Quantcast
Channel: theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids
Viewing all articles
Browse latest Browse all 5198

Bible movies for kids na puwede niyong panoorin ngayong semana santa

$
0
0

Narito ang mga bible movies for kids na maaring panoorin ngayong Holy week ng buong pamilya na siguradong kapupulutan ng aral ng mga bata.

Bible Movies for Kids

Image from Freepik

30 Bible movies for kids to watch this Holy week

1. Jonah: A Veggie Tale’s Movie

Ang Jonah: A Veggie Tale’s Movie ay nagpapakita ng naging karanasan ng propetang si Jonah na pinili ng Diyos para magdala ng mensahe sa bayan ng Nineveh. Ito ay itinuturing na isa sa mga best bible movies for kids of all time. Dahil ito sa nakakatuwang presentasyon ng kuwento gamit ang mga gulay. Sa panonood ng pelikula ay matuto ang isang bata ng pakikiramay sa iba, pagpapatawad at pagbibigay ng second chance sa mga taong nagkamali o nakasakit sa kaniya.

2. The Prince of Egypt

Ang pelikula ay nagpapakita ng buhay ni Moses bilang prinsipe ng Egypt at kung paano niya pinamunuan ang mga taong nasasakupan niya. Ilan sa mga aral na naituro ng pelikula ay ang kahalagahan ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ang hindi dapat pag-aabuso sa kapangyarihan o estado para manakit ng kapwa na mas nakakababa sayo.

3. Young Abraham

Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng buhay ng batang Abraham, ang unang propetang pinili ng Diyos ayon sa bibliya. Isa sa aral na mapupulot sa pelikula ay ang pagtanggap sa iyong sarili na sino o ano ka man, may dahilan kung bakit nilagay ka ng Diyos sa iyong katayuan. Dahil ang bawat isa sa atin ay may purpose o papel sa pagbabago ng buhay ng ating kapwa.

4. Joseph: King of Dreams

Ang Joseph: King of Dreams movie ay tungkol sa buhay ng propetang si Joseph na nakakakita ng pangitain sa kaniyang panaginip. Sa panonood ng pelikula ay iyong makikita na sa kabila ng hirap at sakit na nararanasan ay may magandang plano sayo ang Diyos. Ang kailangan mo lang ay magpatawad at magtiwala sa kaniya.

5. The Nativity Story

Mula sa title ng pelikula, ito ay tumutukoy sa kung paano nagsimula ang buhay ni Hesus. Dito ay makikita ang hiwagang kayang gawin ng pag-ibig, pagpapakumbaba, pagbibigay sa kapwa at higit sa lahat, ang pagtitiwala sa Diyos.

6. The Greatest Adventures of the Bible: The Easter Story

Ang pelikula ay nagpapakita sa sakripisyong pinagdaan ng Diyos upang maligtas sa kasalanan ang mga tao. Ipinakita rin dito ang kaniyang muling pagkabuhay na magbibigay kaalaman sa mga bata tungkol sa kahalagahan ng selebrasyon ng Easter o Linggo ng Pagkabuhay sa mga Kristyano.

7. The Star

Ipinapakita ng pelikulang ito ang naging mahalagang papel ng mga hayop sa pagsilang ni Hesu Kristo. Ito ay isa sa mga bible movies for kids to watch ng dahil sa ipinapakita nito sa mga bata na bawat isa sa atin, tao, hayop o halaman man ay may mahalagang papel na ginagampanan sa mundo. Maliit o malaki man ito sa paningin mo o ng ibang tao.

bible-movies-for-kids

Image from YouTube Movies

8. Heaven is for Real

Ang pelikula ay tungkol sa near death-experience ng isang bata matapos ang isang operasyon. Ayon sa bata ay nakapag-travel umano siya sa langit sa mga sandaling bigla siyang nawala. Dito ipinakita kung gaano kamahal ng Diyos ang mga bata at ang hiwagang maaring ibigay ng pananampalataya sa kaniya.

9. The Stray

Ang pelikula ay tungkol sa true to life story ng stray dog na si Pluto at kung paano niya binago ang buhay ng pamilya ng batang nakakita at kumupkop sa kaniya. Ilan sa mahahalagang aral na matutunan sa pelikula ay ang pagpapatawad, pagsasakripisyo at ang pagtitiwala sa Diyos lalo na sa oras ng kagipitan.

10. Facing the Giants

Ang Facing the Giants ay isang sports movie na modern presentation ng kuwento nina David at Goliath. Sa pelikula ay matutunan ng isang bata na hindi dapat agad sumuko sa kaniyang laban. At ibigay ang kaniyang best sa lahat ng bagay para sa kaniyang sarili at para maging inspirasyon sa iba.

11. Foster (Angel in the House)

Ang pelikulang ito ay kilala rin sa pamagat na Angel in the House. Ito ay tungkol sa isang mag-asawang hindi magkaroon ng anak. Hanggang sa dumating ang isang batang lalaki na si Eli na bumago sa buhay nila. Sa panonood ng pelikula ay makikita kung paano nababago ng mabubuting gawi ng isang bata ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Pinapaalala rin nito na kahit gaano kahirap man ang buhay at problema ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

12. Evan Almighty

Ang Evan Almighty ay isang pelikula na nagpapakita ng kuwento ni Noah sa modernong panahon. Sa panonood ng pelikula ay makikita kong paano nababago ng malilit na gawi ng kabutihan ang buhay ng isang tao. Pati na ang pagpapatibay sa pananampalataya sa Diyos na walang hinangad kung hindi ang kabutihanan ng bawat isa sa atin sa mundo.

13. Joseph and the Amazing Technicolor Dreamcoat

Ito ay isang musical film na nagkukwento ng buhay ng propetang si Joseph gamit ang mga kanta na kaaliwan ng mga bata.

14. Letters to God

Ang pelikula ay tungkol sa isang batang may cancer na positibong nakikipaglaban sa kaniyang sakit. Habang dumadaan sa pagpapagamot ay nagsusulat siya sa Panginoon at ini-encourage ang bawat tao sa paligid niya na huwag mawalan ng pag-asa tulad niya. Ang mga sulat na ginawa niya ay nakarating sa isang taong nabago ang buhay ng mabasa ang mga ito.

15. The Lion of Judah

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa muling pagkabuhay ni Hesus sa mata ng mga hayop na kung saan ipinakita ang pagmamahal at pagtutulungan ng magkakaibigan sa isa’t-isa.

16. Different Drummers

Ang pelikulang ito ay hango sa totoong buhay ng magkaibigang sina David at Lyle. Si David ay may sakit na muscual dystrophy at hindi na makalakad. Ngunit dahil nagkaroon umano ng pangitain si David na mamatay ang kanilang Grade 4 teacher at ito ay nagkatotoo, hinamon ni Lyle ang Diyos na kung totoo talagang mayroong Panginoon ay hayaan niyang makalakad at makatakbo ulit ang kaibigan niyang si David. Sinuportahan at hindi iniwan ni Lyle si David. At ang tanong niya tungkol sa Diyos ay sinagot sa hindi niya inaasahang paraan.

17. Ben Hur (Cartoon)

Ang pelikulang Ben Hur ay nagpapakita na ang mga problemang kinakaharap ng tao ay hindi binigay ng Diyos upang pahirapan siya. Sa halip ay isang paraan ito upang gawin kang mas mabuti hindi lang para sa iyong sarili kung hindi para narin sa iyong kapwa. Tulad ng naging karanasan ng prinsipeng si Ben Hur kung saan siya ay sinubok ng panahon at naging alipin. Ngunit muling nagliwanag ang kaniyang buhay ng makatagpo ng tunay na pag-ibig na nagmulat sa kaniyang mga mata kung gaano siya kapalad at kamahal ng Diyos.

18. Pilgrim’s Progress (Animated)

Ang pelikulang ito ay isang magandang paraan upang maipakita sa mga bata ang tunay na pinagdadaanan ng buhay ng isang tao. Mula sa hirap at sakit ay may ginhawa at saya ang magiging kapalit. Isa rin ito sa pinaka-mainam na paraan upang maipaintindi sa kanila ang salita at hangarin ng Diyos.

19. The Ten Commandments

Mula sa pamagat ng pelikula, ito ay tungkol sa sampung utos ng Diyos o ang mga hindi dapat ginagawa ng mga tao.

20. At Jesus’ Side

 Ipinapakita ng pelikulang ito kung paano dapat nagtutulungan ang isang pamilya o magkakaibigan para sa ikabubuti ng isa’t-isa. Isinalarawan ito sa pelikula sa pamamagitan ng mga hayop na nakasama ni Hesus sa kaniyang pagsasakrispisyo at muling pagkabuhay.

21. Greatest Heroes and Legends of the Bible: The Miracles of Jesus

Sa pelikulang ito ay makikita ang milagrong kayang gawin ng pananampalataya ng tao sa Panginoong Diyos.

22. Noa’s Ark

Ipinapakita sa pelikula kung paano nakabuti sa nakararami ang naging pagsunod ni Noah sa utos ng Diyos. Nais rin ipabatid sa pelikula na pagdating sa kaligtasan walang pinipili ang Diyos basta’t sumusunod at may pananampalataya sa kaniya.

23 . Dave and the Giant Pickle

Ipinakita ng bida sa pelikula na si Dave na kahit siya ay maliit hindi sukatan ito upang hindi niya mailigtas mula sa kapahamakan ang mas nakakalaki sa kaniya.

24. Gideon: Tuba Warrior

Ang pelikula ay tungkol sa kung paano nagawang talunin ng bidang si Gideon, ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pananampalataya niya sa Diyos.

25. The King is Born

Isinalarawan sa pelikulang ito kung paano binuo ng pagmamahal ang pagsilang ni Hesus sa mundo.

Bible Movies for Kids

Image from Pinterest

26. David and Goliath

Tulad ng mga naunang pelikula, ang kuwento nina David at Goliath ay nagsasalarawan kung paano nagapi ng batang si David ang higanteng si Goliath sa pamamagitan ng pananampalataya niya sa Diyos.

27. The Legend of Three Trees

 Ang pelikulang ito ay tungkol sa mataas na pangarap ng tatlong puno. Na-dismaya man noong una dahil hindi nila nakamit ang pinapangarap nila, nagbago ang pananaw nila sa buhay ng nakilala nila ang Panginoon. Dahil hindi tulad ng kanilang inaalala, may malaking papel pala silang ginagampanan sa mundo.

28. VeggieTales: The Ballad of Little Joe

 Sa isang nakakaaliw na naman na paraan ay isinalarawan ng VeggieTales na ito ang buhay ng propetang si Joseph at ng mga kapatid niya.

29. Greatest Heroes and Legends of the Bible: The Apostles

 Ipinapakita sa pelikulang ito kung ano ang naging papel ng mga apostol ng Panginoon sa pagpapakalat ng kaniyang mga salita. Dito rin makikita ang iba’t-ibang uri ng tao nanampalataya o kumekwestiyon sa presensya ng Panginoon.

30. Greatest Heroes and Legends of the Bible: Joshua and the Battle of Jericho

Ang pelikula ay nagsasalarawan sa isa sa pinaka-nakakainspire na kuwento sa lumang testamento ng bibliya. Ito ay ang buhay ni Joshua at ang pakikipaglaban niya sa Jericho na naging matagumpay sa tulong ng pananampalataya niya sa Diyos.

 

Source:

Woman’s Day, Country Living

ALSO READ: Easter activities na maaaring gawin sa loob ng bahay

The post Bible movies for kids na puwede niyong panoorin ngayong semana santa appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 5198

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>