.”Ito ang pagkukuwento ni Anne sa nauna niyang vlog tungkol sa sintomas na nararanasan.
Dagdag pa niya, ang mga negative feelings niyang ito dala ng trauma na naranasan sa pangalawa niyang anak na si Joo na natukoy na may cleft lip at level 3 Autistic Spectrum Disorder.
Dahil ayon kay Anne ay never pumasok sa isip niya na maaaring mangyari ito sa anak lalo pa at healthy naman noon ang pagbubuntis niya. Kaya naman nang malaman ang nangyari sa anak at ang posibilidad na maulit ito sa ipinagbubuntis niya ngayon ay labis na pinag-aalala ni Anne.
Third baby ni Anne, may bilateral cleft lipAng kinatatakutan na ito ni Anne ay nakumpirma niya nga ng sumailalim siya sa congenital anomaly scan. Doon natukoy na mayroon ngang kakaiba sa ipinagbubuntis niyang sanggol. Ito ay natukoy na may bilateral cleft lip at posibleng may down syndrome rin dahil nakitaan ito ng trisomy marker.
Ito ang marker na tumutukoy sa pinakakaraniwang chromosomal anomaly sa mga baby. Kilala rin ito sa tawag na down syndrome, isang genetic condition na dulot ng extra chromosome sa cells ng ating katawan.
Nang marinig ang mga ito si Anne walang tigil sa pag-iyak at labis na lungkot ang naramdaman. Bagamat siya ay feeling blessed at thankful parin na healthy ang kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.
Larawan mula sa YouTube video ni Anne Clutz
Ngayon, matapos ang isang buwan, sa pinakabago niyang vlog ay tila tuluyan ng tinanggap ni Anne ang kondisyon ng kaniyang 3rd baby. Sa katunayan ng makita na ang mukha ng kaniyang baby sa ultrasound at malinaw na nakita na mayroon nga itong cleft lip ay positibo parin ang response ni Anne.
“Mukhang sure na ‘yong sa palate niya kasi based dun sa ultrasound na nakita ko. Parang abot siya sa ilong sa loob. So bilateral nga pero hoping na sana hindi pa rin siya ganoon. Pero ang importante, healthy siya.”Ito ang nakangiting sabi ni Anne.
Hindi niya rin pinalampas ang pagkakataon na magtanong tungkol sa trisomy markers na natukoy ng nakaraan niyang congenital anomaly scan.
“Tinanong ko yung tungkol sa kung meron bang markers ng trisomy. Una yung hypoplastic nasal bone na maaring dun sa bilateral cleft lip niya, pero nakitang may nasal bone. Chineck yung vocal cord, chineck yung sa cranium sa utak kung may fluid, wala. Medyo gumaan yung pakiramdam ko.”Ito ang sabi pa ni Anne tungkol sa pinaka-latest niyang ultrasound scan.
Ang second baby ni Anne na si Joo ay mayroon ding cleft lip.
Paghahanda na ginagawa ni Anne sa nalalapit niyang panganganakLarawan mula sa Facebook account ni Anne Clutz
Sa ngayon, patuloy na naghahanda si Anne Clutz sa pagdating ng kaniyang 3rd baby. Dahil halos dalawang buwan na lang ay ipanganganak niya na ito. Nakakaranas na nga daw siya ng Braxton Hicks contraction at ipinauubaya nalang sa Diyos ang lahat.
“Nagba-Braxton Hicks na ako. ‘Yong parang humihilab siya lalo na kapag gumagalaw pero nawawala din kaagad. Basta excited ako, excited na akong makita siya. Ipinapaubaya ko na lang sa Diyos lahat kung anuman,” sabi pa ni Anne.
Sa kasalukuyang pagbubuntis ay mayroon daw siyang i-aapply na natutunan niya noong ipinanganak niya si Joo. Isang bagay na panigurado maraming mga ina ang makaka-relate.
“Yong kay Joo, parang wala pang 50 percent nung bag ang nagamit namin. Ang daming hindi nagamit don, ang laki-laki ng bag na dala ko. Na-excite lang talaga ako ng husto so this time kung ano lang ‘yong kailangan.”Ito ang sabi pa ni Anne Clutz na excited ng makita at mahawakan ang kaniyang 3rd baby na papangalanan nilang Jirou.
Go Mommy Anne!