Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

10 kuwentong bayan na siguradong magugustuhan ng bata

$
0
0

Narito ang 10 halimbawa at uri ng kuwentong bayan na siguradong magugustuhang marinig ng iyong anak. At kaniyang kapupulutan ng aral at mabuting asal.

kuwentong bayan

Image from Freepik

Ano ang kuwentong bayan?

“Ang kuwentong-bayan o folklore sa salitang Ingles ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.”

Malaki ang ginagampanang papel ng kuwentong bayan sa mayamang panitikan nating mga Pilipino. Dahil ang mga ito ay tumutukoy sa ating kaugalian at tradisyon. Masasalamin rin rito ang ating pananampalataya at mga problemang madalas nating kinakaharap.

Mula sa pangalan nito ang kuwentong bayan ay madalas na tumutukoy sa kasaysayan ng isang lugar. Kung paano at saan nagsimula ang pangalan nito. Ganoon rin sa ilan sa mga bagay na nakikita natin ngayon, tulad ng bakit pula ang palong ng tandang at bakit maraming mata ang prutas na pinya.

Bagamat kakatwa at minsan ay hindi kapani-paniwala ang mga kuwentong bayan, ito naman ay laging may kaakibat na aral. Aral na hindi lamang para matutunan ng mga bata kung hindi pati narin ng matatanda.

Uri ng kuwentong bayan

Mayroong apat na uri ang kuwentong bayan. Ito ay ang sumusunod:

1. Alamat o legend

Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.

2. Mito o myth

Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga tao.

3. Parabula o parable

Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari at kinapupulutan din ng aral. Sa Biblia ay maraming kwentong parabula.

kuwentong-bayan

Kwentong bayan | Image from Freepik

4. Pabula o fable

Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita at binigbiyang buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang katangian.

Para sa ating mga magulang, ang pagbabahagi ng kuwentong bayan sa ating mga anak ay isang paraan upang siya ay maturuan ng mabuting asal. Sa paraan na maiintindihan, hahangan at magugustuhan niya. Ilan nga sa kuwentong bayan na maari mong ibahagi sa kaniya ay ang mga sumusunod na halimbawa:

Mga halimbawa ng kwentong bayan

1. Ang inahing manok at lawin

Ang kuwentong ito ay tungkol sa kung bakit mahilig mangalahig ang manok sa lupa. At kung bakit dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok. Ang layunin ng kuwentong bayan na ito ay maturuan ang isang bata sa kung bakit dapat niyang pahalagahan ang kaniyang mga gamit. Lalo na kung ang gamit ay hiniram niya lang at hindi naman sa kaniya.

2. Bakit may pulang palong ang mga tandang

Ang kuwentong ito ay tungkol sa mag-amang si Isko at Pedrito. Layunin ng kuwentong bayan na ito na maturuan ang isang bata sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang mga magulang. At ang aral ay ipinabatid ng manunulat sa pamamagitan ng pagkukuwento kung bakit pula ang palong ng mga tandang.

3. Ang punong kawayan

Ang kuwentong bayan na ito ay tungkol sa kung paano nakakabuti ang pagiging magpakumbaba. Pati na kung bakit dapat irespeto natin ang ating kapwa, anuman ang itsura o estado nila sa buhay.

4. Mariang mapangarapin

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang dalagang labis kung mangarap. Sa sobra niyang mapangarapin ay hindi niya iniingatan ang kung anumang bagay na mayroon siya. At kinalaunan ito ay nawala na naging sanhi ng pag-guho ng mga pangarap niya.

5. Si Pilandok ang bantay gubat

Sa kuwentong ito ay matagumpay na naisagawa ni Pilandok na pangalagaan ang gubat mula sa mga mapagsamantalang kawal ng Datu. Ipinakita ng kuwento kung bakit dapat respetuhin ang kalikasan dahil kung hindi ito ay maaring magalit at magdulot ng kapahamakan.

6. Ang alamat ng aso’t pusa

Ang kuwentong ito ay nagpapaalala sa mga kapatid na dapat ay matutong magbigayan sa isa’t-isa. Hindi dapat nag-aaway at sa halip ay magmahalan at magkaisa sa lahat ng bagay.

kuwentong-bayan

Kwentong bayan | Image from Alamat ng Aso’t pusa

7. Ang kalabasa at ang duhat

Sa kuwentong ito ay ipinapakita kung bakit dapat tayo ay magpasalamat sa kung anong mayroon tayo. O kung ano ang ating itsura at anyo. Dahil ito ay binigay sa atin ng Diyos sa paniniwalang ito ang makakabuti para sa atin.

8. Ang alamat ng pinya

Ang alamat ng pinya ay nagtuturo sa isang bata kung bakit mahalagang makinig sa itinuturo ng mga nakakatanda o kaniyang magulang. Ganoon rin sa tamang paggamit ng mga mata sa paghahanap ng bagay na kinakailangan bago ang bunganga.

9. Kung bakit umuulan

Ang kuwentong ito ay tungkol sa alamat ng ulan. At ang aral na gustong ituro nito ay ang kahalahagan ng pakikinig sa sinasabi o ninais ng taong malapit sa iyong puso. Bagamat ang nais mo ay ang makakabuti sa kaniya, siya lang ang nakakaalam sa kung anong magpapasaya sa kaniya. Kaya dapat ay matutong pahalagahan ang nararamdaman ng iba at isaisip na hindi lang ikaw ang dapat nasusunod sa lahat ng oras.

10. Si pagong at si matsing

Ang kuwento na ito ni pagong at matsing ay nagpapaala sa kahalagahan ng pagiging tapat sa kaibigan. Ganoon rin ang hindi dapat samantalahin ang ipinapakitang kabaitan ng isang tao. Hindi dapat mag-isip na makalamang sa kapwa. At dapat ay maging tapat at patas sa lahat ng bagay.  Dahil ika nga ng matandang kasabihan, matalino man ang matsing, nalalamangan rin.

 

 

Source:

Pinoy Collection, PhilNews

Photo:

Freepik

ALSO READ: Turuan ang anak mong magbasa: Isang komprehensibong gabay

The post 10 kuwentong bayan na siguradong magugustuhan ng bata appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5202

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>