Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

10 things you need to know before visiting Enchanted Kingdom

$
0
0

Bigyan ng kakaibang treat ang kids at ipasyal na siya sa Enchanted Kingdom kung saan mae-enjoy niya ang napakaraming fun rides.

Mababasa sa artikulong ito:

Health guidelines sa Enchanted Kingdom Paano magpunta sa EK Iba’t ibang rides na pwedeng ma-enjoy 10 bagay na kailangan mong malaman bago pumunta sa Enchanted Kingdom

Maraming fun activities ang maaaring i-try para maipasyal ang kids, naririyan ang picnic dates, libraries, swimming, camping, at syempre pagbisita sa amusement park. Dito kasi may pinakaramaraming bagay na mai-enjoy ng both adults at bata. May kaliwa’t kanang foods at desserts, bilihan ng souvenirs, at of course ang mga rides!

The best to visit ngayon, ay ang Enchanted Kingdom. This is where you can find a lot of fun activities. Bago mapagpasyahang pumunta dito, narito muna ang 10 bagay na kailangan mong malaman bago bisitahin ang amusement park:

Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

1. Health and safety guidelines

Ina-allow naman ng Enchanted Kingdom na pumunta ang lahat ng guest vaccinated ka man o hindi sa kahit ano mang edad. Mas maganda nga lang para sa kanila na ikaw ay fully-vaccinated at dala ang iyong vaccination card. Narito naman ang ilang kinakailangang gawin upang makasunod sila sa IATF guidlines:

Iche-check ang iyong temperature at pasasagutin sa health declaration form upang malaman na ikaw ay nasa mabuting kundisyon. Required na magsuot ng pesonal protective equipment (PPE) tulad na lamang ng face mask sa lahat ng pupunta. Bagaman hindi na kinakailangan ng face shields, recommended pa rin na gumamit nito. Kinakailangan ng physical distancing sa lahat ng oras sa loob ng amusement park. Ine-encourage rin ng park na maghugas parati ng kamay sa loob dahil mayroon silang mga stations para dito na mayroong alcohol at sanitizers. 2. Tickets

Ang pagbili ng tickets ay parehong available sa mismong Enchanted Kingdom at sa kanilang website. Narito naman ang iba’t ibang rates ng kanilang tickets:

Express One day Pass (Php 1,800) – Inclusive ng admission at unlimited na pagsakay sa major at kiddie rides bukod sa gated attractions. Kasama rin dito ang Ekspress Ride Access. Regular Day Pass (Php 999) – Unlimited na pagsakay sa lahat ng rides sa loob ng park. Junior Day Pass (Php 688) – Unlimited na gamit din sa mga rides depende sa height restrictions ng guest. Senior Citizens and Persons With Disability or PWD (Php 688) – Kinakailangan lang magdala ng ID upang makakuha ng 20% na BIR discount at EK special discount. Junior PWD (Php 688) – Kinakailangan lang din magdala ng ID upang makakuha ng 20% na BIR discount at EK special discount.

Para naman makapag-avail ng kanilang promo, maaaring puntahan ang kanilang website upang makita ang mga available na promo.

Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

3. Operating hours

Sa ngayon, bukas ang Enchanted Kingdom tuwing Friday, Saturday at Sunday. Ang kanilang operating hours ay mula 11 am hanggang 8 pm.

Ang naturang operating schedule ng Enchanted Kingdom ay mula June 1 hanggang August 31, 2022. Maaari itong magbago depende sa ilalabas na guidelines ng gobyerno.

4. Directions

Para sa pamilyang nais bisitahin ang park, madali lang ito mapuntahan kung kayo man ay nakacommute o private vehicle. Para sa private vehicle, sa kanilang website ay maaring puntahan ang maps at ituturo nila ang route para sa inyo.

Kung ikaw naman ay magko-commute:

Sumakay sa terminal ng JAM, JAC Liner o BBL Transit sa Buendia LRT Station sa may Pasay City. Maaari ring sumakay ng FX o Van sa EDSA Crossing sa tapat ng Star Mall EDSA. Magpapababa sa Balibago, Waltermart, Sta. Rosa, Laguna. Darating ka dito sa loob ng isang oras. 5. Merchandise

Maaari namang bumili ng mga merch at iba pang featured products sa kanilang website at sa mismong Enchanted Kingdom.

Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

6. Enchanted Kingdom rides

Marami ang maaaring rides na ma-enjoy ng kids sa Enchanted Kingdom. Tulad na lang ng Bouncing Builder, Bump n Splash, Air Petrodactyl, at marami pang iba. Syempre hindi lang kids, maging adults ay mae-enjoy rin ang ibang challenging at thrilling rides sa loob ng amusement park tulad ng Space Shuttle.

May mga rides na mayroong restrictions dahil sa height.

7. Proper attire

Nire-require ng Enchanted Kingdom na magsuot ng tamang shirts o blouse maging footwear sa loob. Bawal din ang ibang mask o disguises na nakapagtatago ng identity ng tao. Maaaring tanggihan ng park ang mga guest na hindi nakasuot sa kanilang proper attire.

8. Smoking

Striktong ipinagbabawal ng park ang paninigarilyo sa loob ng park alisunod sa Department of Health. Mayroong inilaan ang park na smoking area.

9. Lost belongings

Walang responsibilidad ang mga ride operators at attendants sa kahit anumang nawawalang gamit sa loob ng park.

10. Not allowed

Narito naman ang mga bagay na ipinagbabawal ng park na dalhin sa loob ng park:

Alak at droga Pagkain Matatalim na bagay Pets Sports balls Speakers Whistle o pito De gulong na mga gamit tulad ng bike, skareboards, etc. Flashlights Pepper spray Tools Elctronic gadgets tulad ng hair curlers at iron

Enchanted Kingdom


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5187

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>